Nagising ako sa isang madilim na paligid. Masakit ang buong katawan ko at hindi ko magalaw ang mga kamay ko dahil naka gapos ito sa isa't isa. Ano ba ang nangyari? Bakit ako nandito?
Nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako napunta dito ay agad akong nanlumo. Bakit ba ganito nalang nangyayari sa'kin kapag nasa puder ako ni Cane? Ibinaling ko ang atensyon ko sa nakagapos kong mga kamay. Pilit ko iyon tinatanggal kahit mahapdi sa balat dahil sa lubid.
Napatigil ako ng may gumalaw sa bandang paahan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nasa harap ko si Shero na nakatali din ang mga kamay. Bakit nandito din siya? Saka sino ba ang kumuha samin? Ang cheap niya naman, dito pa talaga kami nilagay sa madilim na kwarto. Wala ba siyang pang bayad ha?
"Gising ka na pala." Panimula ni Shero habang blankong nakatingin sa'kin.
"Halata naman." Nag kibit balikat ako.
"Isang araw kang tulog, akala ko natuluyan ka na." Napailing siya.
Napa ismid ako dahil sa kanyang sinabi. Anong akala niya sa'kin, mahina? Hoy, mas malakas pato sa kalabaw! Kaya to sumalo ng kahit anong klaseng sakit.
"Isang araw?" Napaisip ako. "Ilang araw na tayo dito?" Tanong ko sakanya.
"Tatlo."
Napasinghap ako. Tatlong araw? Ang tagal na pala pero bakit walang lumiligtas samin?
Napalunok ako at inilibot ang paningin sa paligid. Kahit madilim ay naaaninag ko ang pinto hindi kalayuan. Tumayo ako kahit nahihirapan dahil nakagapos pa ang mga kamay ko. Lumapit ako sa pinto at idinikit ang tainga ko para marinig ang ingay sa labas.
Nakarinig ako ng maraming kaluskos at mga boses ng tao. May yabag din na papalapit dito kaya agad akong bumalik sa pwesto ko kanina.
"May paparating." Sabi ko kay Shero na nakatulala sa hangin.
Narinig kong bumukas ang pinto at iniluwa doon ang dalawang lalaki. Lumapit sila sa amin at hinila kami patayo.
"Teka lang, saan niyo kami dadalhin?" Pagpupumiglas ko sa lalaking nakahawak sa braso ko.
"Manahimik ka nalang miss." Sabi nito saka hinila kami palabas.
Tahimik lang si Shero na nagpahila kaya nagtataka ako. Hindi ba siya kinakabahan or natatakot man lang?
"Hindi ka ba natatakot?" Bulong ko sakanya.
"Kailangan ako ni Lore..." Matigas na sabi nito.
Natahimik nalang ako. Bigla kasing sumagi sa isip ko si Cane. Ano kaya ginagawa niya ngayon? Alam niya kaya na na-kidnap kami nitong Shero?
Dinala kami ng mga lalaki sa isang sala kung saan may isang lalaking nakaupo doon sa couch. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.
"Boss, nandito na sila." Sabi ng lalaking may hawak sa'kin.
Sumenyas ang kanilang boss na paupuin kami sa kanyang harap. Nang maka-upo na kami ay doon ko lang nakita ang mukha ng kanilang boss. Natuon ang pansin ko sa peklat sa kanyang kilay hanggang sa kanyan pisngi. Para itong tatlong kalmot ng isang mabangis na hayop. Deserve niya.
"Alam kong gwapo ako kaya hindi na bago sa'kin yang ganyang titig." Tumawa ito na parang proud sa kanyang sinabi.
Napangiwi ako. "No comment." Sabay irap.
"Tss. Alam mo ba kung sino ang may gawa nito sa'kin?"
"Wala akong pake."
"Si Cane." Nagtagis ang kanyang ngipin nang sabihin iyon.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampireHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
