Chapter 31

836 12 0
                                        

Next update will be on next Monday ;)

------------------------------------------------------------------------

"Sure po ba kayo dyan Sister Ann?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Halos malaglag ang panga ko dahil sa gulat. Ang misteryosong lalaki na hinahanap-hanap ko ay nakakasama ko lang pala at nakaka-usap. Maraming tanong ang naipon sa utak ko dahil sa nalaman ko ngayon. Kailangan kong makausap si Mr. Sir President.

Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya at kung anong totoong nangyari sa mga magulang ko. At kung bakit wala siyang nabanggit tungkol dito.

Agad akong tumayo. "Sister Ann, kailangan ko po makausap si Mr. Demitreo." Paalam ko.

Ngumiti lang sa akin si Sister Ann at saka tumango. Wala akong oras na sinayang at nag lakad palabas ng pinto patungo sa sala. Nadatnan ko siyang nakikipag-kwentohan sa mga bata. Pumunta ako sa harap niya.

Napatigil siya sa pakikipag kwentohan sa mga bata at tumingala para tignan ako. Seryoso lang ako habang nakatitig sakanya. Wala siyang sinabi at parang hinihintay lang na sabihin kung ano ang pakay ko.

"Kailangan nating mag-usap." Matigas na sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "For what?"

"Basta, sumunod ka nalang." Aniya ko saka tunalikod na palabas ng pinto. Tumigil ako sa gilid kung saan may malaking puno ng santol.

Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko kaya humarap ako. Bored lang siya na nakatingin sa akin. Humugot ako ng malalim na buntong hininga.

"Ikaw yun diba? Yung lalaking naglabas sa'kin mula sa kotse nung bata pa ako?" Tinitigan ko siya sa mata. "Ikaw din yung nag dala sa'kin sa hospital diba?"

Nakita ko na naguguluhan siya sa mga sinasabi ko. "What?"

"Ano? Huwag ka nga mag maang-maangan dyan. Ikaw yun, pula ang mga mata mo ng oras na iyon."

Nakita ko na bahagya siyang natigilan ngunit agad din siyang nakabawi. "Ikaw yung batang yun? Tsk, what a coincidence." Iling niya.

Nameywang ako sa harap niya. "Sabihin mo nga sa'kin. Anong ginagawa mo doon ha? Bakit ka nandon ng mga oras na yun?"

"I saved you right? Hindi mo na kailangan mag tanong pa." Malamig na sabi niya.

Kumulo ang dugo ko dahil sa kanyang mga sinabi. "Syempre may karapatan ako na mag tanong dahil tungkol din 'yon sa mga magulang ko." Inis na sabi ko.

"Nandon ako because I was about to kill someone that time. Tsk, happy?" Aniya saka namulsa na parang wala lang.

Umapaw na ang inis ko kaya hinampas ko siya sa dibdib. Kahit matigas at parang ako pa nga ang nasaktan sa pag hampas ay hindi ko nalang iyon pinansin. 

"Bakit ka ba ganyan ha?!" Inis na singhal ko. "Bakit ang tigas ng puso mo?!"

Wala siyang sinabing kahit na ano, nakatitig lang siya sa'kin habang nakataas ang isang sulok ng kanyang labi na parang nasisiyahan na makita akong na iinis sakanya.

"Sabihin mo nga sa'kin... ikaw ba ang pumatay sa mga magulang ko? Ikaw ba ang bumangga sa sinasakyan naming kotse ha?" Nananagilid ang mga luha na nakatingin ako sakanya.

Nag iwas siya ng tingin at saka umigting ang kanyang panga. "I did." Malamig niyang sabi.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naninikip ang dibdib ko at parang gusto kong sumigaw sa galit. Nanginginig ang kamay ko na dumapo sa kanyang makinis na pisngi.

"Tangina mo!" Tumulo ang mga luha ko. "Wala kang awa! Mamatay tao ka... bakit mga magulang ko pa ha?" Humagulgol ako.

