Epilogue is on the way! Just four chapters to go kaya wait nalang sa next update. ^_^
Enjoy reading!
-----------------------------------------------------------------------
Gumising ako ng maaga. Sinadya ko talaga dahil hindi ko kayang harapin si Tita Pinky sa narinig kong pag-uusap nila ni Josiah kagabi. Saka ko na siya haharapin kapag nasagot na ang mga tanong sa isip ko. Hindi na pala ako nag breakfast. Sa coffee shop nalang siguro ako.
Tulog pa si Tita Pinky ngayon kaya hindi din naman niya malalaman. Si Mary at Shaun naman ay weather-weather lang iyon dito. Minsan lulubog, minsan naman lilitaw. Ewan ko ba kung saan sila nag r-roadtrip mag-ina.
Naka received ako ng message galing mula kay Josiah. Tinitigan ko ang phone ko dahil hindi ko alam kung mag-rereply ba ako o hindi. Naisipan ko nalang na replyan siya saka ko ibinulsa ang phone ko.
Pagkalabas ko ng bahay agad akong pumara ng taxi. Wala akong nakitang umaaligid na kotse sa paligid kaya nag kibit balikat nalang ako. Hindi ko ginamit ang kotse ko dahil baka susunduin ako mamaya ni Josiah.
Ginugol ko lahat ng oras ko sa coffee shop. Nakapag-isip din ako na hahanap ako ng ibang trabaho bukod dito sa coffee shop. Sa ibang araw ko nalang iyon iisipin. May mahalagang bagay ako na dapat malaman kaya isasantabi ko muna iyon.
Almost 6:40 na kaya nagliligpit na ako ng mga gamit ko habang naghihintay kay Josiah. Naninikip parin ang dibdib ko sa iisipin na may tinatago siya sa'kin. Habang nagliligpit ay may natanggap akong message mula sakanya. Agad ko itong binuksan.
Josiah:
How's your day? I'm sorry I can't fetch you right now. May importante lang akong pupuntahan, don't worry babawi ako sayo tomorrow okay?
Humugot ako ng buntong hininga saka inilagay sa bulsa ang phone ko. Lumabas ako ng coffee shop para maghintay ng taxi. Ngunit isang grey na sasakyan na naka park sa may gilid ng kalsada hindi kalayuan sa pwesto ko ang bumungad sa akin.
Tumaas ang sulok ng labi ko dahil alam ko kung sino yun. Alam kong hindi ko na siya kailangang hanapin dahil siya na mismo ang kusang lumalapit sa'kin. Naglakad ako papalapit sa kotse at kinatok ang salamin nito. Dahan-dahan itong bumukas at bumungad sa akin ang blanko ngunit gwapong mukha ng isang lalaki.
Talagang masasabi mo na pinagpala siya sa genes dahil lahat ng features niya hindi lang sa mukha kundi hanggang talampakan ay napakaperpekto. Naka hawak ang right arm niya sa manibela habang nasa harap ang tingin kaya kita ko ang side profile niya.
Lihim nalang na napaawang ang bibig ko dahil sa tangos ng ilong at sobrang taas ng pilik mata niya. Ang defined jawline naman niya ay mas lalong nagpaperpekto sakanya.
Tumikhim ako para kunin ang kanyang atensyon. "Paparazzi talaga kita 'no?" Pero sa mukha mo parang mas higit kapa sa paparazzi.
Nag angat siya ng tingin. "What?" Masungit na sabi nito.
"I need to talk to you." Seryoso kong sabi.
Hindi siya sumagot ngunit ang tanging narinig ko lang ay ang pag tunog ng lock sa pinto ng kotse kaya agad akong nag lakad papuntang passenger seat at umupo.
"Listen, I don't know you, but I need to know who you really are. Straight to the point na ako. Bakit feeling close ka sa'kin?" Naningkit ang mga mata ko habang sinasabi ko iyon.
Nakita kong bumukol ang pisngi niya dahil sa kanyang dila habang bahagyang tumagilid ang kanyang ulo ng hindi parin ako tinatapunan ng tingin.
