Chapter 25

890 10 3
                                        

Nakakalito.

Gusto kong umiyak. Bakit ba? Ewan ko din sa sarili ko. Ligtas na ako, ano pa ang ikinalulungkot ko? May dahilan pa ba ako para malungkot?

Hindi siya sumipot...

Eh ano naman? Hindi ko naman siya kailangan. Saka dumating naman si Josiah para iligtas ako. Pero kahit kaunting pag-aalala hindi niya naramdaman? Ganon nalang yun? Parang wala lang sakanya lahat ng pinagsamahan namin?

Sana pala hindi ko nalang siya binati ng 'Happy birthday.' dapat 'Rest in peace!' nalang yung sinabi ko sakanya. Tangina, wala talaga siyang pake sa kung anong mangyari sa akin dahil hindi niya naisipang sumipot. Kung nasa harap ko lang talaga siya nakalmot ko na yung mukha niya.

"Okay ka lang?" Marahan na tanong ni Josiah habang nag d-drive ng kotse.

Napalingon ako sakanya at tumango. "Oo. Salamat pala ah? Kung hindi ka dumating, edi sana na mukbang na ako ng mga baliw na 'yon."

Bigla siyang nag iwas ng tingin at tumikhim. Parang nangangapa ng sasabihin. Humigpit ang hawak niya sa manibela saka humugot ng malalim na buntong hininga.

"Wala yun. Nahirapan nga akong hanapin ka, buti nalang at na locate ko ang phone na ginamit pantawag sa landline ng mansion." Aniya habang nasa kalsada nakatuon ang tingin.

Tumango tango ako. Biglang naalala ko na may humalik pala sa akin habang naka blindfold ako. Mabilis akong napatingin kay Josiah na tahimik na nag d-drive.

"Josiah... sabihin mo nga sa akin. Hinalikan mo ba ako sa noo kanina?" Naningkit ang mga mata ko.

Kumunot ang kanyang noo at nalilitong binalingan ako ng tingin. "Ha? Hindi naman kita hinalikan." Litong saad niya.

Ano? Totoo? Legit? Eh naramdaman ko talaga na hinalikan ako sa noo.

"Eh ramdam ko na may humalik sa noo ko kanina!" Asik ko.

"Baka butiki lang 'yon. Nahulog kasi bumitaw dahil napagod na." Kibit-balikat niya.

Ang hinayupak nakuha pa talagang bumanat. So ano? Broken lang yung butiki? Ganon?

"Ay basta! May humalik talaga sa noo ko kanina. Kung hindi ikaw baka engkanto siguro." Umirap ako.

Lumipas ang ilang minuto at nakarating na kami sa mansion. Pag pasok ko agad sa loob si Manag Lena ang sumalubong sa akin.

"Jusko bata ka! Pinag-alala mo ako. Ano bang nangyari sayo? Okay kalang ba?" Sunod sunod na tanong ni Manang Lena.

"Manang naman. Okay lang po ako. Buti nalang po at dumating itong si Josiah." Ngumiti ako kay Manang Lena para mabawasan ang pag-aalala niya sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman nila ako tinanong bakit ako nawala bigla ng isang gabi. Ang akala siguro nila ay dahil ni-kidnap ako kaya ako nawala ng isang gabi pero hindi nila alam ni-kidnap nga talaga ako. Si Mr. Sir President nga lang ang nag kidnap sa akin.

Mas nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko nakita ang babaeng planeta na 'yon. Nababanas ako sa mukha niya kapag nakikita ko siya.

Lumipas ang ilang araw at bumalik na ulit sa dati. Tuloyan ko na ngang hindi nakita ang babaeng planeta. Siguro siya na naman ang na-kidnap. Mabuti nga sakanya. Char.

Ikang araw na rin na hindi ko din nakikita si Mr. Sir President. Simula nung huling tawag sakanya ng mga deputa hindi ko na siya nakita at narinig ulit ang kanyang boses. Nasaan ba siya ngayon? Teka, bakit ko nga ba siya hinahanap? Galit parin ako sakanya kaya dapat hindi ko na siya iniisip.

Madapa sana siya o dikaya mabungi. Mawalan sana siya ng isang ngipin at sa gitna pa dahil deserve niya.

Sa loob ng ilang araw ay mas naging madalas na magkasama kami ni Josiah. Wala naman akong ibang kadaldalan dito sa mansion dahil si Manang Lena ay hindi naman pala daldal. Tapos si Mary naman ay kapag nagkakasalubog kami ay nginingitian lang ako saka yuyuko ulit. Si Fiona naman ay minsan ko lang makita dahil hindi naman iyon pala gala dito sa mansion. Kaya si Josiah nalang ang palagi kong kasama.

