Third peron's POV
Makalipas ang ilang araw ay hindi na bumalik si Jaine sa mansion. Hindi na nagtaka si Cane dahil sa hindi pagbalik ng babae sa mansion nito. Napa upo si Cane sa king size bed nito habang tumutungga ng alak. Simula ng nangyari doon sa Orphanage ay palagi na itong umiinom ng alak.
Mas lalong naging miserable ito. Minsan nalang lumabas sa kwarto at palaging mainitin ang ulo. Padabog niya na inilagay ang babasaging baso sa maliit na cabinet sa gilid ng kama nito. Dahil sa pagdadabog na ginawa niya ay may nahulog na isang nakatupi na papel sa sahig.
Nalilitong napatingin si Cane doon at pinulot. Binuksan niya ang pagkakatupi ng papel at bumungad sakanya ang isang sulat kamay.
Kanino ba 'to? Tanong niya sa sarili.
"From: Flory Jaine Sarmento." Basa niya sa nakasulat.
Agad na dinamba ng lito at kaba ang puso niya. Agad niyang binasa ang nilalaman ng sulat.
Hindi na ako babalik diyan sa mansion. Huwag na huwag ka na rin magpakita at mas lalong huwag na huwag mo na din akong hanapin. Maayos na ako kung nasaan man ako ngayon. Kasama kong umalis si Josiah. Namulat ako sa totoo kong naramdaman. Si Josiah talaga ang totoong mahal ko at hindi ikaw. Pagkakamali lang na minahal kita. At sana ang pangyayaring iyon ay hindi na maulit pa, dahil kakalimotan na kita habang buhay...
Pagak na napatawa si Cane pagkatapos niyang basahin ang sulat. Napahiga siya sa kama at napapikit. Mapait na napangiti siya.
"Walang pinagkaiba. Magkatulad talaga kayo ni Elizabeth." Iling na sabi nito habang pagak na napatawa.
----
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Parang tinadyakan ng ilang beses. Bumangon ako mula sa pagkaka higa. Nasaan ba ako? Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang matangkad at gwapong lalaki. Sino ba 'to?
"Gising ka na pala Jaine." Sabi nito saka nilapitan ako.
Jaine?
Napa atras ako ng kaunti. Hindi ko kilala ang lalaking ito. Malay ko bang may masama siyang balak sa'kin diba?
"S-Sino ka?" Tanong ko sa kanya.
Tinitigan niya ako ng mabuti. Parang pinag-aaralan niya ang bawat galaw ko saka siya humugot ng buntong hininga. Umupo siya sa kama at tumingin sa'kin.
"Okay ka lang? May masakit ba sayo?" Baliwala niya sa tanong ko.
Tumango ako. "Okay lang ako..." Kahit ang totoo ang medyo masakit ang ulo ko.
"Ganon... M-May naalala ka ba?" Alanganin na tanong niya.
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Sa totoo lang, wala talaga akong maalala. Nagising na nga lang ako dito sa hindi pamilyar na kwarto at itong gwapong lalaki sa harap ko.
"W-Wala."
Nag-iwas siya ng tingin. "Nangyari na nga." Bulong niya.
Anong nangyari na?
"Bakit ako nandito? Sino ka?" Tanong ko ulit sakanya.
"Ako si Josiah." Tumingin ito sa akin bago nag salita ulit. "Fiancé mo..." Nakagat nito ang pang ibabang labi.
Nalaglag ang panga ko dahil sa kanyang sinabi. Totoo?! May fiancé ako? Pero bakit hindi ko siya kilala?
"A-Ano? Hindi ko alam 'yang sinasabi mo. Wala akong fiancé." Giit ko.
"Jaine... fiancé mo ako." Muling sabi niya.
"Huh? Pero bakit hindi kita kilala gayong fiancé kita?" Naguguluhang sabi ko.
Napayuko siya. "Naaksidente ka. Nabagok ang ulo mo at nagka amnesia ka sabi ng Doctor..." Muli ay nag angat siya ng tingin.
