Walang imik na nakikinig lang ako sa malamig na boses ni Mr. Sir President. Wala kasi akong balak na patigilin ito sa pagkanta dahil nakakaadik ang boses niya.
Mas tuluyan tuloy nahulog ang puso ko dahil sa pagkanta niya. Hindi ako aware na may magandang boses pala itong si Mr. Sir President. Gusto ko tuloy gabi-gabi kakantahan niya ako hanggang sa makatulog ako. Kung pwede nga lang hindi na siya tumigil sa pagkanta araw-araw.
Umusog ako ng kaunti para mas mapagmasdan ko siya ng mabuti, ngunit bigla akong napasinghap nang masagi ng tagiliran ko sa lock ng pinto.
"Aray Shuta!" Agad kong tinakpan ang bibig ko. Nang tignan ko si Mr. Sir President ay parang wala itong narinig kaya nakahinga ako ng maluwag.
Tinignan ko ang lock ng pinto na malapit sa tigiliran ko at pinisil ito ng malakas. Pambawi lang dahil ang sakit ng tagiliran ko. Disturbo 'to eh. Nag mo-moment ako dito tapos di-disturbohin ako.
Napa angat ang paningin ko ng biglang tumigil sa tugtog ng gitara at pagkanta si Mr. Sir President. Nakatalikod parin ito sa'kin at hindi lumingon. Inilagay nito ang gitara sa gilid niya at bahagyang ginulo ang kanyang buhok na mas nagpa-hot sakanya.
Bakit ang pogi? Nasaan ang hustisya?!
"How's my performance?"
Napapitlag ako sa lalim ng boses niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil alam niya pala na nakikinig ako sakanya. Bakit hindi ko naisip? Malakas pala ang pakiramdam nitong bampirang 'to. Baliin ko pangil niya eh.
"Ang chismosa mo talaga 'no?" Patuloy nito.
"Hindi ah." Angal ko.
Tumayo siya at humarap sa akin. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa pwesto ko. Agad akong nataranta at hindi alam ang gagawin.
"What do you want?" Tanong nito pagdating sa harap ko.
Napakamot ako sa leeg ko. "K-Kakain na daw..." Umiwas ako ng tingin sakanya.
"Paano kapag ayaw ko?" Tinaasan niya ako ng isang kilay.
Yumuko ako para hindi niya makita ang pamumula ng mga pisngi ko. Bakit ba kasi ang gwapo ng damuho nato? Suplado ang mukha ngunit lumalamang parin ang kagwapohan! Saka naiilang din ako kasi wala siyang damit pang itaas.
"Hindi ka naman pinipilit." Tumikhim ako.
"Tsk." Tanging sagot nito.
Nagpaalam na ako na aalis na dahil hindi ko kayang makipag face to face sa kanyang maskuladong katawan. Lalo na sa dibdib niya, baka hindi mapigilan ng ulo ko at ma-i-umpog ko bigla-bigla sa dibdib niya.
Ramdam ko na nakasunod siya sa likod ko kaya binilisan ko ang paglalakad dahil naiilang ako na makasama siya ng solo. Lalo na at may feelings ako sakanya.
Napunta ang isip ko sa Orphanage. Gustong gusto ko na talaga na bumisita doon. Talagang ang ulan nato ang pumipigil sa akin. Pwede bang i-postponed nalang ang ulan? Balik nalang siya bukas.
Todo buntong hininga ako habang naglalakad patungo sa kusina. Pagkapasok ko ay agad na bumungad sa akin si Manang Lena.
"Oh Hija. Mukhang hindi matutuloy ang pag punta niyo ni Josiah sa Orphanage. Malakas ang ulan. Delikado na." Nag-aalalang sabi nito.
"Oo nga po eh." Malungkot na sumangayon ako.
Magsasalita pa sana si Manang Lena nang bigla itong natigilan at napatingin sa likod ko. Huli na para lumingon dahil ramdam ko na ang presensya niya sa likod ko kaya agad akong napasinghap at umusog papunta sa gilid. Ngayon ko lang na realize na nakaharang pala ako sa pinto!
Si Manang Lena ang nagsilbi kay Mr. Sir President. Minsan kasi kapag busy at wala si Manang Lena ay ako ang nagsisilbi sakanya. Pero dahil nandito si Manang Lena ay hindi ko na kailangan na magsilbi sakanya kaya tahimik akong nagpaalam kay Manang Lena na pupuslit na ako.
