Chapter 22

135 4 2
                                    

Napanguso ako dahil sa kamalditahan niya. Sinusumpong na naman siguro ng kakupalan. Hindi ako umalis sa pwesto ko at mas wala akong balak na umalis. Gusto ko kasi siyang samahan, para kasi siyang malungkot na ewan.

Ibinalik ko ang tingin sakanya. Mula dito sa pwesto ko ay kitang kita ko ang side profile niya. Ang tangos talaga ng ilong niya, saka yung pilik mata niya dinaig pa naka eyelash extension! Ano ba 'yan, may ibang parte ba ng katawan na panget ang lalaking 'to? Parang wala naman. Lahat perpekto.

"Go back inside and sleep." Muling sabi niya.

"Hindi na ako makatulog ulit." Napakamot ako sa ulo ko.

"Then force yourself." Walang ganang sabat niya.

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Baliw ba siya? Mahirap kaya pilitin ang sarili mo na matulog.

"Alam mo Mr. Sir President?" Panimula ko.

"Hindi."

"KJ naman! Sabihin mo nalang na 'Oo'!" Reklamo ko.

Bumuntong hininga ito at parang walang magawa kundi ang sumangayon. "Fine. What?"

Ngumiti ako. "Nakita mo ito, Mr. Sir President?" Turo ko sa dark circles at eye bags sa ilalim ng mata ko.

"Is that a black eye?" Tanong niya.

Napasimangot ako. "Grabe, black eye agad?"  Umirap ako. Hindi na siya muling nag salita kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagkukwento ko.

"Nakuha ko 'yan kasi tuwing gabi nahihirapan akong matulog. Hindi ko alam kung bakit pero nagsimula ito nung fifteen years old ako. Tapos hanggang ngayon na eighteen na ako nahihirapan parin ako. Kaya para sa'kin Mr. Sir President, hindi ko na pinipilit ang sarili ko na makatulog kasi mas lalong hindi ako makakakatulog." Napayuko ako. Tahimik parin siya sa tabi ko kaya nag angat ako ng tingin at nakita ko na nakatitig na pala siya sa akin.

Nakakunot ang mga noo niya at parang may kung anong emosyon sa kanyang mga mata habang nakatingin ito sa'kin. Ano kaya yun?

"Bakit ganyan kayo makatingin sa'kin, Mr. Sir President? Na in love na po ba kayo sa kagandahan ko?" Nakangisi kong sabi.

"The fuck?" Nandidiri at hindi makapaniwalang saad niya.

"Hay nako, alam ko naman na maganda ako Mr. Sir President at gustong gusto niyo ako. Pero tatapatin na kita ha? Kahit hot at yummy ka hinding hindi kita sasagotin. Reject ka sa'kin!"

"Are you out of your mind? Gusto mo dagdagan ko pa 'yang black eye mo?" Pagbabanta niya sa'kin.

Nameywang ako. "Hoy! Sabing hindi 'to black eye! Tigas ng ulo oh!" Maktol ko.

Nakita ko na tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Aling ulo ba ang tinutukoy mo?" Aniya sa naaliw na tono.

Namula ako nung ma realize ko kung anong ibig sabihin niya. Nag iwas ako ng tingin at tumikhim. "Tigilan mo nga ako Mr. Sir President. Halikan kita diyan eh." Bulong ko sa huling sinabi ko.

"Really? You will?" Aniya sa mangha na tono.

"Depungal." Umirap ako dito at ibinaling sa ibang direksyon ang paningin ko para iwasan ang kanyang mga titig.

"Hey little human. Do you know why Venus seemed so desperate to find me earlier?" Biglaang tanong nito.

Napalingon ako sakanya. "Bakit nga ba? Parang tuluyan na nga 'yon mabaliw kanina eh kakahanap sayo."

"It's because she wants to spend it with me." 

Nagugulohan akong napatitig sakanya. "Ha?"

"It's already 1am."

"Eh ano naman? Hahalikan mo ako?"

Napailing siya at may maliit na ngiti sa labi na itinoon ang paningin sa ibang direksyon bago ito bumuntong hininga at binalingan ako.

"It's my birthday." Mahinang saad niya habang may lungkot akong nakikita sa mata niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napatakip ako sa bibig ko. "Seryoso? Birthday mo ngayon?!" Gulat kong tanong.

Tumango siya.

"Eh bakit tayo nandito? Bakit wala tayo sa mansion para i-celebrate ang birthday mo?"

"I don't celebrate my birthday."

"Hala bakit? Araw iyon ng kapanganakan mo. At yun ang pinaka importante na araw sayo, alam mo ba 'yon?"

"Her death on my birthday has made me lose interest in celebrating it anymore."

Parang may kung ano ang tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya. Lola ko ba ang tinutukoy niya?

"No, it's my mother. I was just a kid when I witness it on my own naked eyes in front of me when she was killed by someone." Inilagok niya ang pulang likido sa baso at inubos ito. Umiinom na naman siya ng dugo.

Ramdam ko ang galit at puot sa bawat salita na binibigkas niya.

Napayuko ako. "Sorry..."

"Why are you apologizing?"

"Wala lang. Naiintindihan ko kasi ang nararamdaman mo."

Tinaasan niya ako ng isang kilay. Nakita ko na may kaunting dugo pa sa gilid ng labi niya kaya tinitigan ko ito. Parang napansin naman niya ang tinititigan ko kaya dinilaan niya ito gamit ang dila niya.

"Mr. Sir President. Bakit ka pala umiinom ngayon ng dugo?"

"I nearly attacked you while you slept. You're lucky I controlled myself and drink animal blood instead." He chuckled. "Sleeping beauty almost became midnight snack." Aniya at humithit ng yosi at bumuga ng alak.

"Aba kinukupal ka na naman siguro." Nakanguso kong sabi. Sarap nalang talaga halikan sa bicep.

Napangiwi ako dahil nakalanghap ako ng usok galing sa yosi na hawak niya. "Ano ba 'yan! Tigilan mo nga 'yan." Reklamo ko.

Pero ang kupal parang walang narinig dahil hithit parin ng hithit ng yosi. Bumuntong hininga ako at nagsalita muli.

"Mr. Sir President naman eh." Naiinis kong reklamo. "Kung gusto mo ng bonggang usok edi tambutso ang hithitin mo!"

Parang wala siyang narinig at binalingan lang ako ng tingin at binugahan ako ng usok sa mukha. Nagkanda ubo ako dahil sa ginawa niya. Para akong nasa langit dahil sa dami ng usok na nakapalibot sa mukha ko.

Nang mawala na ang usok ay nakita ko ang mapanuksong ngiti niya habang umiiling iling na parang ini-enjoy ang paghihirap ko. Humithit muna siya ng isang beses bago tinapon ito sa lupa.

Iyon naman pala eh, itatapon din naman. Kailangan pa talaga akong pahirapan?

Namayani ang katahimikan sa paligid. Walang nag salita sa aming dalawa kaya nakaisip ako ng paraan para maibsan ang katahimikan sa pagitan namin.

"Mr. Sir President!" Tawag ko dito. Lumingon ito sa akin at tinaasan ako ng isang kilay.

"Ano yun?" Turo ko sa likod niya.

Nagtatakang ibinaling niya ang tingin sa tinuturo ko. Walang akong oras na sinayang at agad na tumingkayad at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang balikat niya saka idinampi ang labi ko sa makinis niyang pisngi bago bumulong.

"Happy birthday Mr. Sir President..."

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now