Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko at agad akong napatigil sa paglalakad saka napaatras dahil sa sinabi niya. "Ano?!" Gulat kong sabi.
"Stupid. Kaya madali kang masaktan, ang dali mo kasing maniwala." Aniya saka nilagpasan ako.
Napahawak ako sa dibdib at nakahinga ng maluwag. Nang mahimasmasan ay sumunod ako sakanya dahil baka may kung sino mang sumulpot diyan sa tabi at hatakin nalang ako bigla. Habang inililibot ko ang paningin sa paligid, hindi sinasadyang na bangga ako sa isang matigas na bagay.
"jusko maryosep!" Gulat na sabi ko habang nakahawak sa panga na tumama sa kung anong matigas na bagay sa harap ko.
Parang na dislocate ang panga ko dahil sa lakas ng impak. Ano ba 'tong depungal na matigas na nasa harap ko? At dahil sa sakit na natamo sa panga ko, ginantihan ko ito ng pang malakasang suntok ko. Pero parang mas matigas pa sa semento dahil imbis na yung matigas na bagay ang masaktan, ay yung kamay ko ang nasaktan dahil sa pagsuntok. Parang hindi man lang napurohan o natinag man lang. Madilim sa paligid kaya hindi ako makakita ng maayos.
"What the fuck are you doing?"
Napapitlag ako dahil sa boses ni Mr. Sir President na nagmumula sa gilid ko. Agad akong napatingin sakanya dahil sa gulat. Nakatingin ito sa akin habang naka krus ang mga kamay sa dibdib at nakataas ang isang kilay habang naka tingin sa'kin. Napakamot ako sa ulo saka ibinalik ang tingin sa harap. Magaspang at parang mas matigas pa sa balat ng buwaya nung hawakan ko ito. May kung ano anong pumasok sa isip ko na klaseng hayop kaya agad akong nanakbo habang sumisigaw papalapit kay Mr. Sir President.
"Putragis! Ano ba 'yong sinuntok?!" Natatarantang tanong ko sakanya pagkalapit ko.
Poker face lang ito at nakatingin sa akin na parang isa akong walang kwentang bagay na pinag aaksayahan niya lang ng oras. Binalikan ko ng tingin yung pwesto ko kanina. Napangiwi ako nung medyo malinaw sa pwesto namin na isang malaking puno lang pala yung sinuntok ko at malapit na sa likod ng rest house banda. Teka, paano ako napunta doon? Nakasunod lang naman ako kay Mr. Sir President kanina ah?
Nagkibit balikat nalang ako at saka binalingan si Mr. Sir President para magtanong kung anong ginagawa namin dito, ngunit sa pag lingon ko ay nakalayo na pala ito habang naglalakad. Agad naman akong sumunod dahil baka maulit na naman 'yong nangyari.
May kinuha siyang susi sa bulsa niya saka binuksan ang pinto at pumasok. Tahimik akong sumunod sakanya kasi wala akong ideya kung anong gagawin namin dito. Namangha ako sa ganda at simple ng paligid pagka pasok namin sa loob ng rest house. May alam pala na ganitong lugar si Mr. Sir President?
Nakita kong agad siyang sumalampak sa sofa at humugot ng buntong hininga. Dahan dahan akong lumapit sakanya at tumabi ng upo.
"Okay ka lang ba Mr. Sir President?" Marahan kong tanong dito.
Hindi siya umimik habang ang mga mata ay nakapikit. Lihim kong pinagmasdan si Mr. Sir President. Ang amo ng mukha niya, parang hindi siya yung nagsusungit at palaging nakakunot ang noo. Ngayon ay para siya baby, baby damulag dahil kung anong ikina-baby face niya, siya namang ikinamatcho ng katawan niya.
Mahina ko siyang tinapik sa balikat. "Hoy..." Tawag ko dito.
"What?" Aniya habang nakapikit ang mga mata.
"Pwede ko bang i-kiss ang pisngi mo?"