Wala dito si Josiah dahil naglinis ito ng kwarto niya pagkatapos niyang magluto. Wala naman akong ibang mapuntahan kaya dumiretso nalang din ako sa kwarto ko.
Humilata ako sa kama at tumitig sa kisame. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumilis na naman ang tibok nito kasi naisip ko si Mr. Sir President. Ano ba 'tong ginawa niya sa akin? Parang ginayuma niya ako eh. Hindi naman ako ganito noon sakanya kapag naiisip ko siya.
Inis ang nararamdaman ko, pero bakit ngayon kilig na? Ibinaon ko sa unan ang mukha ko nang maisip ko ang gwapong mukha ni Mr. Sir President. Ang supladong kilay nito at ang matangos na ilong. Saka ang kulay abong mga mata nito na pumupula kapag galit. Char, ang taray naman, change color lang depende sa emosyon.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa paulit ulit na katok sa pinto ko. Bumangon ako at binuksan ito. Bumungad sa akin ang inis na mukha ni Mr. Sir President.
"Bingi ka ba? Kanina pa ako kumakatok dito!" Inis na sabi nito.
Napakamot ako sa ulo. "Sorry, nakatulog kasi ako."
"five minutes. Be ready, I'll be waiting on the living room." Malamig na aniya nito saka umalis na sa harap ko.
Napatanga ako dahil hindi pa nag sink in sa utak ko ang kanyang sinabi. Anong ibig sabihin niya? Kahit nalilito ay dali dali akong nag ayos saka nagpalit ng damit. Pagkababa ko sa hagdan agad akong dumiretso sa living room kung saan nakita ko si Mr. Sir President na naka upo habang dekuwatro. Nang makita ako nito ay walang imik na tumayo at naglakad palabas ng pinto ng mansion.
Jusko naman, saan ba kasi 'to pupunta si Mr. Sir President? Inaaya niya ba ako sa date? Pero teka, umuulan pa ah. Agad akong sumilip sa malaking bintana sa may gilid ko. Umuulan pa nga, kaso hindi na masyadong malakas katulad ng kanina. Nag kibit balikat nalang ako saka sumunod sakanya palabas.
Nakita ko siyang sumakay sa isang kulay itim na Rolls Royce. Nahiya naman ako sa kotse sa suot ko na pang palengke. Yayamanin naman ng kotse, mukhang kasalanan ang sumakay na mukhang pang palengke lang ang budget.
Pero okay lang, at least gwapo si Mr. Sir President. Tahimik akong pumasok sa passenger seat at umupo. Nagkakabit pa ako ng seatbelt ng bigla niya itong pinaharurot. Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa bilis ng paandar ni Mr. Sir President. Padabog na ikinabit ko ang seatbelt ng unti-unti huminahon ang pag andar.
Nang tignan ko ang demonyo ay naka angat ang gilid ng kabilang labi niya. Nako, sarap naman suntukin! Halatang nasisiyahan siya sa inis kong mukha. Inirapan ko siya at pinag krus ang dalawang kamay sa dibdib ko.
"Saan ba tayo pupunta?" Inis kong tanong.
"Talk with manners, little human." Aniya habang nasa kalsada ang tingin.
Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa malaking braso nito. Naka black shirt kasi siya at hapit na hapit ito sa maskulado niyang katawan. Kitang kita ko rin ang snake tattoo niya da braso na naka pulupot. Dumagdag pa ang maugat na braso nito na mas dumami sa may bandang kamay. Bakit ang hot naman ng demonyo nato?
Ipinilig ko ang aking ulo saka ngumiti ng napakatamis. "Okay po Mr. Sir President. Saan po ba tayo tutungo mahal na Ginoo?" Umirap ako pagkatapos.
"Tsk."
Iyon na yun? Ganon lang? Wala nang karugtong ang kanyang sasabihin? Nako alam ko na kung saan siya nag mana, kundi sa snake na tatto niya. Parang ahas kasi ang demonyo.
Tumahimik nalang ako dahil alam ko naman na wala akong makukuha na sagot sakanya. Tumingin nalang ako sa bintana saka pinagmasdan ang paligid. Kumunot ang noo ko dahil paramg familiar ang dinadaanan namin. Teka, parang alam ko to eh. Parang daan to patungo sa Orphanage na sinasabi ko!

YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampireHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...