"Tsk. Hindi ka ba natatakot? You're with a stranger right now. Who knows I'll murder you or do even worse than that." Bahagya siya bumaling sa'kin saka tinaasan ako ng isang kilay.
Dahil sa kanyang ginawa ay napatitig ako sakanya. Naka black t-shirt siya na hapit sa kanyang katawan. At dahil ang right arm niya ay nakahawak sa manibela naka flex tuloy ang kanyang malaking bicep na may mga iba't ibang tatto. Napunta ang tingin ko sa leeg kung saan may ulo ng ahas habang nakalabas ang dila na natabunan ng kanyang tainga kaya kalahati lang ng dila ng ahas ang nakita.
Ang astig naman ng tatto niya. Parang isang taon ginawa dahil sa sobrang realistic! Napahawak tuloy ako sa gilid ko, baka kasi maputol bigla yung garter ng panty ko. Lihim kong pinagalitan ang sarili ko dahil hindi naman talaga ito ang pakay ko, iba ang pakay ko!
"Hindi ako natatakot. Alam ko naman na hindi mo magagawa iyan sa'kin." Umirap ako. "Kasalan kaya ang kumitil ng buhay ng isang tao ng hindi ang Diyos ang gumagawa nito." Proud na sabi ko sakanya.
Napatitig lang siya sa'kin na parang may nasabi ako na kung ano. May dumaan na kung anong emosyon sa kanyang mga mata ngunit agad din itong nawala. Ano yun? Parang flash lang?
"You've said that five years ago..." Wala sa sariling sambit niya.
Nagsalubong ang kilay ko. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Sino ba talaga siya? Bakit kung makapagsalita siya ay parang alam niya ang nakaraan ko?
"Sino ka ba talaga? Sino ka ba sa buhay ko?" Bulong ko.
Tila ba alam na niya na itatanong ko yun dahil wala man lang siya naging reaksyon. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan saka itinuon ang paningin sa itaas. Nakatingin lang ako sa bawat kilos na ginagawa niya, hinihintay ang kanyang sagot.
"They lied to you. Everything that they've said to you was a lie." Tumingin siya sa'kin. "I think the right thing that you must do is ask your Tita about everything. She owe you more explanation than I do." Seryosong sabi niya.
Nakaawang ang labi ko habang nakikinig sa mga sinabi niya. Kilala niya ang Tita Pinky ko. Bumaling ako sakanya. Nanginginig ang mga labi ko.
"Flory Jaine Sarmento. A-Ako 'yan hindi ba?" May namumuong luha sa mga mata ko.
Nakita kong nag-igting ang kanyang panga habang dahan dahang tumango. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko at hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng sobra. Tanging hikbi lang ang maririnig sa loob ng kotse.
Naging tahimik lang siya habang pinapakinggan ang mga hikbi ko. Makalipas ang ilang minuto ay mukhang gumaan na ang pakiramdam ko ay doon na siya nagsalita.
"I'll drive you home. Mag-gagabi na." Aniya saka pinaandar ang kotse.
Tahimik lang ako sa buong biyahe. Nang nasa tapat na kami ng bahay ay walang nagsalita sa amin. Narinig ko na tumunog ang lock kaya kinalas ko ang seatbelt.
"Salamat pala. Sapat na ang mga sinabi mo sa'kin." Hahawakan ko na sana ang pinto ng kotse nang may malaking kamay na humawak sa pulso ko. Napabalik ako sa kinauupuan ko at gulat na napatingin sakanya.
Hawak niya parin ang pulso ko nang dahan dahan siyang lumapit sa'kin at hinalikan ako sa noo. Napapikit nalang ako habang nakalapat ang kanyang malambot na labi sa noo ko.
"Lock the gate properly." He whispered.
Humiwalay siya sa'kin kaya agad akong napatingin sa harap saka tumango at dali-daling lumabas ng kotse. Pagkalabas ko ay agad niya naman niyang pinaharurot ang kanyang mamahalin na sports car. Tigalgal nalang ako habang naiwan na nakatayo at nakatingin sa kotseng papalayo.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirosHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
