"May, kanina pa kita napapansin. Palagi kang tulala simula nang masundo kita." Panimula ni Josiah.
Nandito kami sa sala habang nanonood ng tv. Naging blanko ang isip ko sa nakalipas na oras. Bumaling ako kay Josiah na nagtatakang nakatingin sa'kin habang hinihintay ang sagot ko.
Tumikhim ako saka nag-iwas ng tingin. "Uh... pagod lang ako." Dahilan ko. Wala muna akong balak na sabihin sakanya ang nangyari kanina. Kailangan ko munang mag-isip kasi gulong gulo na ako sa mga nangyayari.
Kinuha ni Josiah ang kamay ko saka hinawakan ako sa noo. "Hindi ka naman mainit. Mabuti wala kang sakit. Siguro aalis na ako kasi kailangan mong magpahinga." Hinalikan niya ako sa noo.
Pinilit kong ngumiti bilang sagot. Inihatid ko siya hanggang gate. Nang makaalis na siya ay napatulala nalang ako sa kotseng papalayo. Lumulutang ang aking isipan sa kung saan saang lupalop. Habang nakatulala sa kawalan biglang may kotseng huminto sa harap ko.
Laking gulat ko ng biglang lumabas doon ang lalaking nakausap ko kanina sa coffee shop. Madalim ang mukha nito at naka igting ang kanyang panga. Dahan dahan itong lumapit sa akin hanggang sa ang gate nalang ang pagitan namin.
Nakatitig lang kami sa isa't isa habang pinapakinggan ang bawat buga ng hininga namin. Bigla na naman tumibok ng mabilis ang puso ko na parang gustong lumabas at yakapin sa leeg ang lalaking nasa harap ko.
Ilang minuto ang nakalipas at bigla itong nagsalita. "Lock the gate properly." Pagkatapos ay tumalikod na ito at dumiretso sa kanyang kotse at pinaharurot ito palayo.
Tigalgal ako dahil sa mga nangyari. Ano 'yon? Pumunta lang siya dito para paalalahan ako na i-lock ng maayos ang gate? Grabe, dinaig niya pa reminders sa calendar ng phone ko.
Sunday ngayon at naisipan namin ni Josiah na mag simba. Pagkatapos namin mag simba ay kumain kami sa isang restaurant. Habang kumakain kami ni Josiah hindi sinasadyang masagi ng kamay ko ang tubig kaya nabasa ng bahagya sa may tiyan banda ang kanyang long-sleeve.
"Hindi ko sinasadya. Sorry talaga..." Nag-aalalang sabi ko habang pinupunasan ng tissue ang long-sleeve niya.
"It's okay. Basa lang 'to. You don't have to be worried." Kalmadong sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
Nag angat ako ng tingin at ngumiti siya sa'kin na parang sinasabi na 'okay lang'. Napatulala ako sakanya kasi ang gwapo niya! Nagpaalam siya sa'kin na pupunta muna ng restroom kaya tumango nalang ako. Literal na nakakabighani si Josiah. Matangkad at moreno, medyo may kasingkitan ang mata at may nakakalukong ngiti.
Makalipas ang ilang minuto ay natanaw ko na si Josiah na naglalakad pabalik sa pwesto ko. Napakunot ang noo ko dahil nakita ko na may karga siya na isang batang lalaki. Umiiyak ito habang nakasiksik sa leeg niya.
Tumayo ako nang nasa harap ko na sila. "Anong nangyari? Bakit may dala kang bata?" Gulat at nalilito kong tanong habang hinihimas ang buhok ng bata para tumahan.
"Nakita ko lang sa pinto ng restroom habang umiiyak. Kinarga ko nalang kasi baka naligaw." Aniya.
Naawang sinipat ko ang mukha ng bata. Puno ng luha ang mata nito kaya kumuha ako ng tissue at pinunasan ang kanyang mukha.
"Shhhh... tahan kana." Pag-aalo ko sa bata. "Naasan ba si Mommy or Daddy mo?" Mahinahon na tanong ko sakanya.
Tumigil ito sa pag-iyak at sinisinok na umiling. Nakita ko ng kabuohan ang kanyang mukha kaya napasinghap ako dahil parang pamilyar itong batang ito. Parang nakita ko na siya sa kung saan pero hindi ko maalala.
