Belle Pov
"Bell may blood letting at check up para sa mga bata pala sa covered gym niyo punta tayo." Masayang sabi ni sm pagkababa ko palang, saan naman niya nakuha yung chismis nayan.
"Kayo nalang pagod ako." Sabi ko habang naglalakad papuntang kusina, nauuhaw kasi ako ayaw ko sanang bumaba dahil sa may hangover pako at inaantok, hindi ko alam kong anong trip ng dalawa bakit nagpainom ayan tuloy may hangover ako.
"Sige na please." Pakiusap ni sm sumunod pa talaga siya sakin, 2 days pa lang sila dito para akong babysitter nila puro gala lang naman ang inatupag namin pumunta kami sa farm ni lola nong isang araw at namitas ng mangga kasama din namin si dona.
"Ate ganda gutom nako!!" Hindi ko pinansin ang sinabi ni sm napatingin ako kay dona na ngayo'y nandito nasa harapan namin.
"Hindi kaba pinakain ni mama mo bago umalis dona?" Tanong ko.
"Kumain kami ate pero nagugutom ako hehehehe." Sabi niya kinurot ko yung pisngi niya dahil nakakagigil.
"Okay magluluto muna si ate dun ka muna sa sala maglaro." Sabi ko tumango naman ang bata at umalis.
Napabuntong hininga naman ako bago tumingin kay sm na nagpapacute hanggang ngayon.
"So ano na??"
"Fine anong oras ba umpisa non?" Reklamo ko.
"Uhmmm mamayang 8am pa naman...isasama natin si dona at thea." Nakangiting sabi niya sabay talikod at iniwan akong mag-isa dito, hayop nato.
Nagluto nalang ako para makakain kami mas prefer ko yung rice sa umaga kaysa sa tinapay hindi ako nabubusog.
Wala akong plano magpakuha ng dugo ang haba kaya ng karayom.
*****************
"Yan okay na maglakad nalang tayo exercise narin yun." Masayang sabi ni thea sumang-ayon nalang kami malapit lang naman yung plaza dito samin at hindi rin naman gaano kainit dahil maaga pa.
"Magpapakuha ako ng dugo kayo ba?" Tanong ni sm.
"Hindi/Yes." Sabay na sabi namin ni thea tumingin naman sakin si sm na nakangisi.
"Takot ka pala sa karayum bell." Natatawang sabi niya tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Bilisan na natin at para makauwi na tayo kaagad." Pag change topic ko dahil alam kong aasarin nila ako, hinawakan ko naman sa kamay si dona at nauna na kaming naglakad.
Nakakainis ako palagi napagtripan nila.
Maraming tao na ang pagkadating namin, minsan lang rin naman may ganito sa barangay kaya okay lang libre check up narin.
"Wow ate ganda gusto kong maging doctor paglaki." Sabi ng batang katabi ko natawa na lamang ako.
"Yes baby kaya pagbutihan mo sa pag-aaral." Pangaral ko.
"You know what bell tara na pumila na tayo at magpakuha ng dugo." Asar na sabi ni thea sinamaan ko naman siya ng tingin epal talaga to.
"Kayo nalang dito lang kami ni dona hihintayin nalang namin kayo." Bagot na sabi ko ang boring kaya matutulog pa sana ako kong wala akong epal na kasama.
"Dona baby sama ka kay ate thea maghahanap tayo ng chicks." Aya niya sa bata kaagad namang sumunod si dona sakanya.
Hindi na nila ako pinansin, naghanap nalang ako ng pwede kong maupuan, tumalikod nako pero may nakabangga sakin kaya napaupo ako ng wala sa oras.
Sisigawan kuna sana siya ng nakita ko kong sino ang nakabunggo ko.
Gulat ang rumihistro sa mukha niya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko no bell akala kuba naka move-on kana?
Yung babaeng nang-iwan sakin nandito ngayon sa harap ko.
Mukang nakamove-on naman siya.
"I-i'm sorry ba- i mean bell." Utal na sabi niya.
Inilahad naman niya ang kamay sa harap ko tinignan ko siya ng malamig, hindi ko kinuha ang kamay niya kusa akong tumayo at pinagpagan ang short ko.
"Sa susunod tumingin ka sa dinadaan mo." Walang emosyon kong sabi.
"Pasensya na okay." Mataray na sabi niya.
Magsasalita na sana ulit ako ng may umepal sa likod ko.
"Ohh doc sarah akala kuba bukas pa kayo pupunta dito?" Tanong ni sm lumingon naman ako sakanya pero ngumisi ito sakin.
"No today is my schedule here and besides may hinahanap ako dito." Sagot niya.
Sino naman?
"I gotta go now bell ako na yung next na kukuhanan ng dugo and welcome pala doc sarah bell ikaw na bahala kay doc." Paalam ni sm sabay tapik ng balikat ko.
Bakit ako malaki nato.
"I miss you." Mahinang sabi niya pero narinig ko.
Mas lalo namang bumilis ng tibok ang puso ko, wag kang magpapaapekto sakanya bell.
"Nagpapatawa ka ata." I sarcastic said.
"Let's talk mamaya please." Pakiusap niya tumalikod nalang ako sakanya at umalis ayaw kong makipag-usap sakanya.
Pumunta nalang ako sa malapit na tindahan dito at bumili ng yosi, yes i smoke this is my medicine kapag stress or hindi kaya kinakabahan.
___________________
BINABASA MO ANG
Past And Present
Short Storybestfriend series #3 Doctorxtambay Started: July 13, 2024 End: September 6, 2024