Naalimpungatan ako dahil naramdaman ko na may kung anong bagay na humahaplos sa pisngi ko. Kumunot ang noo ko dahil nakikiliti ako pero wala akong gana na buksan ang mga mata ko dahil inaantok pa ako. Biglang nawala ang kung anong bagay na humahaplos sa pisngi ko kaya napanatag ako.
Makalipas ang ilang minuto ay may naramdaman na naman ulit ako ngunit sa bandang noo ko na. Para itong mainit na hininga. Kalaunan ay may dumampi na isang bagay sa noo ko. Malambot ito, parang labi?
Agad akong napadilat at inilibot ang paningin sa paligid. Walang tao sa harap ko, ngunit sino naman yung humalik sa noo ko? Nababaliw na ba ako?
Napunta ang tingin ko sa isang single couch na nasa tapat ng kama ko. Madilim sa bandang iyon dahil hindi ito nahahagip ng sinag ng buwan dahil sa bintana. Ngunit napaawang ang bibig ko dahil may nakita akong isang bulto ng tao na naka upo doon. Parang naka dekuwatro habang ang dalawang kamay ay nasa magkabilang armchair.
Kumurap ako ng ilang beses kung namamalikmata lang ba ako ngunit hindi talaga mawala ang bulto na naka upo doon. Medyo makisig ito at mukhang matangkad dahil mahaba ang kanyang binti.
Napalunok ako saka napangiwi dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Lalapitan ko ba? Kakausapin? O kaya tititigan ko lang para makaranas siya sa'kin ng long eye contact? Huwag nalang siguro, baka kung saang kampon ng demonyo itong nasa harap ko at baka hindi na ako tantanan.
Pero sa totoo lang, natatakot na talaga ako. Inaaliw ko lang ang sarili ko para hindi ako magmukhang kinakabahan. Sabi kasi nila kapag pinakita o pinahalata mo sa multo o kahit mapa-deyablo pa 'yan na natatakot ka mas lalo ka nilang tatakutin. Kaya mas maiging huwag ko nalang pansinin at magkunwaring wala lang ang lahat. Ganyan naman talaga eh. Tsk. Tsk.
Bumalik nalang ulit ako sa pagkakaidlip at binaliwala nalang ang lahat. Nagising ako dahil sa paulit ulit na katok sa pinto. Nakapikit parin ako at hindi parin bumabangon.
"Maya twits?" Mula sa matinis na boses, alam ko na agad kung sino ang nasa harap ng pinto.
"Tita Pinky?" Bumangon ako.
"Bumaba kana. Hinahanap ka ni Shaun Mendez." Aniya saka humagikgik.
Napailing nalang ako saka nag unat. Si Tita Pinky talaga, kung ano-ano nalang ang kalokohan ang naiisip. Tama nga pala, nandito daw ang bubwit nayon. Talo pa ang nag me-menopause sa tindi ng mood swing!
Tatayo na sana ako ng bigla kong maalala ang nakita ko sa kalagitnaan ng gabi. Agad na napunta ang tingin ko sa single couch na nasa tapat lang ng kama ko. Napatanga ako sa nakita. Mula doon ay may isang malaking teddy bear na nakaupo. Hindi naman mala human size, pero hindi din maliit. Sakto lang pang cuddle pag nilalamig ka na at hindi mo na kaya.
Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil teddy bear lang pala yung parang bulto ng tao na nakita ko kagabi. Natatawang napatitig nalang ako sa teddy bear. Bigay ito sa'kin ni Josiah nung birthday ko. Sabi niya, isipin ko nalang daw na siya yung Teddy bear para may mayakap ako kapag namimiss ko siya.
Napatagal ang titig ko kaya napansin ko ang iilang mga cotton na nasa katawan ng Teddy bear. Tumayo ako saka nilapitan ito. Sinundan ko kung saan nanggaling ang cotton at mukhang galing ito sa leeg.
Nalilitong hinawakan ko ang ulo at laking gulat ko ng bigla itong nahulog sa sahig. Ang nasa harap ko nalang ay isang walang ulo na Teddy bear.
Sino ang may gawa nito?
Parang lumulutang sa milky way ang isip ko habang pababa ng hagdan. Pagkapasok ko sa kusina nandito sina Tita Pinky at Mary na kumakain habang si Shaun naman ay parang tinotoyo sa may gilid.
"Oh, bakit ganyan 'yan?" Natatawang tanong ko habang ininguso si Shaun.