Nakatanga lang ako sa kanya habang pinoproseso ang kanyang mga sinasabi. Totoo bang na aksidente ako kaya wala akong maalala? At itong lalaking nasa harap ko ay fiancé ko?
"Kung totoong fiancé kita, bakit wala akong singsing sa kamay ko?" Pagsisiguro ko.
Lumikot ang kanyang mata at saka nakagat niya ang kanyang pang ibabang labi. "Ano kasi... nawala yung singsing nang ma aksidente ka."
Naningkit ang mga mata ko. "Talaga? Sure ka?"
Tumango siya. "Oo Jaine, sure ako."
Tumaas ang isang kilay ko. "Sige nga, if you're sure. Clap your hand twice and copy me."
Ginawa niya ang sinabi ko. Pumalakpak siya ng dalawang beses at nang tignan ang ginagawa ko ay nagulat siya. Naka litaw kasi ang middle finger ko sa harap niya.
"Oh, bakit hindi mo kinopya yung ginawa ko? Kasi hindi ka sure?" Ipinakita ko sa kanya ang middle finger ko.
Nakita kong nag aalangan siya kung gagawin ba niya o hindi pero kalaunan ay ginawa niya din naman. Pero malaki nga lang ang ngiwi sa labi niya. Gusto kong tumawa ng malakas pero pinigilan ko dahil dapat na maging seryoso tayo at huwag paglaruan ang damdamin ng isang tao.
Na agaw lang ang atensyon namin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae na mukhang maldita at halos pink ang kulay ng damit at kagamitan nito sa katawan. Ngayon ko lang din napansin na halos pink din ang kulay at mga gamit ng kwartong ito.
"Hija, gising ka na pala." Nakangiting sabi nito at niyakap ako.
Sino naman ito? Fairy Godmother ko?
"Sino po kayo?" Tanong ko.
"Ako si Tita Pinky mo. You can call me Tita or Tita pinky!" Maligalig na sabi nito.
"Tita ko po kayo?"
"Yes! Mula ulo hanggang paa, I'm your Tita!" Umupo ito sa tabi ko.
"Talaga po? Ano nga po pala yung pangalan ko?" Nalilitong natong ko. Wala kasi talaga akong maalala eh.
Hindi muna nakasagot si Tita Pinky sa tanong ko. Nagkatinginan sila ni Josiah bago bumaling si Tita Pinky sa'kin. Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Ikaw si Maria Janine. In short Maya." Nag iwas siya ng tingin.
"Ilang oras ba akong tulog?" Tanong ko sakanila.
"Mahigit isang linggo." Sabat ni Josiah.
Napasinghap ako sa gulat. Totoo?! Ang tagal ko palang natulog. Parang sleeping beauty lang tapos si Josiah ang prince ko.
"Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita." Concern na tanong ni Josiah sa'kin.
Pinamulahan ako dahil sa pagiging concerned niya sa'kin. Napaisip ako kung ano ang gusto kong kainin. Si Josiah nalang kaya? Ay joke lang naman.
"Kahit ano nalang. Basta pagkain." Napakamot ako sa ulo ko.
Nakita kong ngumiti si Josiah saka nagpaalam na aalis muna para ipagluto ako. Ang bait naman ni Josiah. Husband material lang ang peg. Paano ko ba nabingwit ang gwapong yun?
Naiwan kaming dalawa ni Tita Pinky sa kwarto. Inasikaso ako nito at dinaldal ng kahit ano. Naninibago parin ako sa mga bagay-bagay. Siguro dahil narin sa isang linggo akong tulog galing aksidente kaya ako ganito. Matapos ang ilang minuto ay dumating si Josiah dala ang isang tray.
Inihanda niya ito sa harap ko at agad na tumunog ang tiyan ko nang maamoy ko ang kanyang niluto. Agad ko itong nilantakan at grabe, ang sarap ng luto niya! Pati rin ang nag luto masarap din.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampireHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
