Pagkapasok ko sa bahay agad na hinanap ng mga mata ko si Tita Pinky. Nagdadalawang isip pa ako kung ngayon ko na ba siya kakausapin o ipagpabukas nalang. Pero desidido na talaga ako na malaman ang lahat ng mga bagay na nagpapagulo ng isip ko.
Si Shaun ang nadatnan ko sa sala. Nakaupo ito sa couch habang nanonood ng paborito nitong palabas na Doraemon. Naglakad ako palapit sakanya at tumabi ng upo.
"Hi Shaun." Bati ko at nakinood din ng tv.
Bumaling siya sa'kin at pinaningkitan ako ng mata. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. Ano na naman ba ang nagawa ko?
"Crush mow si Gwapo!" Asik nito.
Napangiwi ako. Sinusumpong na naman ang bata. Teka, sino ba 'yang gwapong tinutukoy niya?
"Hoy aber, sino ba talaga ang gwapo na 'yan ha?" Sinundot ko ang kanyang noo.
Tinabig niya naman ang daliri ko saka pairap na nagsalita. "Yung may wow na car!"
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ay teka nga, bakit ko ba ito siniseryoso? Baka naman kwentong pambata na naman yung si Gwapo ni Shaun. Mga bata kasi, kahit sino nalang binabanggit.
Nagpaalam ako kay Shaun na magbibihis muna sa taas. Tapos na pala siyang kumain at yung nanay niya naman na si Mary ay may lakad daw. Pagkatapos kong mag bihis agad akong dumiretso sa kusina para kumain ngunit napatigil ako nang makita ko si Tita Pinky na umiinom ng tubig.
Napansin nito ang presensya ko kaya napalingon siya sa aking pwesto. Agad siyang ngumit at binati ako.
"Oh, ikaw pala iyan. Kumain kana? " Nakangiting sabi niya sa'kin.
Napakurap ako at lumunok ng laway. "O-Opo. Tapos na."
Naglakad ako papunta sa island counter at umupo. Kaharap ko na ngayon si Tita Pinky kaya tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon.
"Tita... may itatanong sana ako." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.
Napabaling siya sa'kin. "Bakit? Ano yun?"
"Flory Jaine Sarmento ang totoong pangalan ko, hindi ba?" Dahil sa sinabi ko ay parang natigilan siya saglit saka nag angat sa'kin ng tingin.
"M-Maya, ano ba iyang pinagsasabi mo? Saan mo iyan nakuha?" Lumapit siya sa'kin at tumabi ng upo.
"Sabihin niyo nalang po ang totoo. Alam ko pong may itinatago kayo ni Josiah sa'kin dahil narinig ko mismo ang pinag-usapan ninyo nakaraang gabi." Bunyag ko.
Nakita kong nagulat si Tita Pinky at bahagya itong napasinghap. Bumukas sara ang bibig niya ngunit walang lumabas na kahit anong salita.
"Sabihin niyo nalang po sa'kin ang totoo Tita. Naguguluhan na po talaga ako." Inis na sabi ko.
Hinawakan ni Tita Pinky ang kamay ko. "Alam ko. Alam kong darating ang panahon na tatanungin mo ako nito." Humugot siya ng malalim na buntong hininga at nagpatuloy. "Hija... naniniwala ka ba sa mga bampira?"
Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Kusang nakaawang lang ang bibig ko at walang lumalabas na salita. Totoo ba ang mga bampira?
"Totoo ang mga bampira Hija." Tumingin siya sa mga mata ko. "At isa ako sakanila." Nag iwas siya ng tingin.
Napasinghap ako at hindi makapaniwalang napahawak sa bibig ko. "P-Paano..." Hindi parin mag sink in sa isip ko ang sinabi ni Tita Pinky.
"Alam kong hinding hindi kapanipaniwala pero nagsasabi ako ng totoo."
"I-Ibig sabihin po ba, bampira din ang mama ko? At ako?" Nanlaki ang mga mata ko.
Umiling si Tita Pinky. "Hindi Hija. Hindi kami totoong magkadugo ng mama mo. Ang totoo niyan, pinalabas ko sa mga tao na magkapatid kami ng mama mo ngunit hindi talaga totoo. Ang tunay na kapatid ko ay ang Lola Elizabeth mo. Kinuha ako ng pamilya ni Elizabeth sa bahay amponan. Naging malapit kami sa isa't isa simula nun. Ngunit habang mas tumatagal naiinggit ako sa Lola Elizabeth mo." Nanunubig na ang mata ni Tita Pinky habang nagkukwento.
Hinawakan ko ang kamay niya at tahimik lang na nakikinig.
