Pagmulat ko sa aking mga mata agad na bumungad sa akin ang umuusok na paligid. Nang tignan ko ang paligid ay mukhang nasa loob ako ng kotse. Masakit ang ulo ko, pati na rin ang buong katawan ko. Hirap rin akong makahinga at nanlalabo ang paningin ko.
Napahawak ako sa may bibig ko. Kaya pala hindi ako makahinga ng maayos dahil naka facemask pala ako. Hindi ako makagalaw dahil sa sakit ng katawan ko. Parang na paralisa ang buong katawan ko. May naramdaman akong basa na nagmumula sa noo ko kaya hinawakan ko ito at tinignan kung ano ito.
Kumurap-kurap ako dahil malabo na ang paningin ko. Napasinghap ako nang mapagtanto na dugo pala ito. Inilibot ko ulit ang paningin sa paligid. Tumigil ito sa harap kung saan may dalawang tao ang naka-upo doon. Unti-unti ay nakilala ko sila dahil sa damit na suot nila.
Unti-unting nagsituluan ang mga luha ko habang hindi makagalaw na nakatingin sa mga magulang ko na duguan na naka-upo sa harap. Nakalabas ang ulo ni Papa sa basag na windshield habang si Mama naman ay nakasandal ang ulo sa gilid ng bintana ng kotse.
Humikbi ako dahil sa nakita. Nahihirapan na akong huminga dahil na rin sa may suot ako na facemask. Patuloy lang ako sa paghikbi nang biglang bumukas ang pinto ng kotse sa may bandang gilid ko. Hindi ko maaninag kung sino o ano ang nagbukas nito dahil nanlalabo ang mata ko dahil sa luha.
Naramdaman ko na may matigas at malaking kamay ang hunawak sa beywang at mga binti ko at kusa akong umangat. Napahikbi ako dahil sa sakit ng katawan ko. Inangat ko ang paningin ko sa taong bumuhat sa akin palabas ng kotse.
Hindi ko ito maaninag ng maayos dahil sa nanlalabo kong paningin ngunit ang isang nagpa-agaw ng atensyon ko ay ang pulang mga mata nito. Hindi naman malinaw sa aking paningin pero alam kong pula ang mga mata ng tao na ito. Dahan-dahang bumukas ang bibig ko at tinanong siya.
"S-Sino... ka?"
NAPAPITLAG ako sa pagkakahiga at kusang napahawak sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok nito na parang gustong lumabas. May naramdaman ako na basa at mainit sa pisngi ko kaya napahawak ako dito. Luha? Bakit ako lumuluha? Naiyak pala ako habang nakatulog.
Anong oras na ba? Saka hindi ko pala namalayan na nakatulog pala ako pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ko. Umupo ako sa kama saka inalala ang napanaginipan ko.
Inabot ko ang maliit na drawer sa gilid ng kama ko saka kinuha doon ang isang litrato. Napatingin ako doon at kusang tumulo ang mga luha ko. Nakangiti at masayang-masaya kaming tatlo sa picture na 'to. 5 years old palang ako dito.
"Ma... Pa... miss ko na kayo. Bakit niyo ba kasi ako iniwan? Hindi naman tayo naglalaro ng racing eh, tapos kung sino ang talo yun ang kukunin." Bulong ko habang hinahaplos ang litrato.
Matagal-tagal na rin simula ng napaginipan ko ulit ang aksidenteng iyon. Twelve years old ako habang nangyari ang aksidenteng iyon. Galing kaming hospital dahil na discharged na ako sa sakit na dengue. Hindi ko naman alam na sa araw na iyon kukunin ang mga magulang ko. Sana tumalon nalang ako sa 4th floor building ng hospital na iyon para ako ang mauna kina Mama at Papa. Eh sa ayaw kong naiiwan.
Pero ang palaisipan parin sa'kin hanggang ngayon ay kung sino yung lalaking bumuhat sa akin palabas ng kotse. May pula itong mga mata ngunit hindi ko na maalala ng maayos dahil bata pa ako nun, twelve years old pa ako nun eh. Hindi ko na narinig ang sagot nito dahil nawalan na ako ng malay ng oras na iyon.