Napabaling ako kay Josiah na nakatitig lang sa bata. Magsasalita na sana ako kaso may biglang matinis na sigaw ng babae ang papalapit sa amin.
"Zack! Oh my god!" Naiiyak na lumapit sa amin ang babae at agad na kinuha mula sa kamay ni Josiah ang batang lalaki.
"Oh my... baby! I'm so worried about you!" Hinalikan nito ang pisngi saka niyakap ng mahigpit.
Nanlaki naman ang mata ko dahil kilala ko ang babaeng ito. Siya yung babaeng pumasok sa cr habang sinasamahan ko si Shaun! Kaya pala pamilyar itong batang lalaki na karga niya.
Mukhang naramdaman ng babae ang presensya namin kaya bumaling ito ng tingin sa aming direksyon. Bumadha ang gulat sa mukha nito ng makita ako at si Josiah sa tabi ko.
"Flory Jaine?" Biglang sambit nito saka bumaling kay Josiah na nasa tabi ko na mukhang nanigas sa kanyang kinatatayuan.
"Josiah..." Mahinang sambit ng babae habang nakatitig kay Josiah.
Bakit parang may kakaiba sa pagbigkas niya ng pangalan ni Josiah at sa klase ng kanyang mga tingin? Bumaling ako kay Josiah at katulad ng babae, ganon rin ang kanyang reaction. Para silang nakakita ng multo at nanigas sa kanilang mga kinatatayuan.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Biglang umiwas ng tingin ang babae at ibinaling ito sa batang lalaki na karga niya na ngayon ay nakatingin kay Josiah.
"Venus?" Hindi makapaniwalang sabi ni Josiah.
Teka, magkakilala silang dalawa?
"Sorry, but we need to go." Nagmamadaling paalam nito sa amin.
"Sandali!" Pigil ni Josiah sa babae na nagngangalang Venus.
"Is that your son?" Seryosong tanong niya habang nakatitig sa bata.
Hindi agad nakasagot si Venus sa tanong ni Josiah. Tumikhim ito at nag iwas ng tingin saka tumango. Nakita kong umigting ang panga ni Josiah sa hindi ko alam na dahilan.
"I'm sorry. But we really need to go. Thanks for taking care of my son." Ngumiti ito ng pilit saka nagmamadaling umalis.
Nagtatakang bumaling ako kay Josiah. "Magkakilala kayong dalawa?"
Humugot siya ng malalim na buntong hininga. "Just a friend of mine." Balisang sagot niya at saka umupo. Nang mapansin nito na hindi ako sumunod ng upo sakanya ay hinawakan nito ang kamay ko at ngumiti siya sa'kin.
"Maya..." Tawag nito sa pangalan ko.
Bumuntong hininga ako saka umupo din. Maraming tanong sa isip ko at alam ko na hindi ito masasagot ni Josiah. Hindi naman sa nagseselos ako o ano. Sadyang may kung anong pumipiga sa puso ko na hindi ko maintindihan.
"Hey... let's forget about that okay?" Sinipat ni Josiah ang mukha ko ngunit nanatili parin akong nakayuko.
"Maya..." Malambing na tawag nito sa'kin. Nag angat ako ng tingin dahilan ng pagkasundot ng daliri niya sa pisngi ko.
"Got ya!" Aniya saka tumawa.
Umirap ako habang nagpipigil ng ngiti. Alam niya na kapag ginagawa niya iyon ay matatawa ako kaya ginawa niya ito ngayon para tumawa ako.
"Yieee. Tatawa na 'yan siya." Asar niya saka sinundot ulit ang pisngi ko at hindi inalis kaya tuluyan na akong napangiti.
Nang makita niyang napangiti ako ay tumawa ulit siya kaya sinampal ko siya sa braso.
Tumigil siya sa pagtawa ngunit nagpipigil parin dahil umaalog ang balikat niya habang nakahawak sa braso na nasampal ko.
"Hindi ka titigil?" Banta ko habang pinanlakihan siya ng mata.
"Hindi na ako tumatawa!" nakangiting sabi nito.
"Nakangiti ka naman!" Naiiritang asik ko.
"Wala na nga." Nakangising sabi nito.
Humugot nalang ako ng buntong hininga para pakalmahin ang sarili ko.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirgeschichtenHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...
