Hi guys! Sorry sa late update, na busy kasi ako kasi exam namin nakaraang araw, kaya nawalan ako ng time para magsulat. But don't worry, babawi ako. ;)
----------------------------------------------------------------
"Hija ayos ka lang? Bakit ang putla mo?" Ang boses ni Manang Lena ang nagpapukaw sa akin. Simula pa kasi kanina nakatulala lang ako. May nakita kasi akong hindi dapat makita!
"Ayos lang po ako... kulang lang po sa tulog. Hehehe." Sagot ko.
Kulang kamo sa holy water yung mata ko!
"Ganon ba? Sa susunod matulog ka na ng maaga para hindi ka kulangin sa tulog." Ngumiti ng tipid si Manang Lena sa akin.
"Sige po." Napakamot ako sa ulo ng may maalala. "Ngapala, Manang Lena. Magpapaalam po sana ako. Aalis ako bukas para bisitahin ang Orphanage na isa sa mga naging tahanan ko nang bata pa lamang ako."
"Bukas? Sinong kasama mo?"
"Ako lang po." Sagot ko.
Biglang nakunot ang noo ni Manang Lena dahil sa sinabi ko. "Ikaw lang? Nako Hija, hindi ka pa ba natoto? Baka kung ano na naman ang mangyari sayo. Nako, baka maulit na naman iyong pagdukot sayo." Nag-aalalang sabi ni Manang Lena.
Napakamot ako sa pisngi ko. "Eh Manang Lena..."
Magsasalita pa sana ako nang saktong pumasok si Josiah sa kusina. May dala itong mga groceries kaya agad ko itong dinaluhan at tinulungan sa pagbubuhat.
"Isama mo nalang si Josiah, Hija." Biglang sabi ni Manang Lena.
"Po?"
"Isama mo kako si Josiah sayo bukas. Para naman hindi ka mag-isang aalis at para may kasama ka."
Napatingin ako kay Josiah. Bakas sa mukha nito na naguguluhan sa mga pinagsasabi ni Manang Lena.
"Ha? Bakit? Anong meron bukas?" Agad na tanong nito.
"Eh kasi itong si Flory Jaine, aalis bukas tapos mag-isa. Kaya napag-isipan ko na samahan mo nalang para may kasama itong unalis." Paliwanang ni Manang Lena.
Bumaling sa akin si Josiah at ngumisi. "Sige ba."
Wala naman masyadong nangyari sa buong araw dahil ipinangako ko sa sarili ko na iwasan si Mr. Sir President. Kanina nang magkasalubong kami sa hagdanan ay agad akong umiwas at nagkunwari na nagmamadali. Tapos sa kusina naman habang kumakain siya ay panay lang ang yuko ko habang pinagsisilbihan siya.
Alam kong ramdam niya na umiiwas ako sakanya dahil tinititigan niya ako sa bawat galaw na ginagawa ko, ngunit ni isa ay hindi ko itinaas ang tingin ko sakanya. Kaninang tanghali ay nakita ko yung babaeng mala model na kahalikan ni Mr. Sir President sa office niya.
Paakyat ako ng hagdan at sa pagliko ko ay siyang pagsalubong sa akin ng babae. Nahulog ang purse na hawak niya kaya agad ko itong pinulot at humingi ng tawad.
"Nako sorry! Pasensya, na hindi ko sinasadya." Paumanhin ko.
"No, no. It's okay. It was an accident so it wasn't anyone's fault." Mahinahong sabi nito na nagpagulat sa akin.
Shuta bakit ang bait? Akala ko mala venus din itong babaeng 'to. Hindi pala. Mala Maria Clara pala itong nakaharap ko.
Jowa bato ni Mr. Sir President? Mag jowa ba sila? Ano ba 'yan! Dapat ako lang. Char.