"Nakukuha niya lahat ng gusto niya. Samantalang ako naman ay hindi. Ang Lola Elizabeth mo, nahulog ang kanyang loob sa isang bampira. Naging magkasintahan sila ng matagal na panahon. Naiingit ako sakanya dahil nakukuha niya lahat ng gusto niya ng walang kahirap hirap. Pati nga ang atensyon ng taong gusto ko nakuha niya, kaya nakaisip ako ng paraan. Inaya ko siyang magpahula kami, binayaran ko ang manghuhula na magsinungaling at sabihin na ang magiging apo niya ang makakatuluyan ng kanyang bampirang kasintahan. Nalungkot siya matapos nun, sobrang saya ko kasi nagtagumpay ako sa plano ko. Makalipas ang ilang araw, sinabi niya sa'kin na balak niyang iwanan ng palihim ang kanyang kasintahan. Hindi ko alam na seseryosohin niya iyon." Humagulgol si Tita Pinky habang nagkukwento.
Napatitig ako sakanya. Alam kong grabe ang sakit na dinanas niya. Pero hindi ko maisip na nagawa niya pala iyon sa Lola ko.
"I-Isang araw. Lumapit sa'kin ang Lola Elizabeth mo na umiiyak. Sinabi niya sa'kin na ginahasa daw siya ng kanilang hardenero at nagbunga ito. Nagalit ako at palihim na pinuntahan ang bahay ng hardenero. Sa galit ko ay hindi sinasadyang napatay ko iyon. Walang may alam na isa akong pambira, lalong lalo na si Elizabeth. Sinabi niya sa'kin ang kanyang plano na ipalabas na sumama siya sa hardenero at nagkaroon ng bunga ang kanilang pagmamahalan, pero ang totoo ay ginasaha siya nito at mas piniling lumayo nalang ng tuluyan ng Lola Elizabeth mo dahil nabuntis siya ng iba. Umuwi kami ng probinsya ng pamilya ni Elizabeth para doon ipagbuntis ang mama mo."
Nakaawang ang bibig ko dahil sa mga nalaman. Gulantang ako dahil sa kwento ni Tita Pinky.
"Dumating ang araw na pumanaw ang Lola Elizabeth mo sa katandaan, ngunit ako hindi ako tumanda o kumulubot man ang balat. Nang oras na iyon sinabi ko ang totoo sa Lola mo bago siya malagutan ng hininga ang totoong pagkatao ko. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad at nasabi sakanya ang totoong ginawa ko sakanya. Sanggol palang ay iniwan ko na sa bahay amponan ang mama mo dahil mapanganib kapag nasa puder ko siya. Maraming naghahabol sa Lola Elizabeth mo noon, dahil sa kaaway ng kasintahan niyang bampira. Nawalan na ako ng balita sa mama mo simula nun. Buong buhay ko, hanggang ngayon pinagsisisihan ko ang ginawa ko..." Nahihirapang huminga si Tita Pinky habang nagsasalita kaya agad akong kumuha ng tubig para ipainom sakanya.
Nanginginig ang kamay ko at napakasikip ng dibdib ko. Hindi ko maisip na ganyan pala ang nakaraan ng Lola ko at mama. At mas lalong hindi ko maisip na totoo pala ang mga bampira!
"Kung ganon, bakit ako napunta sa puder niyo?"
"Ganito kasi iyon Hija. Nabalitaan ko ang tungkol sayo. Kumuha ako ng isang tao para maging mata sa loob ng masyon na pinagtatrabahoan mo. At iyon ay si Josiah. Nalaman ko lahat-lahat ng nangyari at hindi ako makapaniwala dahil ang taong pinagtatrabahoan mo ay ang bampirang kasintahan ng Lola Elizabeth mo. Windang ako sa mga nangyari at alam ko na sa oras na malaman ng bampirang iyon ay baka saiyo mabunton ang kanyang galit kay Elizabeth kaya nang makahanap ako ng tyempo, nakuha kita sakanya at binura ang lahat ng ala-ala mo sa nakaraan at pinalabas na aksidente ka kaya nawala ang ala-ala mo at fiance mo si Josiah." Hinawakan ni Tita Pinky ang mga kamay ko.
Unti unting tumulo ang mga luha ko. Para akong pinagtaksilan. Sa mga nakalipas na panahon, nabuhay lang pala ako sa kasinungalingan.
"Patawad Hija... Nagawa ko lang iyon para sa ikabubuti mo dahil mainit ka sa mga mata ng mga bampira kasi akala nila ikaw si Elizabeth at buhay kapa. Kamukhang kamukha mo kasi siya..." Napayuko ako habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Naramdaman ko na niyakap ako ni Tita Pinky habang umiiyak ako. Ngayong nasagot na ang mga tanong sa isip ko, parang hindi ko kayang harapin ang mga ito.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirosHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
