5 Years later...
Pagkatapos kong ibigay ang order na kape sa customer ay marahan akong umupo at naghintay ng susunod na customer na papasok. Matagal na akong nagta-trabaho dito sa coffee shop ni Tita Pinky. Minsan ay crew, minsan naman ay cashier o taga gawa ng kape. Kahit naman ganito ka simple ang takbo ng buhay ko masaya naman ako kahit papaano.
Gabi na at malapit na rin magsara ang coffee shop. Ang ibang crew naman ay nauna ng umuwi kaya ako nalang ang naiwan dito.
Nakayuko ako habang binibilang ang lahat ng kita ng coffee shop ng biglang tumunog ang lucky catcher na nakasabit mismo sa pinto ng coffee shop na palatandaan na may pumasok na isang tao.
"Welcome to Pinky's coffee shop, may I know your order?" Ibinalik ko sa lalagyan ang pera saka kinuha ang maliit na notepad at ballpen sa gilid.
"Ikaw." Isang malalim at pamilyar na boses ang narinig ko sa taong nagsalita. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko dahil alam ko na kung sino ang nasa likod ng pamilyar na boses.
Nag angat ako ng tingin at bumungad sa'kin ang maamong mukha ng isang lalaki. Naka white long-sleeved polo ito habang naka tuck in sa black trouser na suot nito. Naka tupi ang manggas ng long-sleeved niya hanggang sa kanyang siko. May suot din siyang relo at sobrang linis ng pagkaka-ayos ng buhok.
Bahagya pa nga akong tumingala dahil may katangkaran itong lalaking nasa harapan ko. Nalanghap ko ang manly at mabangong amoy niya kaya medyo pinamulahan ako.
"Josiah!" Masigla kong tawag sakanya.
Ngumiti siya kaya lumitaw ang mala perlas niyang ngipin. Grabe naman 'tong lalaking ito. Bakit sobrang pogi?
"How's your day?" Kalmadong tanong nito saka hinagkan ang ulo ko para halikan ako sa noo. Nakasanayan na niya akong halikan sa noo sa tuwing bibisitahin niya ako dito sa coffee shop or minsan naman kapag nagkikita kami.
"Okay lang naman. Ikaw? Kamusta sayo?" Balik tanong ko.
Itinukod niya ang dalawang siko sa table ng counter sa harap ko. "Okay lang din." Nag iwas siya ng tingin at inilibot sa paligid ng coffee shop.
Napasimangot ako kasi parang kinalimutan niya yung gusto ko. Tumingin ulit ako sakanya at bahagyang tumagilid ang ulo para salubungin ang mga mata niya na lumilikot. Nang maramdaman niya ang titig ko ay tumingin ulit siya sa'kin at nalilitong ngumiti.
"What?" Aniya habang naka ngisi.
Hindi ako sumagot at patuloy lang siyang tinignan habang nakataas ang dalawang kilay ko. Mas lalo siyang ngumiti at nalilitong nagsalita.
"Oh bakit ganyan mukha mo?"
Umiling ako at nag iwas ng tingin. "Wala." Akmang tatalikod na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at iniharap ako.
"Ano ba 'yan. Ang bilis mo naman magtampo." Aniya habang nagpipigil ng tawa. May inilapag siya na plastic bag sa harap ko. "Ayan na oh. Akala mo nakalimutan ko 'no?" Nanunuksong sinundot niya ang tagiliran ko.
Umirap ako habang nagpipigil ngiti.
"Sus, pakipot pa talaga oh. Kunin mo na kasi." Aniya saka tumawa.
Ang nanunulis na nguso ko ay nauwi sa ngiti. Kinuha ko ang plastic bag saka binuksan. Kumuha ako ng isang choco lanay saka kumagat. Nang tignan ko si Josiah ay nakatingin lang siya sa'kin na may ngiti sa mga labi habang kumakain ako. Umirap ako sakanya saka kumagat ulit.