Kakatapos ko lang maglinis ng swimming pool sa rooftop at naglalakad ako patungo sa kusina dahil nauuhaw ako. Pagkapasok ko ay si Josiah ang nadatnan ko. Nagluluto ito dahil tanghali na. Ang bilis lang pala ng oras, hindi ko namalayan dahil busy ako sa itaas na bahagi ng mansion.

"Hi." Baling nito sa akin saka ngumiti.

Basa pa ang buhok nito at mukhang bagong ligo. Nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy nito. Sa totoo lang, hindi nalalayo si Josiah kay Mr. Sir President. Matangkad si Josiah pero medyo lamang ng ilang dangkal si Mr. Sir President. Kung sa mukha naman ay walang palya sa kanilang dalawa. Ang kaibahan lang sa kanilang dalawa ay puti na parang gatas na balat ni Mr. Sir President. Si Josiah naman ay moreno.

Bumaba ang tingin ko sa braso ni Josiah habang naghahalo ito ng kung ano sa kawali. Hindi naman payat si Josiah. May mga muscles din siya, yung parang sakto lang yung katawan niya? Hindi katulad kay Mr. Sir President na parang bato ang katawan. Batokan kalang nun ng isang beses tanggal na ulo mo partida.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga iniisip ko. Bakit ko ba sila pinagkukumpara? Parang shunga lang oh.

"Ano ba 'yan, Josiah. Mas lalo tuloy akong nagutom sa niluluto mo." Reklamo ko habang umiinom ng tubig.

Napatawa siya sa sinabi ko. "Papasa na ba akong husband material para sayo?" nang aasar na sabi niya.

Namula ako. "Hindi pa!" Pagsisinungaling ko. Pero sa totoo lang, talagang pasado na talaga siya.

Nangunot ang noo niya ngunit hindi nawala ang kanyang ngiti.

"Bakit naman? Magaling akong magluto, siguradong busog na busog ang magiging asawa ko. Saka magaling din ako sa mga gawaing bahay. Kapag nagkasakit naman ang asawa ko ay walang problema dahil aalagaan ko siya. Aalamin ko ang mga favorite foods niya para kapag nag c-crave siya ay ipagluluto ko agad." Seryosong saad niya habang nakatitig sa akin.

Napatitig din ako sakanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Gagawin niya yun lahat? Seryoso?

"Hoy, na f-fall ka na sa akin 'no?" Asar niya.

Crush na nga kita eh. "Hindi 'no." Pagtatanggi ko.

"Sus, huwag kang ma-fall sa akin." Seryosong sabi niya.

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi may hahawak na sayo bago ka pa mahulog."

Napanganga ako. Anong pinagsasabi ng Josiah nato? Anong hahawak? Sinong hahawak? Nakanganga lang ako habang nakatingin sakanya. Bigla ay humalagapak siya ng tawa.

"Grabe, ang laugh trip ng mukha mo, Flory." Natatawang ani nito.

Napatawa nalang din ako dahil sa kakatawa niya. Napadako ang tingin ko sa pinto dahil parang may kung anong matang lawin ang nakatingin sa amin. At hindi nga ako nagkakamali dahil sa pamilyar na tagos butong titig na naramdaman ko galing sa isang tao.

Nakasandal ito sa doorframe habang naka krus ang mga kamay sa dibdib. Sa tangkad nito ay halos magkasing taas na sila ng doorframe. Kung hindi pa naka sandal ng bahagya si Mr. Sir President sa doorframe ay baka lumagpas ng kaunti ang ulo nito. Walang expression ang mukha nito habang nakatingin sa amin.

Yung natawa ko naman ay nauwi sa slow motion nang makita ko siya hanggang sa nauwi sa ngiwi.

"Ay, buhay ka pa pala?" Wala sa sariling sabi ko.

Tinaasan niya ako ng isang kilay kaya napahawak ako sa bibig ko. Binalingan ko si Josiah sa tabi ko na umayos sa pagkakatayo.

"Napalakas ba yung sabi ko?" Bulong ko sa kanya.

Tumango siya at ngumiwi sa akin. "Malamang."

Napabalik ako ng tingin kay Mr. Sir President na may madilim na na awra. Takte, ano na naman ba ginawa ko?

Nakangiwing tumawa ako at tinignan si Josiah. "Ay, oo nga pala. May gagawin pa pala ako diba? Alis na muna ako." Palusot ko kay Josiah at kamot ulo na naglakad palabas ng pinto.

Bawat hakbang ko ay binibilisan ko nang palampas na ako kay Mr. Sir President. Hindi ako tumingin sa kanya ngunit ramdam ko ang mainit na titig niya sa akin. Bawat galaw ko ay nakasunod ang mga mata niya sa akin.

Nang makalagpas na ako ay nakahinga ako ng maluwag at tumakbo paakyat ng hagdan papunta sa kuwarto ko.

Ang shunga, nagpakita pa!

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now