Maaga akong natulog, gigising pa ako ng maaga bukas dahil pupunta pa kami ni Josiah sa Orphanage. Ngunit laking panlumo ko dahil pagkagising ko sa umaga malakas na ulan ang bumungad sa akin. Pano na yan? Hindi na kami makakaalis dahil sobrang lakas ng ulan.
Bagsak ang mga balikat na pumasok ako sa kusina. Nakita ko si Josiah na humihigop ng kape.
"Paano ba yan? Malakas ang ulan, hindi tayo makaalis." Panimula nito.
Sumimangot ako. "Ikaw kasi."
"Hala, bakit naman ako? Inaano ba kita ha?" Humigop ito ng kape saka tinignan ako. Bumaba ang tingin ko sa labi nito na bahagyang pumula dahil sa pag-inom ng mainit na kape.
"Niluto mo kasi manok ni San pedro. Yung haponan natin kagabi!" Ngumuso ako.
Tumawa siya ng bahagya sa tabi ko. Ano ba yan, bakit ang lalim ng boses habang tumatawa ang depungal nato?
"Manok pala iyon ni San Pedro? Sorry hindi ko knows." Nag kibit balikat ito.
Inirapan ko lang siya dahil wala na akong magawa. Talagang hindi kami makakaalis nito. Inalok ako ni Josiah ng kape pero tumanggi ako. Gatas kasi gusto ko!
Sumapit ang tanghali at hindi parin humuhupa ang malakas na ulan. Bakit ba kasi ngayon pa umulan? Pwede naman sa ibang araw ah. Binabagalan ko ang bawat hakbang na ginagawa ko. Ipinatawag kasi ni Manang Lena sa akin si Mr. Sir President kasi tanghalian na.
Huminto ako sa harap ng pinto nito. Nakaawang ng kaunti ang pinto kaya tumaas ang isang kilay ko. Baka naman may makita na naman akong kababalaghan kapag pinihit ko ito?
Nawala ang pagaalinlangan ko nang may narinig akong isang malalim at malamig na boses. Dahan dahan akong sumilip sa pinto.
"And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't wanna go home right now"
Para akong nanghina dahil sa lamig ng boses nito. Ang lalim rin ng boses at bawat salitang binibigkas ay napakabigat pakinggan.
"And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
When sooner or later it's over
I just don't wanna miss you tonight"
Nakatalikod sa akin si Mr. Sir President. Naka-upo siya sa kama habang may hawak na gitara. Wala itong suot sa pang itaas habang sa baba naman ay jogging pants na kulay grey ang suot nito.
"And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am"
Marahan at kalmado lang ang boses niya. Parang sa sobrang kalmado ay makakatulog ako ng wala sa oras dito sa pinto. Napahawak ako sa doorframe ng pinto habang nakasilip ang ulo. Nakatiiig lang ako sa bawat galaw na ginagawa niya.
Hindi ko namalayan na ang lakas na pala ng tibok ng puso ko. Kabog ito ng kabog na parang gustong lundagan si Mr. Sir President. Hindi ko alam kung tama pa ba itong nararamdaman ko.
"And you can't fight the tears that ain't coming
Or the moment of truth in your lies
When everything feels like the movies
Yeah, you bleed just to know you're alive"
Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatitig kay Mr. Sir President. Ilang araw ko nang pilit hindi pinapansin itong nararamdaman ko, kasi alam ko na sa oras na pansinin ko ito. Ako ang talo.
"And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am"
Pero alam ko sa sarili ko kung ano itong nararamdaman ko. Hindi ako tanga para magbulagbulagan. Ilang araw ko na itong pinag-iisipan. At ngayon, masasabi ko na tuluyan na talaga akong nahulog kay Mr. Sir President.
Bakit sakanya pa? Ilang beses na niya akong sinaktan, pinagsalitaan ng masasakit na salita at kung ano-ano pa. Pero bakit sakanya parin piniling tumibok ng puso ko? Pilit ko man pigilan ito pero huli na, tuluyan na nga akong nahulog sakanya.
--
(Song Title: Iris by Goo Goo Dolls)
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampiroHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