Nagising nalang ako sa hospital kung saan ako na admit sa sakit na dengue. Shuta nga eh, kaka-alis ko lang tapos ibinalik ulit ako. Kaso nga lang hindi ko na kasama ang mga magulang ko. Mag isa nalang akong nagising sa hospital. Wala na yung taong nag ligtas sa akin. Ewan ko nga ba kung hallucination ko lang iyon dahil sa sakit ng ulo o dikaya ay totoo.
Pero kung totoo siya bakit wala siya dito? Bakit lumipas nalang ang ilang araw at napunta ako sa Orphanage ay walang nagpakita sa akin? Siguro nga hallucination ko lang iyon.
Ang babait ng mga madre sa Orphanage na napuntahan ko. Marami akong mga batang nakasama. Hanggang sa napag-isipan ko na bumukod na para buhayin ang sarili ko dahil nakakahiya naman malaki na ako tapos umaasa parin ako sa mga madre doon.
Pinupunasan ko ang luha ko at saka nag angat ng tingin. Laking gulat ko dahil nag tama ang mga namin ng timawa. Nakasandal ito sa doorframe habang naka krus ang mga kamay sa dibdib at blankong nakatingin sa akin.
"Shunga! Kanina ka pa diyan?" Gulat na tanong ko.
Nakita niya kaya kung paano ako humikbi? Nako tumulo pa naman yung sipon ko! Hindi siya sumagot sa tanong ko at nakatitig lang sa akin. Tanga ba ito o bingi? Suntukin ko kaya tainga nito? Ay huwag nalang, baka ma hambalos pa ako bago pa tumama ang kamao ko sa tainga niya.
"Ano ba 'yan. Bingi lang Mr. Sir President? Magpa ear cleaning ka kaya para kahit sa kanto marinig mo ang mga chismis ng mga marites diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay. Galit pa rin ako sakanya dahil sa ginawa niya sa akin.
Matapos pagsamantalahan ang mga labi ko eh parang stranger na yung trato niya sa'kin. Hindi panga sumipot, kapal talaga ng mukha ng timawa nato. Rapis siya ng lips ko, swerte nga niya virgin yung lips ko nang matikman niya.
"Tsk." Inirapan niya ako. "Ang pangit mo umiyak." Aniya saka naglakad paalis.
Nakanganga lang ako habang nakatitig sa pinto na wala nang bakas ni Mr. Sir President. Nakahithit ba 'yon? Lakas ng tama eh. Agad akong napatakip sa bibig ko dahil naalala ko ang sinabi niya.
Ang pangit ko pala umiyak? Nako sana nalang nag talukbong nalang ako ng kumot saka nag silent cry. Pero hindi ko naman kasalanan na nakita niya ako na umiiyak, siya kaya itong binubuksan ang pinto ko. Ano 'yan? Kaunting silip ng nararamdaman?
Tse! Mukha niya! May pa silip pa ang shunga. Kung ako kaya sumilip sakanya? Silipin ko yung abs niya? Para naman fair kami diba.
Saka bakit ba siya sumilip dito sa kuwarto ko? Ano ba ang sadya niya sa akin? Siguro namimiss niya itong maganda kong mukha kaya sumilip siya sa kuwarto ko? Sus alam ko na mga galawan ni Mr. Sir President. Plakada!
Tumayo ako saka naglakad palabas ng kuwarto ko. Nais kong magtungo sa ibaba dahil nais kong magpaalam kay Manang Lena na pupunta ako sa Orphanage na pinanggalingan ko. Pero bago pa iyan, kay Mr. Sir President muna ako una magpaalam. Nakalimutan ko kasi na sabihin sakanya kanina habang nasa harap ko siya.
Hindi ko alam kung saan siya pumunta kaya napag isipan ko nalang na puntahan siya sa office niya. May office kasi siya dito sa mansion, katabi lang ng kuwarto niya.
Naka-awang ng kaunti ang pinto kaya hindi na ako kumatok. Pinihit ko ng kaunti ang pinto at inilibot ang paningin sa loob. Laking gulat ko dahil sa nasaksihan kong eksena sa harap ko.
Si Mr. Sir President. Naka upo sa couch habang may nakapatong na mala model ang katawan sa kandungan nito at naghahalikan sila. Naghahalikan sila!
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirosHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