Ang sakit lang kasi eh. Bakit siya pa? Bakit siya pa talaga? Hindi ba pwedeng iba nalang?

Wala siyang imik sa lahat ng ginawa ko. Naka igting lang ang kanyang panga habang sinasalo lahat ng mga sinabi ko.

"This is me. I am born to be like this, Jaine." Malamig pa sa yelo na sabi niya.

"You're a monster!"

"I am more than that Jaine." Bumaling siya sa'kin.

Matigas ang ekspresyon ng kanyang mukha. Walang kabuhay buhay ang kanyang mga mata. Mas lalo akong humagulgol. Nanggigigil ako sakanya.

"K-kaya mo ba pinatay ang mga magulang ko dahil kay Lola Elizabeth ha?"

Hindi siya sumagot. Wala siyang imik na nakatingin sa kung saan.

"Tangina mo talaga! Pinagsisihan ko na minahal kitang gago ka!" singhal ko.

Wala na akong pake kung malaman niya na mahal ko siya. Kasi simula ngayon, kakalimotan ko na siya. Nakita ko na gumuhit ang gulat sa kanyang mukha sa sinabi ko. Agad din itong nawala at napalitan ng samot-saring emosyon.

"Mag re-resign na ako. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo." Pinahid ko ang mga luha ko saka tumalikod sakanya.

Nag tungo ako sa loob at nakita ko si Sister Ann na binabantayan ang mga bata na naglalaro at nag d-drawing sa sahig. Lumapit ako sakanya.

"Sister Ann, kailangan ko na po umalis." Paalam ko.

"Ang bilis naman. Okay ka lang ba Jaine?" Aniya habang sinipat ang mukha ko.

Tumango ako saka pinilit na ngumiti. "Okay lang po ako Sister Ann. May kailangan lang po talaga kasi akong gagawin eh."

"Oh sya, sige, mag ingat ka Jaine." Ngumiti ito sa'kin saka niyakap ako. Ginantihan ko din siya ng yakap.

"Mamimiss ko po kayo Sister Ann."

"Ako din Jaine." Humiwalay ng yakap si Sister Ann sa'kin.

"Aalis ka na Jen-jen?" Biglang sabat ni Lukas na kakadating lang habang karga-karga ang isang batang babae na bagong ligo. Ito siguro yung sinasabi nung batang lalaki kanina na nadulas at naligo sa putik.

"Oo, eh."

"Ay ganon ba? Hindi ba pwede ma extend ng kaunti?" Ngumisi ito.

Napailing ako saka ngumiti din. "Hindi pwede eh, paano ba 'yan? Aalis na ako."

Lumapit siya sa'kin saka niyakap ako. "Mag-ingat ka Jaine." Aniya saka humiwalay ng yakap.

"Ikaw din, Lukas..."

Pagkatapos kong magpaalam kina Sister Ann at Lukas ay nagpaalam na din ako sa mga bata. Dumiretso na ako sa labas pagkatapos kong magpaalam. Laking pasalamat ko dahil paglabas ko ay wala akong nakita na kahit anino niya. Hindi ko alam kong saan siya pumunta dahil wala na akong pake sakanya.

Uuwi nalang akong mag-isa. Ayaw ko na siyang makasama o makita man lang ang mukha niya dahil mabubuhay lang ang galit sa puso ko.

Pumara ako ng taxi pagkalabas ko ng gate ng Orphanage. Pumasok agad ako sa loob ng taxi. Napansin ko na hindi parin umaandar ang taxi kaya napatingin ako sa driver nito. Naka cap ito saka naka facemask kaya hindi ko kita ang mukha.

Nag angat ito ng tingin dahilan para masilayan ko ang mata nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at kaba. Hindi ito maari.

Bago pa ako makapag react ay may panyo nang tumakip sa ilong ko dahilan para mahilo ako. Nanlalabo ang paningin ko, hindi ko alam na may tao pala sa likod. Naramdaman ko na umandar ang taxi bago ako mawalan ng malay.

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now