Chapter 21

92 3 0
                                    

Happy new year everyone! Double update tayo. Enjoy reading!

----------------------------------------------------------------

Napatalon ako sa gulat at dahan dahang lumingon sa likod ko. Tumambad sa akin ang naka topless na si Mr. Sir President. May naka tapis na puting towel sa beywang niya.

"M-Mr. Sir President. Ikaw pala iyan." Alanganin na sabi ko.

Droplets from his damp hair slid sensually down his sculpted chest and abdomen. Agad kong nalanghap ang mabangog amoy niya. Bumaba ang tingin ko sa tattoo sa katawan niya. The big snake tattoo.

Akala ko sa braso niya lang nakapulupot ang malaking ahas na tatto nito. Hindi ko akalain na pati buong likod nito hanggang sa right side ng ribs umabot ang tatto. Kung titignan ito para itong buhay na buhay na nakapulupot sa itaas na bahagi ng katawan ni Mr. Sir President. Napalunok ako habang sinusundan ng tingin ang pagkapulupot ng ahas. Tumigil ang paglalakbay ng tingin ko sa braso niya. Halos buong braso niya sa right side ay puno ng nakapulupot na katawan ng ahas.

Grabe ang haba naman ng ahas, ahas ni Mr. Sir President! Ang angas niya talaga tignan. Yummy!

"Close your mouth, stupid human. I know I'm hot gorgeous and everyone's wanted to die for. You don't need to stare at me like you wanted to eat me. Right here, right now." Naglakad ito palapit sa'kin.

Napalunok ako. Napahawak ako sa bibig ko at laking gulat ko dahil naka buka nga talaga ang bibig ko. Mabuti nalang at walang laway na tumulo. Pano ba kasi, ang hot niya lalo na pag bagong ligo!

He stopped in front of me. He's towering me again. Bigla akong nanliit sa harap nito. Parang ang kaharap ko ay isang malaking uso. What a hottie bear! Pwede pa headlock?

"A hottie bear huh?" He chuckled.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Napatakip ako sa bibig ko at namula dahil sa hiya. Shit! Nakalimutan ko, nababasa niya pala isip ko.

"Hindi ako yun!" Tanggi ko.

Tinaasan niya ako ng isang kilay at may mapaglarong ngiti sa labi. "Really?"

"Oo, baka guni-guni mo lang 'yon. Bangag ka lang siguro."

"Tsk. What a wild fantasies about me, stupid little human." He smirked.

Aba'y depungal talaga. Sarap i-kiss sa pisngi! Napangiti ako dahil nalala ko ang ninakaw ko na halik sa pisngi niya habang tulog siya kanina. Ano siya sa'kin ngayon!

"Alam mo ba na ang pisngi mo ang first kiss ko?" Biglang tanong ko dito.

"What do you mean?"

"Wala Mr. Sir President. Huwag ka nang mag tanong dahil baka i-kiss kita ng biglaan diyan." Banta ko.

Nakagat ko ang dila ko dahil sa pandesal na nasa harap ko. Bilangin ko kaya? Ay baka mahalata ni Mr. Sir President na binibilang ko ang pandesal niya. Pero wala naman masama diba? Bibilangin ko lang naman.

Dahan dahan kong lihim na binilang ang abs niya. Nagulat ako dahil umabot ng eight ang pandesal niya. Okay na, palaman nalang ang kulang at lalantakan ko na talaga 'to. Joke lang!

Nakita ko na bumaba ang tingin nito sa unan na dala ko. "Why are you here? You're supposed to be in your room right now." Tanong nito.

Napakamot ako sa ulo ko. "Ah... ano kasi Mr. Sir President. P-Pwede ba ako dito matulog? Hehehe. Nakakatakot kasi doon sa kwarto ko." Ngumiti ako ng matamis.

Tinitigan muna ako nito bago nagsalita. "You'll be sleeping on the couch." Aniya saka ako tinalikuran at pumasok sa walk in closet nito.

