Someone's POV
Habang umaandar ang kotse hindi ko mapigilan na mapatingin kay Jaine na walang malay sa passenger seat.
"Kailangan nating bilisan." Saad ng babae sa likod na siyang tumakip ng panyo sa ilong ni Jaine.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Matagal ko na itong pinag-iisipan. Tama ba itong pinasok ko? Bakit parang nakokonsensya ako?
Hindi ako umimik at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho. Noong una ay parang wala lang sa akin si Jaine. Pero hanggang sa mas lalong tumatagal na mas lalong nakikilala ko siya biglang nag iba yung pag tingin ko sa kanya. She's too innocent for this.
Right, she's too innocent to get involve with this kind of mess. Biglang tinigil ko ang pagmamaneho ng kotse. Narinig ko na napasinghap ang babae sa likod.
"Anyari? Bakit mo itinigil?! Lagot tayo kay boss nito pag nahuli tayo!" Reklamo nito.
Blanko lang ang mukha ko habang nakatingin sakanya saka ibinaling kay Jaine na wala parin malay. Nasaktan ba siya? Masyado bang nadiinan ang pag takip sa ilong niya?
Hindi ko pinansin ang mga reklamo ng babae sa likod at inikot ang manibela para pumunta sa ibang direksyon. Hindi ko kaya na gawin to kay Jaine. She's kind and pure. Hindi ko kaya na gawin to sakanya.
"Hoy ano ba? Nababaliw ka na ba?" Reklamo ulit ng babae sa likod.
Inihinto ko ang kotse at hinarap siya. "Hindi ko kayang gawin 'to kay Jaine." Nag tagis ang ngipin ko.
"Ano?" Bumadha ang pagkalito sa mukha ng babae.
"Wala siyang kasalanan para mangyari ito sakanya." Diin na sabi ko.
"Pero siya ang may kasalan kung bakit namatay ang boyfriend ko!" Puno ng galit na sabi ng babae.
"Ano naman? Hindi naman niya intensyon na mamatay ang boyfriend mo. At mas lalong hindi niya kasalanan na pinatay ang boyfriend mo." Humarap ulit ako sa daan. "Labas siya dito. Hindi niya kasalanan ang lahat." Bumuntong hininga ako.
"Ano bang nangyari sayo? Hindi ka naman ganyan noon ah?" Inis na sabi ng babae. "Teka, nahuhulog ka na ba sa babaeng 'yan?" May pagdududa na tanong nito.
Nag iwas ako ng tingin sa rearview mirror. Hindi ako makasagot sa tanong niya. Miski sarili ko hindi ko alam ang sagot sa tanong ng babae. Pero buo na ang desisyon ko, hindi ko ibibigay si Jaine.
"Wala ka na don." Blanko kong sagot.
Pinaandar ko na ulit ang kotse. Tinignan ko si Jaine sa tabi ko na wala parin malay. Hintayin mo lang Jaine, ibabalik kita kung saan ka dapat nararapat.
"Ano? Eh paano si Boss? Patay tayo kapag hindi natin naibigay sakanya si Jaine!" Galit niyang sambit.
"Bahala na, basta hinding hindi ko ibibigay sakanya si Jaine." Matigas na ani ko.
"Baliw ka ba? Kahit saan tayo magpunta mahahanap tayo ni Boss! Ako mapapahamak sayo niyan eh." Nagpipigil ng galit na sumalampak siya sa upuan ng kotse.
"Manahimik ka nalang." Angal ko dito.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at may tinawagan. Matapos ang ilang ring ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Anong balita?" Tanong ng tao sa kabilang linya.
"Nasa akin na si Jaine..." Sagot ko saka bumaling kay Jaine.
---
Pinatay ko ang makina ng kotse ng makarating kami sa bahay na sinasabi ng taong kausap ko kanina. Binalingan ko ang babae sa likod.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampireHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
