Nagmamadaling pumunta ako sa coffee shop ni Tita Pinky. Medyo tinanghali kasi ako ng gising dahil hindi ako nakapag alarm kasi lowbat pala yung phone ko. Wala si Tita Pinky ngayon sa bahay kasi may inaasikasong ibang bagay na hindi ko alam. Ang kasama ko lang sa bahay ay ang pinsan ko na si Mary.
May pagka prangka ito magsalita sa'kin pero kahit papaano ay mabait naman. Single mother ito at may isang anak na lalaki na Shaun ang pangalan at apat na taong gulang. Nag mall ang mag-ina kaya ako ang naiwan sa bahay.
Pagkarating ko sa coffee shop marami ng tao sa loob kaya agad akong kumuha ng apron at tumulong sa ibang crew. Nag text na pala si Josiah sa'kin kanina, binati ako ng good morning saka sinabi na siya ang maghahatid sa'kin mamaya.
Lumipas ang ilang oras at medyo nababawas-bawasan na ang mga tao. Mas marami kasing tao tuwing umaga kasi kape talaga ang iniinom ng mga ito pagka gising palang sa umaga.
Bigla akong aka received ako ng message galing kay Mary. Kung pwede ba daw puntahan ko sila sa Mall ni Shaun kasi emergency daw. Agad naman akong nagpaalam sa manager na aalis muna dahil may emergency.
Pagkarating ko sa mall agad kong nakita sina Mary sa may parking lot. Nilapitan ko sila at napansin ko na mukhang nagmamadali si Mary.
"Girl, pwede bang bantayan mo muna itong si Shauny? I need to go somewhere important. Please?" Paki-usap nito.
Napatingin ako sa bata. Kumakain ito ng fries sa Jollibee. Ngumisi ito sa akin kaya kita ang bungi nitong ngipin. May ketchup pa nga sa gilid ng bibig nito. Sobrang kulit nito sa bahay. Pag ito kasama mo para kang tatanda ng sampong taon.
Wala akong choice kundi sumangayon. Hawak ko ang kamay ng bata habang naglalakad kami sa gitna ng mall.
"Dong, saan mo gusto pumunta?" Tanong ko sa bata.
Sumimangot bigla ang bata. "Shan pangalan kow!" Asik nito.
Napangiwi naman ako sa kamaldituhan ng bata. Halatang mana sa ina.
"Aba, attitude ka talagang bata ka. Sige nga, spelling nga ng pangalan mo!" Hamon ko sa kanya.
Nilabasan lang naman ako nito ng dila at sinipa ako sa paa. Napa ngiwi ulit ako dahil mukhang tatanda na ako ng sampong taon. Habang naglalakad kami ay hinila ako ni Shaun sa may ice cream parlor sa gilid. Agad kaming pumunta sa counter at nag order. Habang pumipili si Shaun sa gusto niyang flavor may naramdaman akong tumabi sa amin para umorder.
Sa peripheral vision ko ay matangkad ito at parang lalaki. Napatingin ako sa batang babae na kasama nito. Mukhang magkaparehas lang sila ng edad ni Shaun. Magkatabi ang dalawang bata at nagkatinginan ito sa isa't isa. Naagaw lang ang atensyon ko ng tawagin ang pangalan ko para sa order namin na ice cream.
Yumuko ako ng bahagya para kalabitin si Shaun. Nangunot ang noo ko ng hindi man lang ito humarap sa'kin. Nang tignan ko ang tinitigan nito yung batang babae pala na katabi nito. Nakatitig siya sa batang babae kaya bumulong ako sakanya.
"Hoy, na love at first sight ka 'no?" Tukso ko.
Bumaling naman ito sa akin at inirapan ako. "Gusto kow siya girlpen." Bulol na sabi nito.
Napa awang ang labi ko dahil medyo napalakas ang pagka sabi ni Shaun dahilan para mapatingin ang lalaking katabi ng batang babae na daddy niya siguro. Nag tama ang mata namin ng lalaki.
Abo ang kulay ng mga mata nito at sobrang tangos na ilong. Sobrang gwapo naman nito. Parang yung mga super model lang na lalaki yung kagwapohan niya. Matipuno ang katawan nito na parang isang sapak lang lilisan na ang kaluluwa mo sa katawan mo. Napansin ko din ang ahas na tattoo nito sa kamay at sa leeg nito.
Sino ba 'to?
Nakita ko na nanlaki ang mga mata niya at parang gulat na gulat siya. Pinanlakihan ko din siya ng mata dahil hindi ako nagpapatalo. Bumaba ang tingin nito kay Shaun na nag f-flying kiss sa batang kasama ng lalaki. Sinuway ko ito pero inirapan lang ako.
Nang mag angat ulit ako ng tingin sa lalaki ay malamig na ang tingin nito sa'kin. May kung ano naman akong naramdaman sa dibdib ko na parang hindi ko mawari.
"You have a son?" Malamig at baritonong boses na tanong nito.
Ay shuta! Pinagkamalan ba naman ako?
"You have a daughter?" Balik tanong ko saka tumingin sa batang babae sa tabi nito. Bakit ba ako kinakausap ng lalaking 'to? Hindi naman kami magkakilala ah.
Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng isang kilay. "Where's that guy? Your husband I guess?"
Anong husband ang sinasabi nito? Saka kung makapagsalita parang magkakilala kami. Parang shunga lang.
"Aba, si Husband? Nasa future pa." Sagot ko.
Hindi sumagot ang lalaki at malamig lang akong tinitigan na parang sinusuri buong pagkatao hanggang sa kaluluwa ko.
Bumaba ang tingin niya kay Shaun. May kung ano sa mata niya at umiigting ang panga habang nakatitig sa bata. Sino ba itong lalaking to? Bakit feeling close?
"Daddy..." Isang maliit at mahinhin na tinig galing mula sa batang babae na kasama niya.
Nag iwas ng tingin ang lalaki kay Shaun at hinarap ang kanyang anak.
"Yes, baby?" Malambing na sagot nito.
Taray naman. Maldito sa lahat, sweet kay baby! Ako kasi, sweet sa lahat, maldito kay Shaun!
"I want him..." Sagot ng batang babae habang nakaturo kay Shaun.
Napasinghap ako. Napatingin ako kay Shaun na malaki ang ngisi sa mga labi. Nako, ang lakas kumerengkeng hindi man lang nahiya sa bungi niya. Nang tignan ko ang batang babae ay napaka amo ng mukha nito at parang manika. Okay narin, couple teeth lang din. Pareho kasi silang bungi.
"No baby, he's going to leave you too, in the future." Bulong niya sa bata saka tinapunan ako ng tingin saka inirapan.
Nako! Bakit ang mga lalaki ngayon mahilig na mang irap? Ano 'yan? Copy paste? Walang originality?
Naramdaman ko na may kumalabit sa gilid ko. Nang tignan ko si Shaun pala. Hinihila ako nito para yumuko. Nang maka yuko na ako agad itong bumulong. Medyo nakiliti nga ako dahil puro buga ng hangin lang yung naririnig ko. May laway pa nga na tumatalsik eh. Kadiri!
"Ano?" Wala kasi akong maintindihan.
"Poopoo akow." Agad na nanlaki ang mata ko. Lagot.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampiriHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