"Okay!"

Lumapit ako sa couch at saka humiga doon. Okay naman kahit papaano. Bigla akong napaayos ng higa at saka nagkunwaring tulog nung lumabas si Mr. Sir President sa walk in closet nito. Naka topless ito at tanging grey jogging pants lang ang suot. Napadako ang tingin ko sa tatto nito sa katawan. Shit naman oh, bakit ang hot ni Mr. Sir President? Pwede ba ako magpa tuklaw sa tatto niya na ahas?

Napahagikgik ako sa naisip. Dahil doon ay tumingin sa akin si Mr. Sir President. Kumaway ako sakanya ngunit inirapan lamang ako nito. Nag de-depungal na naman.

Nagkibit balikat nalang ako saka ipinikit ang mga mata. Siguro dahil na rin sa pagod ay nakatulog agad ako. Naalimpungatan nalang ako dahil sa sakit ng ulo ko at batok. Nagulat ako dahil nakabitin yung ulo ko at parang ang lahat ng dugo ko ay napunta sa noo ko.

Teka, paano ba ako nahantong sa ganitong posisyon? Ginalaw ko ang mga paa ko para umayos ng higa ngunit napatigil ako dahil may comforter na nakapatong sa akin.

"Si Mr. Sir President ba ang nag lagay nito?" Tanong ko sa sarili habang niyakap ang comforter. Ang bango!

Nakangiting binalingan ko ang pwesto ni Mr. Sir President sa king size bed nito. Kumunot ang noo ko dahil wala akong nakitang gwapo at matcho ang katawan na nakahiga sa kama. Nasaan si Mr. Sir President?

Tinignan ko ang wall clock at pasado 1am na pala. Hating gabi tapos umalis siya? Agad akong natakot sa iisiping ako lang mag-isa sa kwarto kaya agad akong bumangon. Nag tungo ako sa pinto at akmang bubuksan na sana ngunit naka rinig ako ng kaluskos sa may balcony ng kwarto ni Mr. Sir President.

Napalunok ako. Ano 'yon? Yakap ang sarili na dahan dahan akong nag tungo sa balcony. May naaninag akong malaking bulto ng tao sa kurtina. Bukas ang sliding door kaya pumapasok ang kurtina sa loob dahil hinahangin ito. Napangiwi ako, bakit malaki yung anino? Saka ang tangkad din nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil baka kapre ito.

Nakarinig ulit ako ng kaluskos at tikhim kaya napatakip ako ng bibig. Matatakot na sana ako kaso bakit parang ang sexy ng boses nito? Pikit mata na sumilip ako sa kurtina. Binuksan ko ang isang mata ko at tumambad sa akin ang maskoladong katawan habang ang mga siko ay naka tukod sa railings. Nakamukmuk ang ulo nito sa mga palad habang may hawak na baso na may pulang likido at yosi naman sa kabilang kamay.

Mr. Sir President?

Nakahinga ako ng maluwag, siya lang pala. Pero teka, anong ginagawa niya dito? Saka bakit mukha siyang problemado? Tinignan ko ang madilim na kalangitan, puno ito ng mga bituin. Napayakap ako sa sarili ko nung humaplos sa akin ang pang gabing hangin.

Humakbang ako ng dahan dahan at tumabi sakanya. Itinukod ko din ang mga kamay ko gaya ng sakanya. Ni hindi man lang siya nagulat sa biglaang pagsulpot ko sa tabi niya. Ganon parin kasi ang pwesto niya mula nung makita ko siya.

"What are you doing here?" Malalim at paos na aniya ni Mr. Sir President.

Napabaling ako sakanya. Nakayuko parin siya at walang nag bago sa pwesto niya. "Nakita kasi kita mag-isa dito." Sagot ko habang nakatitig sakanya.

"I don't need you here."

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now