Agad siyang napadilat at napaayos ng upo. "Ano sabi mo?!" Gulat na tanong nito sa'kin kaya napalunok ako.
"Wala yun."
"Narinig ko yun. You wanted to kiss my cheek!" Nakataas ang isang kilay na sabi nito.
Umiling ako. "Bingi ampota! Sabi ko kiss mo ako sa pisngi!"
"What?" Nagugulohan niyang sabi. "Diba ikaw yung gusto humalik sa pisngi ko?"
Umiling iling ako at seryoso siyang tinignan. "Mali ka. Ikaw yung magki-kiss sa pisngi ko."
"And why would I kiss your cheek?" Masungit niyang tanong.
Umiwas ako ng tingin at saka nag isip ng idadahilan. Bakit nga ba? Hayst naman oh. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at saka humugot ng hininga bago nagsalita.
"Kasi cute ako?" Ngumiti ako sakanya na nauwi sa ngiwi. Kita ko na umasim ang mukha niya sa sagot ko.
"You're not cute." Komento niya.
Tumaas ang isang kilay ko at nameywang ako. "Anong hindi? Eh sa sobrang cute ko pwede na akong maging baby mo." Kinindatan ko siya. "Yieeeee kinilig ampota!"
Napabuntong hininga nalang siya at parang wala ng magawa na sumandal sa sofa. Ako naman ay halos sumakit na ang tiyan kakatawa dahil sa reaction niya. Naninibago ako dahil sa haba ng panahon na lumipas, ngayon lang ulit ako naka tawa ng ganito. Yung hindi pilit at malakas na tawa. it's so genuine.
Paulit ulit na nagre-replay sa utak ko yung reaction niya kaya hindi ako makatigil sa kakatawa. Para kasi siyang nakakita ng butiki na nakangiti sakanya. Napahawak ako sa tiyan dahil sumakit kakatawa ko. Nung balingan ko siya ay nakatukod ang isang kamay niya sa armrest ng sofa habang ang mga daliri ay pinaglalaruan ang kanyang kilay at ang mga mata naman niya ay nakatutok sa akin.
Tumigil ako sa pagtawa. "Kung na fa-fall ka na sa'kin dapat itigil mo 'yan, dahil hinding hindi kita sasaluhin."
Kumunot ang noo niya. "The heck? Never!" Umirap siya sa'kin.
"Depungal! Ang laki laki ng katawan mo! Sa tingin mo ba masasalo ka ng ganitong katawan?!"
"Tsk." Umiling lang siya habang naka ismid. "Stupid." Bulong nito na hindi nakatakas sa pandinig ko.
"Hoy narinig ko 'yon!" Inis na sabi ko. Hindi siya umimik kaya mas lalong kumulo ang dugo ko. "Depungal talaga oh, sarap pangahin." Bulong ko.
"Watch your words, Stupid little human."
Inirapan ko siya at hindi nalang pinansin. Namayani ang katahimikan sa paligid. Lumipas ang ilang minuto ay binalingan ko siya ng tingin. Kanina pa kasi ito nagpapakawala ng buntong hininga. Nakaharap ang mukha nito sa kesame habang nakapikit ang mga mata. Pagod ba siya?
"Mr. Sir President?" Walang umimik kaya tinawag ko ulit siya pero hindi pa rin siya sumagot.
"Nakatulog siguro..." Bulong ko saka inilibot ang paningin sa paligid para aliwin ang sarili.
Habang tinitignan ang mga bagay sa paligid agad na lumundag ang puso ko sa gulat dahil may kung anong bagay akong naramdaman sa hita ko kaya agad akong napabaling dito. Nanlaki ang mga mata ko dahil wala lang namang iba ang kundi ang ulo ni Mr. Sir President ang nasa hita ko. Nakaharap ang mukha nito sa harapan habang nakapikit ang mga mata.
"M-Mr. Sir President?" Gulat at nagtatakang tanong ko dito.
"I hate you."
"Eh?" Nakatangang tinignan ko siya na nakahiga sa hita ko.
"Don't worry. I still hate you. "

YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampireHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...