Hi everyone! Here's the 3 chapters that I promised. Pasensya na kung natagalan 'cause I have a lot of things to deal with. Don't mind the grammatical error nalang kasi lutang ako habang sinusulat ko ito. Next update will be Epilogue so abang-abang lang!
Enjoy reading!
-----------------------------------------------------------------------
"Sure ka na ba diyan?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Tita Pinky.
Sinabi ko kasi sakanya na babalik ako sa mansion bilang isang maid. Alam din niya na hindi pa alam ni Cane na bumalik na lahat ng ala-ala ko.
"Sure na po." Aniya ko habang nag-iimpake. Susunduin kasi ako mamaya sabi ni Cane kahapon kaya kailangan tapos ko na iligpit lahat ng gamit ko.
"Paano kapag nalaman niya ang totoo?"
Napatingin ako sakanya. Nagkibit balikat lang ako na parang wala lang. Kung malaman man niya wala naman siyang magagawa.
"Ako na ang bahala." Tumayo ako ng marinig ko na tumunog ang doorbell.
Bago ako lumabas ay lumapit ako kay Tita Pinky at niyakap siya.
"Salamat po sa lahat." Sabi ko sakanya at ngumiti ng tipid.
Narinig ko na suminghot si Tita Pinky. "Mag-ingat ka Jaine." Paos na sabi niya.
Tumango ako. "Ikaw din po" Aniya ko saka humiwalay ng yakap.
Nakasunod si Tita Pinky sa'kin habang pababa kami ng hangdan. Dala ko ang isang maleta at binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko.
"Flory Jaine Sarmento." Sambit nito habang may tipid na ngiti sa kanyang labi.
Mr. Gregory?
"Magandang umaga po." Bati ko.
Ngumiti siya sa'kin saka iginaya ako papunta sa kotse. Kinuha niya ang maleta na bitbit ko at ipinasok iyon sa likod ng kotse. Tumingin muna ako kay Tita Pinky na umiiyak na nakatayo ngayon sa tapat ng pinto. Kumaway ako saka ngumiti sa huling sandali.
Pumasok na ako sa loob ng kotse at ganon na rin si Mr. Gregory. Kakaibang lang sa pakiramdam dahil ganitong ganito rin ang nangyari nung una akong tumapak sa mansion.
Inabot ng ilang oras ang biyahe at nakatingin lang ako sa mga naglalakihang mga puno na nadadaanan namin. Wala pa rin pinagkaiba, ganon na ganon parin sa unang kita ko dito. Parang bumalik lang ako sa umpisa.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok kami sa isang malaking gate. Nandon parin ang Fountain sa gitna ng malaking garage. Napatingin ako sa gilid kung nasaan ang mga rosas na dinidiligan ko noon. Namangha ako dahil nandon pa iyon at mas lalo itong dumami. Napakunot ang noo ko dahil sa gitna ng mga naggagandahang mga rosas ay may nakatayo na isang bagay sa gitna na tinabunan ng isang puting tela.
Nagkibit balikat nalang ako dahil baka part iyon sa mga binago dito sa mansion. Almost 5 years din ang nakalipas, talagang maraming pagbabago ang nangyari.
Bumaba ako ng kotse pagkatapos i-park ni Mr. Gregory sa may gilid kung saan nakahelera ang mga nagmamahalang mga kotse. Bakit parang mas dumami ito?
"Nasaan po si Cane?" Magalang na tanong ko kay Mr. Gregory.
"Nasa loob Hija. Please follow me." Aniya saka naunang naglakad papasok sa loob.
Sumunod naman ako. Namangha ako sa paligid. Ganon parin ngunit mas nagkaroon ng kulay. Habang binabagtas namin ang daan patungo sa kung saan si Cane ay hindi mapigilan ng dibdib ko na tumibok ng mabilis.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampireHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
