Hi guys! 1 Chapter lang muna kasi na mental block ako kaya natagalan. But don't worry, I'll update 3 chapters soon if kaya then after that Epilogue na.
Enjoy reading!
--------------------------------------------------------------------
Nagising ako sa kwarto ko. Sobrang sakit ng ulo ko, para itong ginawang bowling ball ng ilang beses. Napahawak ako sa ulo ko at inalala ang nangyari kagabi. Naninikip ang dibdib ko ng maalala ang lahat ng sinabi ni Tita Pinky. At tama nga siya, naalala ko na ang lahat.
Tumayo ako at pumasok sa cr para maligo. Pupuntahan ko si Josiah ngayon sa condo niya. Gusto ko siyang kausapin sa lahat-lahat. Pagkalabas ko ng kwarto agad na sumalubong sa'kin si Tita Pinky na may pag-alala sa mukha. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa braso.
"Hija..." Tawag nito sa'kin.
Hindi ko siya tinignan at ibinaba nalang ang tingin sa sahig. "Aalis po ako, may pupuntahan lang." Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa at agad na akong nagpatuloy sa paglalakad paalis.
Nag commute ako patungo sa condo ni Josiah. Kinakabahan ako sa bawat hakbang na aking tinatahak. Nang makarating na ako sa pinto ay hindi na ako kumatok. Balak ko siyang surpresahin. Ngunit napatigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa bumungad sa'kin.
Likod ng isang babae ang nakaharap sa akin habang kaharap nito ay si Josiah na may kandong na batang lalaki. Nagtatawanan sila na parang ang saya nila. Parang isang pamilya...
Unang napalingon sa'kin si Josiah na may gulat na ekspresyon sa mukha. Bumaba ang tingin ko sa bata na nakatingin din sa'kin. Napunta ang tingin ko sa babaeng nakatalikod na dahan dahang humarap sa'kin para tignan ang tinitignan ni Josiah at ng bata. Kumirot ang dibdib ko at hindi ko mapigilan na magulat at malito.
Anong ginagawa ni Venus dito?
"Josiah?" Tawag ko sa kanya na parang pinapahiwatig na naguguluhan ako at kailangan niyang ipaliwanag ang nakita ko.
Bumukas sara ang bibig niya na parang nangangapa ng salita. Kumuyom ang kamao ko at tinaasan siya ng dalawang kilay na parang hinihintay ang kanyang sasabihin.
Nag iwas lang sa'kin ng tingin si Venus. Tumayo si Josiah at hinawakan ako sa pulso at hinila papunta sa kanyang kwarto. Tahimik lang ako habang hinihila niya ako. Namamanhid ang buong pagkatao ko at tila naging blangko ang isip ko.
Nang makapasok na kami sa loob ay agad ko siyang hinarap. "Josiah ano yun?" Paos na tanong ko.
Napahawak siya sa leeg niya at nag iwas ng tingin.
"May... I'm sorry." Marahan na bigkas niya.
"It's Jaine." Pagtatama ko.
Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. Bumukas sara ang bibig niya na parang nahihirapan siyang i-proseso ang lahat.
"Oo, bumalik na lahat ng ala-ala ko." Pagkomperma ko sa kanyang dapat sasabihin.
"P-Paano?" Hindi parin makapaniwalang bigkas niya.
"Wala ka na dun. Ako dapat ang magtanong sayo nyan. Paano mo nagawang magdala ng babae dito na hindi ko alam?" Nanunubig ang mga mata ko.
Ang sakit pala sa feeling na pinagtaksilan ka ng taong pinagkakatiwalaan mo.
"No, listen... hindi ko alam na pupunta sila dito sa condo ko." Paliwanag niya.
"Anong meron sainyo ni Venus?" Diretsong tanong ko.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga at napayuko.
"May anak kami." Nag angat siya ng tingin at sinalubong ang mga titig ko.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
