Hi guys! Sorry for the late update. Busy kasi ako these past few weeks kaya hirap akong makapag sulat. But don't worry, here's the double update. Enjoy!
--------------------------------------------------------------
Dahan dahan akong humiwalay sa kanya pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi. Ramdam ko na namumula ang aking mga pisngi dahil sa ginawa ko. Ang tapang ko naman. Sana kinagat ko nalang.
Wala siyang imik. Naka tagilid pa rin ang kanyang ulo. Nakatingala lang ako sa kanya habang hinihintay ang kanyang susunod na gagawin. Nakita ko na umigting ang kanyang panga at kumuyom ang kanyang kamao.
Hala ginalit ko ba? Baka bigla nalang akong suntokin nito. Sure akong wala pang isang segundo hiwalay na agad ang ulo ko sa leeg. Napalunok ako dahil unti-unting siyang lumingon sa akin. Wala akong nababakas na emosyon sa kanyang mukha. Baka kinikilig siguro?
"Mr. Sir President. Kinikilig ba kayo? Huwag niyong sabihin na tuluyan na talaga kayong na in love sa akin? Baka mag post ka sa fb ng 'Best Birthday Ever!' kasi hinalikan kita sa pisng--" Hindi ko na natapos ang mga sinasabi ko dahil sa gulat nang bigla niya akong hatakin sa beywang at walang pasabing inilapit ang kanyang mukha sa akin.
Naramdam ko na dumampi ang kanyang malambot na labi sa labi ko. Libo libong kuryente ang dumaloy sa sistema ko. Parang wala akong narinig kundi ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang bigla akong nanghina.
Ilang segundo ay humiwalay na siya sa akin at bumulong sa tainga ko.
"Thank you Jaine..."
Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang niya ako tinawag sa ikalawang pangalan ko. May kung ano akong naramdam na kiliti sa puso ko.
Naghiwalay ang mukha namin at nakatitig lang ako sakanya. Hindi ako makapaniwala na hinalikan niya ako. Nagulat ako nang ma-realize ko na ninakawan pala ako ng halik ni Mr. Sir President. Siguro baka gumanti siya kasi ninakawan ko din siya ng halik nung tulog siya.
"Magnanakaw ka ba Mr. Sir president?" Napatakip ako sa bibig ko.
Kumonot ang kanyang noo at nawe-weirdohan na tumingin sa akin. "What?"
Agad akong napaisip na huwag nalang sabihin sakanya ang pagnakaw ko sa kanya ng halik nung tulog siya dahil baka bigla nalang ako nitong bigwasan.
"Nakawin mo nga panty ko. Charot." Nasampal ko siya sa braso. Naka poker face lang naman siya habang pinupudpud ako ng nakakamatay na tingin.
Tumigil ako sa pagtawa at saka sumeryoso ng tingin sakanya.
"Mr. Sir president, diba hinalikan mo ako? Ibig ba sabihin ba nun... hindi ka na galit sa akin?" Tumingala ako sakanya.
Nag iwas siya ng tingin at kita ko na umigting ang kanyang panga.
"Mr. Sir president? Hindi kana galit sa'kin?" Pag uulit ko.
"Shut up." Ibinalik niya ang tingin sa akin at parang bumalik sa dati ang kanyang masungit na mukha. "Of course... I still hate you." Malamig niyang sabi at nilagpasan ako saka pumasok sa loob.
Naiwan akong mag-isa at gulat. Bakit bigla siyang naging ganon? Bakit bigla siyang bumalik sa dati? May sinabi ba akong ikinagagalit niya? O baka galit pa talaga siya sa akin? Pero bakit niya ako hinalikan kung ganon?
Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil sa dami ng tanong ko. Napag desisyonan ko nalang na pumasok na din sa loob. Hinanap agad ng mga mata ko siya, ngunit wala akong nakitang kahit bakas ng anino niya.
Napayuko ako at napa upo sa kama. Mali ba na tinanong ko sakanya yun?
Inabot ako ng ilang oras kakahintay kay Mr. Sir President na bumalik ngunit inabot nalang ako ng dalawang oras ay hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko nalang namalayan sa kakahintay ko sakanya ay nakatulog na ako.
Naalimpungatan ako dahil sa nararamdaman kong init. Pinagpapawisan ang noo ko. Para akong niyakap ni satanas. Nasapo ko ang aking noo dahil nakabukas pala ang bintana kaya nakapasok ang sinag ng araw na nanggagaling sa labas.
