"Jen-jen?"
Unang sambit ni Lukas pagkakita niya sa'kin. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at nanlalaki ang mga mata. Siya ang tinutukoy ko na ampon na anak ni Sister Ann. Simula ng dumating ako dito siya na ang naging kasama ko palagi.
Palagi kaming naglalaro kapag sinasama siya ni Sister Ann dito. Magkasing edad lang kami kaya siguro halos magka sundo kami sa lahat ng bagay.
Walang sinayang na oras si Lukas at agad akong dinambahan ng mahigpit na yakap. Gulantang pa ako dahil sa biglaang pag yakap niya sa'kin, pero agad din naman akong nakabawi at saka yumakap pabalik.
"Jen-jen, ikaw ba talaga 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong niya nang humiwalay siya ng yakap sa'kin. Tinitigan niya ng maigi ang mukha ko na para bang sinusuri ang bawat detalye nito.
Magsasalita na sana ako kaso niyakap na naman niya ako ulit.
"Namiss kita... bakit ngayon ka lang dumalaw?" Aniya saka humiwalay.
Tumingala ako sakanya. Maraming nag bago sa mukha niya. Naging mas defined ang panga niya saka ang noon na manipis na kilay nito ay kumapal at may ahit sa kabila. Saka tumangkad din siya, noon kasi hanggang balikat ko lang siya. Bakit ngayon ako na ang hanggang balikat niya?
Lumagpas ang tingin ko sa likod ni Lukas. Tumigil ito sa matangkad at may nakakamatay na titig na lalaki. Nasa loob ng bulsa niya ang isang kamay habang ang isa naman ay niluluwagan ang kanyang necktie. Napalunok ako.
Hinarap ko ulit si Lukas. "Ano kasi, naging busy lang sa life." Nakangiti kong sagot.
"Ganon ba? Ang independent mo na talaga." Bahagya siyang tumawa saka ginulo ang buhok ko. "May jowa ka na siguro 'no?" Nang-aasar niyang tanong.
Napangiwi ako. Sasagot na sana ako ng wala ng biglang sumigaw ang isang bata na katabi ni Mr. Sir President.
"Si Idol po dyowa niya!"
Agad na napabaling ang tingin ni Lukas sa bata. Ako naman ay gulat na tumama ang tingin kay Mr. Sir President. Nag iwas lang ito ng tingin at parang walang balak na tumanggi.
Humarap ulit si Lukas sa'kin. "Totoo ba?"
Agad akong umiling-iling. "Hindi!" Tumawa ako na nauwi sa ngiwi.
Tumango-tango si Lukas saka bumalik ulit sa pag ngiti. Pagkatapos namin mag kwentohan ni Lukas ay nakausap ko naman si Sister Ann. Medyo nagka-iyakan pa nga kami. Wala lang, parehas kasi kaming oa ni Sister Ann.
Nasa sala si Mr. Sir President at ang mga bata. Naisipan ko na pumunta sa dating kwarto ko. Kasunod ko si Sister Ann na pumasok. Umupo ako sa kama saka pinakiramdaman ang paligid. Ilang taon narin ang nakalipas. Miss na miss ko ang kwartong 'to. Kung pwede lang bumalik sa pagka bata ginawa ko na. Kung noon hinihiling ko na sana mabilis akong lumaki, ngayon gusto naman na bumalik ulit sa pagka bata.
Habang mas lumalaki kasi tayo mas marami tayong nalalaman. Habang mas lumalaki tayo mas namumulat tayo sa reyalidad. Hindi katulad ng mga bata na walang masyadong iniisip, ang tanging problema lang ay napasobra sa laro kaya hindi na namalayan ang oras kaya napapalo ng mga nanay.
"Nasabi sa'kin ni Vonn na nagsisilbi ka daw sakanya kaya kasama ka niya." Umupo si Sister Ann sa tabi ko.
"Ah tama po kayo. Namasukan po ako bilang isang kasambahay sa mansion niya kaya doon na din ako tumira." Napatigil ako saglit. "Ay ngapala Sister Ann, bakit po alam ni Mr. Sir--ni Sir V-Vonn po pala ang Orphanage? Saka close na close din siya sa mga bata. At bakit po magkakilala kayo? Dati po ba siyang driver dito?" Sunod-sunod na tanong ko.
Bahagyang napatawa si Sister Ann. "Hay nako bata ka, wala ka parin talagang pinagbago. Napaka-dada mo parin talaga." Umiling-iling ito saka hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Jaine... may sasabihin ako sayo." Sumeryoso ang mukha ni Sister Ann.
Agad akong kinabahan dahil sa kung ano ang kanyang sasabihin. Kakambal ba kami ni Mr. Sir President?!
"A-Ano po iyon?"
