Chapter 36

682 12 0
                                        

Finally! Here's the next chapters. Please enjoy reading!

------------------------------------------------------------------------

"Shaun nandyan ka pa ba?" Katok ko sa pinto ng cr.

Agad naman kumalabog ang pinto kaya napapitlag ako sa gulat.

"Naman!" Asik nito.

Napataas ang isang kilay ko. "Ito naman, ang sungit. Concern lang naman ako baka kasi pati ikaw ma-flush sa inidoro." Natatawang sabi ko.

"Sumbong kita kemama!" Sigaw nito sa loob.

"Edi mag sumbong ka. Wala naman akong care, skin care." Umirap ako.

Kanina pa ako nababanas sa batang 'to. Nakakagigil! Sarap makipag pillow fight tapos yung gamit ko durian. Joke lang, may awa pa naman ako kay Shaun 'no.

Habang hinihintay si Shaun na matapos ay napaisip ako sa nangyari kanina. Bigla nalang kasi akong hinila paalis ni Shaun kaya hindi na natapos ang bakbakan namin nung lalaki. Pero okay lang dahil wala naman akong pake doon sa lalaki kahit gwapo iyon at mala daddy vibes dahil may Josiah na naman na ako. Loyal kaya ito, kaya kay Josiah lang ako.

Humugot ako ng buntong hininga at naglakad papunta sa harap ng malaking salamin ng cr. Tinignan ko ang sarili ko at bigla akong nagulat dahil kaharap ko si Taylor Swift. Char, ako lang pala ito, akala ko si Taylor Swift. Habang ina-admire ang kagandahan ko sa salamin, biglang bumukas ang pinto ng cr at pumasok ang isang matangkad na babae na may maarte na mukha habang may hawak na batang lalaki. Mukhang magka edad lang sila ni Shaun.

Tumabi ang babae sa akin at nag retouch. Ang batang lalaki naman na kasama nito ay tahimik lang na nasa tabi nito. Nag kibit balikat lang ako saka pinagpatuloy ang pagtitingin sa sarili ko. Naramdaman ko na bumaling ang tingin sa'kin ng babaeng nasa tabi ko at medyo nag tagal ito kaya nalilitong binalingan ko siya ng tingin.

Nang makita ng babae ng tuluyan ang mukha ko ay nanlaki ang mga mata nito at mukhang gulat na gulat.

"Oh my god... yaya? Oh, I mean Flory Jaine Sarmento?" Hindi makapaniwalang usal nito habang titig na titig sa mukha ko. "Is that you?!" Napatakip ito sa bibig.

Nagulat naman ako sa biglaang reaksyon niya sa'kin. Baliw ba 'tong babae ito? At sino naman si Flory Jaine Sarmento?

"Ha?" Ngiwi ko.

Lumapit ang babae sa'kin habang may gulat parin na ekspresyon sa mukha. "It's you! What happened to you? It's been a five years you know."

Nalilito ako sa kanyang mga sinasabi. Anong five years ang sinasabi niya? Siguro nag time machine itong babaeng ito kasama itong batang lalaki at nagkamali sila ng portal na napasukan.

"Sorry miss, pero wala akong alam sa mga sinasabi mo." Paumanhin ko.

Tinaasan naman niya ako ng isang kilay.

"Seriously? Kaya ba nagpapanggap ka na hindi mo ako kilala at wala kang alam sa mga sinasabi ko because Vonn dumped you five years ago? Did he dumped you that's why you were acting like that?" Nameywang siya saka tinignan ako ng may mapanuring tingin.

Litong lito ako sa mga sinasabi niya at gusto ko nalang suntukin siya diretso sa mukha hanggang at tumagos sa kanyang kaluluwa. Kasi naman wala akong ideya sa kanyang mga pinagsasabi.

"Ha? Hindi ko alam ang mga sinasabi mo."

"Ow... kawawa ka naman. But it's okay girl. It doesn't matter, past is past. You don't need to act, okay, just because you're embarrassed that he dumped you." Aniya saka hinawakan ang batang lalaki sa tabi nito.

Bumuntong hininga nalang ako. Wala akong balak patulan itong babaeng 'to dahil pagod na ako makipag bakbakan kanina doon sa lalaki.

"Meet my son. He's handsome right? Mana sa'kin." Confident na sabi nito.

Napunt ang tingin ko sa batang lalaki at totoo naman na pogi nga ito kahit bata palang. Mukhang hindi mahilig magsalita ang batang 'to. Napabalik ang tingin ko sa mukha ng babae. Sa totoo lang kahit nababanas ako sa mga sinasabi niya hindi ko mapigilan na mamangha sa mukha niya. Ang ganda niya kasi pati rin ang hubog ng kayang katawan.

"What? I know I'm beautiful. I'm not Venus for nothing, duh." Umirap ito.

Napangiwi ako. No comment nalang.

Tumunog bigla ang phone ko. Si Josiah siguro 'to. Napansin ko na napatingin doon ang bata at biglang nag ningning ang mga mata.

"Daddy?" Turo nito sa phone ko.

Agad akong napatingin dito naka on pala ito dahil sa notification na natanggap ko kaya kita ang wallpaper ng phone ko na si Josiah. Nakangiti ito habang nakatingin sa camera habang may sticker na superman sa buhok na idinikit ni Shaun.

"No baby, it's only Mommy okay? We already talked about this right?" Saway nito sa bata.

Kawawang bata naman ito. Siguro naghiwalay ang daddy at itong si Venus daw kaya nagkakaganyan ang bata.

Na agaw lang ang atensyon namin nang bumukas ang pinto kung saan nasa loob kanina si Shaun. At ayon na nga, lumabas na ang paslit. Agad ko itong nilapitan at inayusan.

"Oh my god. Is that your son? You have a son!" Bulaslas ni Venus na sumulpot lang out of nowhere na feeling close agad sa'kin.

"Pamangkin ko ito." Sagot ko.

"Opss, pamangkin lang pala."

Pagkatapos kong ayusan si Shaun agad ko naman na kinuha ang shoulder bag ko. Tinignan ko ang message na natanggap ko at tama nga ako si Josiah ang nag message sa'kin.

Josiah:

Hi, good afternoon beautiful. Do you want something? Nandito kasi ako sa mall at naisipan ko na baka may gusto kang bilhin ko. ;) 

Napangiti ako saka nag reply na magkita nalang kami sa loob ng mall. Humarap ako kay Venus saka nagpaalam na aalis na.

"Yeah... yeah, bye." Aniya saka humarap ulit sa salamin para mag retouch.

Lumabas na din kami ni Shaun at saka naglakad na paalis. Nalilito ako sa mga sinasabi ni Venus kanina. Siguro namumukhaan lang niya ako? Hay nako, huwag ko nalang nga iyon isipin. Sobrang dami naman nangyari sa araw nato. At puro mga weird na tao ang mga nami-meet ko.

Ang unique naman ng mukha ko, mukhang Taylor Swift kasi eh kaya siguro parang may namumukhaan sila sa'kin.

Napansin ko na palinga linga si Shaun sa paligid kaya agad ko itong sinundot. "Hoy, hanap mo siya 'no?"

Hindi siya sumagot ngunit umirap lang siya sa'kin.

"Sus, ayan kasi, pinairal mo kasi ang popo mo. Ayan tuloy nawala siya sayo." Asar ko sakanya.

"Inggit kalang! Blehh." Aniya saka dumila.

Birahin ko kaya dila ng batang ito? Kala niya naman siguro maiinggit ako na may Josiah naman ako.

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now