"Ayaw kumain. Busog daw, eh kakagising pa nga lang!" Sabay irap na sagot ni Mary.
"Busog sabi akow! Kain kami ni Gwapo." Sagot naman nito habang nakahalukipkip sa gilid.
"Sinong gwapo naman? Si Josiah?" Lumapit ako sakanya.
Umiling ang bata. "Si Gwapo!" Asik nito.
Napailing nalang ako dahil baka sa mga napapanood lang niya ang kanyang tinutukoy. Hays, mga bata nga naman.
Lumipas ang ilang mga araw at patuloy akong nakakaramdam na parang may humahaplos sa pisngi ko tuwing hating gabi. Kung hindi naman haplos, titig ang nararamdaman ko.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka bumangon. Inilibot ko ang paningin sa paligid ngunit wala akong nakitang tao. Nakaramdam ako ng uhaw kaya kinuha ko ang tumbler sa bedside table sa gilid ngunit wala na itong laman.
Tumayo ako at saka bumaba para kumuha ng tubig sa kusina. Malapit na ako sa kusina ng may marinig akong boses. Lumapit ako sa may pinto at nag tago sa gilid.
"We can't hide her from him forever." Boses ng isang lalaki na kilalang kilala ko kung sino.
Si Josiah.
"Wala tayong choice. Hindi din naman pwedeng sabihin natin sakanya ang totoo." Boses naman ni Tita Pinky ang sumunod.
Anong ginagawa dito ni Josiah sa gitna ng hating gabi? At tungkol saan ang pinag-uusapan nila ni Tita Pinky? Bakit hindi niya ako pinaalam na pupunta siya dito?
"I saw him... binabantayan niya si Maya sa labas!" Medyo napataas ang boses ni Josiah.
Walang naging sagot si Tita Pinky. Natahimik ito ng ilang segundo bago sumagot. "Hayaan nalang natin." Kalmadong sabi nito.
"Ano? Hayaan nalang? Wala ba tayong pwedeng gawin?"
"Hijo... wala tayong magagawa kung babalik ang ala-ala ni Flory Jaine."
Napatakip ako sa bibig ko. Ang pangalan na binanggit ni Tita Pinky. Ay iyon ba ang pangalan na sinabi nung lalaking sumusunod sa'kin na feeling close? Kung yun nga, ano naman ang kinalaman nito kina Tita Pinky at Josiah?
"Watch your words. Baka marinig ka niya." Narinig ko ang padabog na pag lapag ng baso na si Josiah siguro ang may gawa.
"Tulog siya. Wala dapat tayong ipag-alala na baka marinig tayo ni Maya." Sagot ni Tita Pinky.
Napaatras ako at hindi makapaniwalang napatitig sa pinto ng kusina. Ano ang hindi ko dapat malaman? May tinatago ba sila sa'kin? Naninikip ang dibdib ko sa iisipin na may tinatago sila na hindi ko alam.
Namayani ang katahimikan sa loob kaya mas lalong idinikit ko pa ang tainga ko sa pader. Hindi kalaunan ay nagsalita ulit si Tita Pinky.
"Hijo... may dapat akong ipagtapat sayo." Tumikhim si Tita Pinky. "Ang pagkawala ng ala-ala ni Maya ay hindi panghabang buhay, kundi ay pangsamantala lang ito." Bunyag ni Tita Pinky.
Kumuyom ang kamao ko habang nagtatagis ang mga ngipin. Totoo ba ang sinasabi ni Tita Pinky?
"Ano?! Ibig sabihin, sa kahit anong oras pwedeng bumalik ang kanyang ala-ala?" Windang na tanong ni Josiah.
"Ganon na nga. Kahit anong bagay o lugar ang pwedeng makakapagpabalik sakanya ng kanyang ala-ala mula sa kanyang nakaraan at tungkol sa kanyang tunay na pagkatao." Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa pinto kaya agad akong tumayo at nagmadaling tumakbo pabalik sa kwarto ko.
Maraming tumatakbo na tanong sa isip ko. Kung sino ba talaga ako at bakit ito inilihim nina Tita Pinky at Josiah sa'kin. Saka si Flory Jaine Sarmento, sino ba talaga siya? Bakit tinawag ako ng pangalan na iyan nung lalaking sumusunod sa'kin? Pati din si Venus na yun, tinawag din ako sa pangalan na iyon.
Napabuga ako ng malalim na buntong hininga. Isa lang ang taong makakasagot sa lahat ng katanungan ko at kailangan ko siyang makausap bukas.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampiriHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