Humugot ng malalim na buntong hininga si Sister Ann. "Alam mo ba na malapit mag sira itong Orphanage nato? Hindi pa kasi nababarayan ng buo ang lupang kinatatayuan ng Orphanage. May gustong bumili ng lupang ito at willing itong mag bayad ng buo dahil gagawin itong apartment. Ang laki ng problemang iyon sa akin dahil wala akong ideya kung saan kukuha ng pera na pambayad para lang hindi makuha ang lupa nato. Ginawa ko ang lahat pero kulang talaga para mabarayan ng buo ang lupa..." Malungkot na ngumiti si Sister Ann sa'kin.
Parang piniga ang puso ko dahil sa narinig. Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari sa Orphanage noon.
"Nakakalungkot naman po Sister Ann. Paano niyo po nasulosyonan ang problema?" Marahan na tanong ko.
Ngumiti ng tipid si Sister Ann. Wala ng halos lungkot ang ngiti nito.
"Isang araw biglang pumunta ang mayari ng lupa dito. Sinabi nito na nabenta na ang lupa at may bagong nagmamayari na nito. Labis ang kaba ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon." Humugot ng buntong hininga si Sister Ann.
"Ano po ang nangyari?" Seryoso kong tanong.
"Hindi natuloy ang pagsira ng Orphanage."
"Talaga po?" Napangiti ako.
"Oo, dahil sa bagong mayari ng lupa. Ibinigay nito ang titulo ng lupa sa Orphanage. Naiyak ako dahil sa tuwa kasi hindi na ako mamomoblema kung saan ititira ang mga bata. Laking pasalamat ko sa bagong mayari dahil ibinigay nito ang lupa sa amin. Napakabait niyang taong, talagang hulog siya ng langit dahil na rin sa mukha niya. Mala anghel na parang bumaba sa lupa." Kita ko ang tuwa sa mukha ni Sister Ann habang nagkukwento sa akin.
Talagang sobrang laki ang pasalamat niya sa taong bumili ng lupa. Nakakamangha lang, yung mga ganyang tao dapat na pinagpala ng lubos dahil sa busilak nilang mga puso.
Nakuha lang ang atensyon namin ni Sister Ann ng may biglang kumatok sa pinto. Sumulpot ang isang batang paslit na mukhang nasa seven years old.
"Sister Ann! Si Amaya po nadulas sa labas! Naligo po sa putik." Sumbong ng bata.
"Nasaan ngayon si Amaya?" Nag-aalalang tanong ni Sister Ann.
"Nasa duyan po, umiiyak." Sagot ng bata.
"Nako, tawagin mo si Kuya Lukas mo."
"Okay po!" Agad na nanakbo palabas ang bata habang tinatawag si Lukas.
Bumaling sa'kin si Sister Ann. "Nako pasensya na Jaine. Normal day lang 'yan dito. Hehehe." Ngiwi ni Sister Ann.
Napatawa ako ng bahagya dahil sa ang kukulit ng mga bata.
"Ay ngapala, may hindi pa ako nasasabi sayo."
Umayos ako ng upo. "Ano po iyon?"
"Alam mo ba kung bakit ka napunta dito sa Orphanage?"
Napaisip ako. Sa pagkakaalam ko pagkalipas ng ilang araw ng magising ako sa hospital ay inihatid ako ng dalawang nurs sa Orphanage. Dahil na siguro sa wala na akong mga magulang kaya sa Orphanage nila ako dinala?
"Inihatid po ako ng dalawang nurs."
"Sya nga, inihatid ka dahil may nagpahatid sayo papunta dito."
Naguguluhan na napatingin ako kay Sister Ann. May nagpahatid? Sino naman?
"Sino po?"
"Ang taong sinasabi ko na binili ang lupa saka ibinigay sa Orphanage at ang taong nagpahatid sayo dito, ay iisa lang."
Nanlaki ang mga mata ko. Windang ako sa mga sinabi ni Sister Ann. Kilala ba ako ng taong iyon? Kilala ko ba siya?
"Ano po ibig sabihin niyo Sister Ann? Sino po ang taong iyon?" Naguguluhan na tanong ko. Parang sasabog ang puso ko dahil sabik na sabik na akong malaman kung sino iyon.
"Ang kasama mo na pumunta dito. Siya ang tinutukoy ko. Siya rin ang nag dala sayo sa hospital. Si Mr. Demitreo."
Parang hinampas ako ng sampong beses dahil sa nalaman. Dahan-dahan akong umiling at napahawak sa bibig ko. Hindi maari, ibig sabihin ba nito. Si Mr. Sir President ang kumuha sa'kin mula sa sasakyan? Siya ang lalaking nag ligtas sa akin?!
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampireHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