Sa tuwing bumibisita kasi siya dito hinding hindi talaga mawawala ang choco lanay na pasalubong niya. Alam niya kasi na iyon ang paborito ko kaya palagi niya akong dinadalhan.
Sa loob ng limang taon ay hindi pa kami ikinakasal ni Josiah. Sabi niya kasi sa'kin saka na daw pag nasa tamang panahon na. Okay lang din naman sa'kin kasi mas gusto ko na ayon ang panahon sa aming dalawa. Kina Tita pinky ako nakikitira sa loob ng limang taon. Si Josiah naman ay may sariling condo at doon ako minsan tumutuloy.
Engineer si Josiah kaya medyo busy siya minsan. Pero hindi naman iyon hadlang samin dahil ako muna ang inuuna niya bago ang kanyang mga gawain. Minsan nga kapag gabi ay nag v-video call kami hanggang sa makatulog ako habang siya ay kaharap ang kanyang laptop. Nagigising nalang ako na may message na sakanya na "Good morning". Walang palya, mula umaga hanggang gabi nakaka received ako ng mga messanges galing sakanya. Nire-remind din niya ako na kumain sa tamang oras dahil kung hindi, hindi din daw siya kakain para parehas kami.
Parang shunga lang.
Nag stay muna kami ng ilang minuto sa coffee shop bago namin naisipang umuwi. Inihatid niya ako pauwi at doon na din siya nag dinner sa amin. Pagkatapos mag dinner ay nag bonding muna kaming dalawa bago siya nag paalam na uuwi na sa condo niya dahil may gagawin pa daw siya.
Nakalingkis ang dalawang kamay niya sa beywang ko habang mahigpit akong niyakap. Inilagay niya ang kanyang ulo sa balikat ko at humugot ng malalim na buntong hininga. Hinaplos ko ang likod niya.
"Pagod ka?" Naramdaman ko na tumango siya sa balikat ko kaya napangiti ako.
Ang cute naman mapagod ng isang Josiah. Ilang minuto kaming ganon ang posisyon. Walang nagsalita o umiik sa amin dalawa. Ganito siya minsan sa'kin kapag pagod na pagod siya sa kanyang araw. Sabi niya kasi sa'kin, ako daw ang pahinga niya. Ano ba 'yan, nakakakilig naman.
"Namiss kita, May." Bulong niya sa balikat ko.
Napangiti ako at pinamulahan. "Ako din. Miss din kita..." Nakangiti kong sabi.
Umangat ang kanyang ulo at hinalikan ako sa sintido. "Huwag na huwag mo akong iwan..." Bulong niya.
Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Iiwan? Bakit ko naman siya iiwanan? Shunga ba siya?
"Ha? Bakit naman kita iiwan? Saan naman ako pupunta?" Nalilitong saad ko.
"Darating ang panahon." Muling bulong niya.
Napangiwi ako at medyo na inis sa kanyang sinabi. Bakit ba nasabi niya iyan?
"Ano bang sinasabi mo? Bakit naman kita iiwan, ha?" Humiwalay ako sakanya ng yakap.
"Wala yun. Pinagtitripan lang kita." Aniya saka tumawa.
Inis na sinampal ko siya sa matigas niyang dibdib. "Siraulo ka! Akala ko kung ano na." Umirap ako.
Tinawanan lang naman niya ako kaya pinagkukurot ko siya sa bicep niya. Kunware ko lang iyon dahil gusto ko talaga kurutin ang bicep niya. Namayani ang manly niyang tawa sa loob ng kwarto ko habang sinasalo ang mga kurot ko sa bicep niya.
"Tama na. Uuwi na ako oh" Sabi niya sa gitna ng tawa.
Nagkulitan muna kami ni Josiah bago siya umuwi. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko dahil sakanya. Siguro nga habang tulog ako nakangiti parin siguro ako. Wala eh, lakas magpa kilig ng shungang 'yon. Napakaswerte ko kay Josiah, na kahit kasi wala akong maalala, nandyan naman siya.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirosHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