Hahang pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking kamay ay napadako ang tingin ko sa pinto ng cr nang bumukas ito. Lumabas ang bagong ligo at sobrang fresh na si Mr. Sir president. Tanging ang puting tuwalya lang ang naka kapit sa beywang nito. Lantad na lantad ang maskuladong katawan at ang ahas na tattoo niya.
Ano ba 'yan. Umagang-umaga at kagigising ko lang ngunit may almusal na agad ang bumungad sa akin. Wow, ako pa talaga ang may gana na mag reklamo imbis na matuwa.
Nakatitig lang ako sa bawat galaw na ginagawa niya. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Pumasok siya sa isang walk in closet kaya napabuntong hininga ako. Mukhang iniiwasan niya ako.
Pagkalabas niya ay diretso siya sa pinto kaya agad ko siyang tinawag.
"Teka!" Habol ko ng tawag sakanya ngunit parang wala siyang narinig at dumiretso lang ng labas sa pinto.
Nanlumo ako dahil sa pang-iignore niya sa akin. Mukhang mas nadagdagan pa nga siguro ang galit niya sa akin.
Sa bawat lapit ko sakanya ay siya namang iwas niya sa akin. Ganon ang nangyari sa loob ng isang araw. Gusto ko nga sana itanong kung kailan ba kami uuwi sa mansion. Miss ko na kasi si Josiah at si Manang Lena.
Gabi na at nakita ko si Mr. Sir President na nasa sala at umiinom ng mamahaling alak. Medyo pula na rin ang mukha nito dahil sa kalasingan. Sobrang puti din kasi ng kutis ni Mr. Sir President kaya kitang kita ang pamumula niya.
Nilapitan ko siya at bahagyang tinawag. "Mr. Sir President... may itatanong lang sana ako." Kuha ko sa atensyon niya.
Tumigil siya sa pag tungga ng alak at padabog itong inilapag sa mesa ang babasaging baso. Dahan dahan siyang nag angat ng tingin habang may nakakamatay na titig.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nakakatakot kasi ang mukha ni Mr. Sir President kahit sobrang pogi niya, may nakakatakot kasi ito na awra.
"What do you want little human? You know I can kill you right now." Aniya sa malamig na tono.
Biglang nanigas ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Napalunok ako at umiling. "H-Hindi. Gusto ko lang s-sana itanong kung kailan tayo uuwi sa mansion." Mahinang usal ko.
Narinig ko siyang tumawa. Ngunit hindi tawa na parang masaya, parang tawa na naiinis. Bigla siyang tumigil sa pagtawa at tiningala ako na walang emosyon ang mga mata.
"Umuwi ka mag-isa. I don't give a fuck kahit anong mangyari sayo. You're just a piece of shit to me that I can use anytime." He chuckled.
Napayuko ako dahil nagsisimulang managilid ang luha ko. Talagang bumalik na siya sa dati. Sa dating siya na ayaw ako.
Tahimik akong lumabas ng rest house. Umupo ako sa ilalim ng malaking puno. Kanina kasi nilagyan ko ito ng duyan para may maupuan ako. Hindi naman ako uuwi ng ako lang mag-isa. Hindi ko kaya alam kung saan lupalop ng lugar itong rest house nato.
Unti unting tumulo ang mga luha ko dahil paulit ulit na nag replay sa utak ko ang sinabi sa akin ni Mr. Sir President. Ewan ko ba kung bakit nasasaktan ako sa mga masasakit na salitang binitawan niya kanina na noon nga parang wala lang sa akin. Pero ngayon parang sinasaksak ang puso ko dahil sa sakit.
Nakayuko ako habang pinupunasan ang mga luha ko nang may biglang dalawang pares ng sapatos ang sumulpot sa harapan ko. Kumunot ang noo ko. Sinundan ako ni Mr. Sir President? Nag angat ako ng tingin para kompermahin ang hinala ko ngunit bago ko pa makita ang mukha nito ay may kung anong matigas na bagay ang humampas sa ulo ko para tuluyan na mag dilim ang paningin ko.
Pero bago pa ako mawalan ng malay ay may narinig akong salita.
"Matulog ka muna Elizabeth..."

YOU ARE READING
The Devil's Maid
Про вампировHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...