Gabi na at papauwi na ako galing coffee shop. Huminto muna ako sa may convenience store dahil bibili ako ng ice cream para kay Shaun. Hindi muna ako maihahatid ni Josiah ngayon dahil may inaasikaso siyang importanting bagay.
Lumabas ako ng convenience store at dumiretso sa parking lot. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko ng naramdaman ko na naman ulit yung weirdong pakiramdam na parang pinagmamasdan ka. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ngunit wala naman akong nakitang tao at puro kotse lang ang nakikita ko. Ilang araw ko na itong nararamdaman na parang may nag mamasid sa akin.
Nagkibit balikat nalang ako at saka binaliwala ang nararamdaman ko na kakaiba. Pero tumingin muna ako isang saglit sa maitim at mamahaling sports car naka park sa pinaka huling banda ng mga kotseng nakaparada sa likod ko. Tinitigan ko iyon ng mabuti pero hindi ko makita kung may tao sa loob dahil tinted yung salamin ng kotse.
Humugot nalang ako ng malalim na buntong hininga. Hay nako, nababaliw na siguro ako. Kung ano-ano nalang ang mga iniisip ko. Nag iwas nalang ako ng tingin at saka dumiretso sa kotse ko. Ngayon ko lang ulit ito nagamit dahil hindi ako maihahatid ni Josiah pauwi.
Pumasok ako sa loob saka inilagay ang isang tub ng ice cream sa passenger seat. Kinabit ko ang seatbelt at pinaandar ang kotse ngunit bigla akon natigilan. Yung mamahaling itim na kotse kasi kanina ay nakabukas ang isang bintana at napakunot ang noo ko dahil mukhang familiar ang taong nasa loob ng kotse.
Naningkit ang mga mata ko at saka napasinghap ng makilala ito. Siya iyon, yung lalaking feeling close sa mall na ang babaeng anak nito ay crush ni Shaun!
Tinignan ko kung ano ang ginagawa niya. Nakalabas ang kanyang braso sa bintana ng kotse at may hawak itong umuusok na yosi. At dahil sa nakalantad ang kanyang matchong braso ay nakita ko ang kanyang ahas na tatto. Yung tatto na iyon, nakakataot tignan dahil parang totoo.
Napunta ang tingin ko sa mukha niya. Naka side view siya at bumubuga ng usok, pagkatapos niyang bumuga ng usok ay dahan dahan siyang lumingon sa pwesto ko at tinitigan ako ng matalim. Walang mababakas na emosyon sa kanyang abuhing mga mata habang nakatitig sa'kin.
Agad akong kinabahan sa klase ng kanyang titig. May nagawa ba ako sakanya? Bakit ganyan siya makatitig sa'kin? Hindi siya bumitaw ng tingin sa'kin hanggang sa hinawakan ng isang kamay niya ang manibela at saka pinaharurot ang kanyang manahalin na kotse paalis.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng tibok ng puso ko. Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang gusto kumawala sa dibdib ko.
Lumipas ang mga ilang araw at mas lumala ang weird na naramdaman ko. Palagi ko na rin nakikita na naka park sa may hindi kalayuan ang kotseng nakita ko sa parking lot nakaraang araw. Kahit saan ako magpunta palaging nakasunod ang kotseng iyon sa'kin na parang binabantayan lahat ng kilos ko.
Hanggang sa isang araw hindi ko nalang nakita na nakaparada ang kotseng iyon sa may hindi kalayuan sa coffee shop. Gabi na kaya halos wala ng customer. Tumayo ako mula sa counter at saka sumilip sa labas. Binaliktad ko ang open sign ng close sign. Sigurado akong mamaya pa pupunta si Josiah dito kaya bumalik nalang ako sa counter. Nag scroll nalang ako sa social media para palipasin ang oras.
Habang tutok ako sa phone ko narinig ko na tumunog ang lucky catcher sa pinto. Narinig ko ang yabag nito na papalapit sa pwesto ko. Napangiti ako dahil baka si Josiah na 'yan. Minsan kasi hindi ito nagsasalita para surpresahin ako. Naramdaman ko ang presensya niya sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin.
Napawi ang ngiti sa labi ko nang makita kung sino ang taong nakatayo sa harap ko. Anong ginagawa niya dito?
"Sorry sir, pero close na po kami." Nag-iwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa mga titig niya.
Parang tagos sa buto ko hanggang kaluluwa. Wala siyang sinagot na kahit ano habang nakatitig lang sa'kin ng mariin.
Lihim kong kanurot ang palad ko. " Sir? Nakikinig po ba kayo sinabi ko?" Wala parin siyang imik kaya kinabahan na ako. " Nandito po ba kayo dahil sa nangyari doon sa mall?" Paninigurado ko. Siguro nagalit siya sa mga pinagsasabi ko kaya pinuntahan niya ako ngayon.
"How are you?"
Natigilan ako sa tanong niya. Ano ang ibig sabihin niya?
"O-Okay lang naman?" Alanganin na sagot ko.
"He's treating you so right, right?" Ang kaninang blanko niyang mukha kanina ay bahagyang lumambot. "Right enough to forget me."
Napatanga ako dahil sa kanyang sinabi. Naging speechless ako kaya hindi ko nasagot ang tanong niya. Si Josiah ba ang tinutukoy niya? Saka bakit kung makapag salita siya ay parang kilala niya ako?
"G-Galit ka ba sa'kin?" Nag-aalangan na tanong ko. Baka kasi galit siya sa'kin dahil doon sa mall kaya pumunta siya ngayon dito sa coffee shop para gantihan ako.
Nakita kong bahagya siyang nagulat sa tanong ko. Tinignan niya ako saka nag iwas ng tingin. Tumikhim siya at umigting ang kanyang panga na parang nangangapa ng sasabihin.
"I'm not capable of hating you..." He whispered.
Nalilitong napatitig ako sakanya. Hindi siya galit sa'kin? Kung ganon bakit siya nandito?
Wala akong mahanap na sagot dahil lahat ng kanyang mga sinasabi ay nagpapalito sa akin. Nakatunganga lang ako sakanya habang siya naman ay nakatitig lang din sa'kin. Hindi ko alam kong ano na naman itong weird na nararamdaman ko dahil lumalakas na naman ang tibok ng aking puso.
"Sino ka ba? Bakit parang kung magsalita ka parang kilala mo na ako?" Inis kong tanong sakanya.
Kasi naman eh, nakakalito siya. Nakakalito ang buong pagkatao niya. Simula nung makilala ko siya sa mall parang hindi na mapakali ang isip ko. Ginulo niya ang tahimik kong pag-iisip.
"Seriously?" Nakita kong bumalatay ang sakit sa mukha niya.
Mas lalo siyang lumapit sa'kin. Biglang dumilim ang kanyang mukha. "What did he do to you? Bakit hindi mo na ako ma-alala?" Malamig na sabi niya.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Hindi naman talaga kita kilala!" Inis na bulyaw ko.
"He did something." Matigas na sabi niya na parang may nakompirmang isang bagay. Umatras siya ng bahagya at umayos ng tayo saka tinignan ako ng malamig. Naging blangko ang mukha niya at kumuyom ang kanyang mga kamao.
"I did a huge mistake before. I let myself lose someone..." Umigting ang kanyang panga at tumigas ang kanyang titig sa'kin.
"I lost you, Flory Jaine Sarmento."
Nanlaki ang mga mata ko. Naninikip ang dibdib ko at na parang may isang bagay na nakadagan sa akin. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko at hindi ko alam bakit ako naiiyak. Bakit ganon nalang ang dating sa'kin ng pangalan na binanggit niya?
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirgeschichtenHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
