"Pre, kapag ba namatay ako mabubuhay ka?"
"Ano kaba Tangi. Maliit na bagay pinapalaki mo!" Asik ng isang lalaki.
"Eh sa nagtatanong lang naman. Kaya siguro hindi mo nasagot yung tanong ko kasi hindi ka nakapag daycare 'no?"
May narinig akong yabag na papalapit sa pwesto ko. "Hoy! Tangi, Namo! Gusto niyo pag-uumpugin ko mga ulo ninyo? Bakit kayo nag-iinom diyan? Umayos nga kayo dahil sabi ni boss paparating na daw siya!"
Dahan dahan akong napadilat dahil sa ingay sa paligid. Ngunit napangiwi ako dahil hindi natuloy ang pagdilat ko. Naka blindfold pala kasi ako. Saka sino ba nag lagay ng blindfold sa mata ko?! Bakit sa mismong tapat ng mata ko itinali at hindi sa likod?
"Oy, gising na pala si Chicks oh." Boses ng naunang nagsalita na lalaki kanina.
"Gago. May pangalan 'yan!" Sabat naman ng dumating na lalaki.
"Babylyn?" Si Tangi.
"Baka Mimay?" Sabat ni Namo.
"Mga hindi nag iisip! Elizabeth pangalan niyan!" Asik ng lalaking bagong dating.
Mga gago bato? Lahat ng pangalan na binanggit nila hindi tugma sa pangalan ko. At saka bakit ba Elizabeth ang tawag nila sa akin? Mukha ba akong lola?! Ay I mean mukha ba akong si Lola?! Oo nga, totoo naman mukha akong carbon dioxide-char I mean carbon copy ni Lola.
"Mga gago! Flory Jaine ang pangalan ko!" Sabat ko sa kanila.
Nakakainis kasi, kahit anong pangalan nalang ang hinuhula sa akin. Kung bakit ba kasi kasama ko ang mga kupal nato. Ay teka nga, bakit nga ba kasama ko sila? Hindi ko naman sila kilala ah.
Bigla akong natauhan kung nasaang lugar ako at anong nangyari sa akin bago ako nagising dahil sa ingay ng mga kupal nato. Hindi pala si Mr. Sir President yung nasa harap ko, kundi isang misteryosong depungal ang nag kidnap sa akin.
"Hala tinawag ba naman tayong 'gago' oh."
"Malamang Tangi, ikaw yung tinutukoy."
At ayon, nagsimulang mag sagutan ang dalawang gago. Nakarinig ako ng yabag hanggang sa tumigil ito sa harap ko.
"Tapang mo ah? Hindi naman maganda pangalan mo." Biglang sabi nito.
Naka blindfold pa rin ako kaya hindi ko kita kung sino-sino ang mga depungal na nasa harap ko.
"Eh bakit? Sainyo nga ang pa-pangit! Tangi, tapos Namo? Ano yan, TangiNamo?" Balik na asik ko.
Narinig ko na napasinghap ang dalawa sa may gilid at tumigil sa pagsasagutan.
"Hoy narinig ko yun!"
"Name shamer!"
Napangiwi ako. Talagang ako pa ang ginawang masama. Napasimangot ako.
"Shuta. Sino ba nag blindfold sa akin? Bakit sa harap ng mata ko tinali?!" Inis na sabi ko.
"Si Namo nag tali nyan."
"Anong ako? Baka si Jomeng."
"Tangina. Kakadating ko lang."
Napabuntong hininga ako. "Kung tanggalin niyo nalang kaya 'to?"
"May point siya, pre." Sangayon ni Namo.
"Pointless nga lang." Angal ni Tangi.
"Ang iingay! Tanggalin niyo nalang!" Inis na sabi ni Jomeng.
Naramdaman ko na inalis ang pagkakatali ng blindfold sa mata ko. Bahagya pa nga itong nanakit dahil sa mismong harap ng mata ko itinali.
Nang makapag adjust ang mata ko ay mas luminaw sa akin ang mga taong nakatayo sa harap ko. May mga bonet ito at ang dalawa ay ang papayat habang ang isa naman ay sakto lang ang katawan.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirosHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
