Chapter 44

644 9 0
                                        

Halo halong emosyon ang naramdaman ko habang naglalakad ako patungo sa kwarto ni Cane. Itatanong ko sakanya ang tungkol doon sa statue sa labas. Tulog ang bata kaya wala muna akong p-problemahin.

Bahagyang naka awang ang pinto ng kwarto ni Cane ng makarating ako sa harap nito. Dahan dahan akong lumapit at pinihit ito saka pumasok sa loob. Napasinghap ako dahil bumungad sa akin ang kanyang makisig na likod. Tanging towel lang ang suot niya sa ibaba at mukhang kakalabas lang mula sa cr.

Nakatalikod siya sa'kin kaya kitang kita ko ang kanyang back muscle na may tatto ng isang ahas. Bakit biglang uminit dito sa loob? Napalunok ako, mukhang mapapaaga ang hapunan ko dahil may nakahain na. Lihim kong kinurot ang palad ko dahil sa mga naisip.

Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon. Hindi naman ako nabigo dahil humarap siya sa'kin na walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha. Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka nagsalita.

"Bakit may statue ako sa labas? Friends lang naman tayo ah?" Tanong ko sakanya.

Nakatitig lang siya sa'kin na parang wala lang sakanya na nakita ko iyon. "Hoy sabihin mo nga sa'kin. Gusto mo na ba ako?" Matapang na sabi ko.

Narinig ko siyang nag 'Tsk' at bigla nalang siyang napunta sa harap ko at sa sobrang bilis niya ay hindi namalayan na corner na niya pala ako. Pader na ang nasa likod ko habang ang dalawang kamay ko ay nasa magkabilang gilid na hawak na niya pala.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng lumapit ang mukha niya sa gilid ng mukha ko at bumulong.

"Stop pretending already."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Pilit kong kinakalas ang pagkakahawak niya sa magkabilang pulso ko.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko.

"Shhh..." Inilagay niya ang kanyang isang daliri sa bibig ko.

"Isa! Kapag hindi mo ako binitiw--" Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil sinunggaban niya ako ng halik.

Napasandal ako sa pader na parang nanghihina. Naramdaman kong kinagat niya ang pang ibabang labi ko kaya napa daing ako. Inipon ko lahat ng pwersa na meron ako at tinulak siya. Hindi naman siya napaatras man lang sa tulak ko pero bahagya siya napahiwalay sa'kin ng kaunti.

Nagkatitigan kami at nakita kong namumula ang kanyang mata. Nakalabas din ang kanyang pangil kaya napatitig ako doon. May iilang dugo sa kanyang labi at nang makita niya na nakatitig ako doon ay agad niya itong dinilaan. Napalunok ako sa kanyang ginawa.

Nataranta ako dahil papalapit na naman ang kanyang mukha sa akin. Napapikit nalang ako dahil sa kaba. Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa labi ko. Dumilat ako at nagulat ng bigla niyang dilaan ang pang ibabang labi ko kung saan yung kagat niya kanina na dumudugo na ngayon.

Malalaki ang matang napatitig ako sakanya. "Bakit mo ginawa yun?!" Gulat kong sabi sabay pagpupumiglas.

Nag smirk lang siya na mas lalong ikinainis ko. Ibinigay ko lahat ng lakas ko para makawala sa kanyang mga kamay at nagtagumpay naman ako. Agad na dumapo ang palad ko sa kanyang pisngi. Bahagyang napatagilid ang kanyang ulo dahil sa pagkakasampal ko.

Nagulat ako sa ginawa ko. Napahawak nalang ako sa bibig ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakita kong umigting ang kanyang panga at dahan dahan siyang lumingon sa'kin.

Nakakunot ang kanyang noo ngunit hindi ko masasabing galit siya dahil basta nalang nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa'kin. Bigla niyang hinawakan ang isang pulso ko at binalibag ako sa kama.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayan na nakadagan na pala siya sa'kin. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa posisyon namin. Napaangat ang tingin ko sakanya at nakita kong nag-aalan ang kanyang mga mata habang nakatitig sa'kin.

"A-Anong gagawin mo sa'kin?" Kunwari matapang kong sabi pero sa loob ay nanghihina na ako.

"You think you can fool me, huh?" Lumapit ang mukha niya sa'kin. "Alam kong bumalik na ang ala-ala mo." Tumayo ang balahibo ko sa batok nang bumulong siya sa tainga ko.

Natigilan ako bigla dahil alam na niya pala pero bakit nagpanggap pa siya?  Umirap ako ng palihim.

"Bakit may statue ako sa baba? Ano yun? Para saan yun?" Agad na tanong ko.

"Nakita mo na pala? Tsk." Napailing siya habang may ngiti sa labi dahilan para mas lalo akong manghina dahil sa kagwapohan niya.

"Ano nga? Bakit may ganon?" Inis na sabi ko.

"Simple, because I miss you." Aniya sabay titig sa'kin ng malalim.

"Miss mo mukha mo! Mamamatay tao ka! Pinatay mo magulang ko." Galit na sabi ko.

Bigla ay nawala lahat ng kaba na nararamdaman ko at napalitan ito ng galit at puot. Wala siya naging sagot sa sinabi ko at nag iwas lang ng tingin.

"Wala kang hiya... hindi ka na naawa. Mga magulang ko yun eh..." Suminghot ako.

"I didn't kill them." Malamig na sabi niya.

Napatingin ako sakanya habang nasa ibang direksyo ang kanyang tingin. Nalilitong nakatitig lang ako sakanya kung maniniwala ba ako o hindi.

"Wala ng oras para mailigtas ko pa ang mga magulang mo. They told me to prioritize you first kasi sasabog na ang kotse. I don't have a choice but to do what they want."

Napatitig ako sakanya. Nagdadalawang isip kung maniniwala ba o hindi. Bumaling siya sa'kin kaya nagtama ang mata namin. Seryoso ang kanyang mukha habang mariin na nakatitig sa akin.

"Paano ako maniniwala sayo?" Nagdududang sabi ko.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "How about this." Hinawakan niya ang chin ako at agad akong sinunggaban ng halik.

Hindi ako gumalaw o nagpumiglas man lang. Hanggang sa tumagal ay hinalikan ko na rin siya pabalik.

--

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Yung katawan ko naman ay parang sinuntok ng ilang beses. Idinilat ko ang mga mata ko at umupo. Nasaan ba ako? Bakit parang hindi ko to kwarto? Inalis ko ang comforter na nakadagan sa'kin at may nasagi ako na kung anong matigas na bagay.

Napatingin ako sa tabi ko at nanlaki ang mga mata ko sa kung sino ang nasa tabi ko. Wala itong suot sa pang itaas at natatabunan naman ang pang ibaba niya ng comforter hanggang beywang. Nakadapa siya kaya kita ko ang malawak at madaming tattoo niyang likod at biceps. Nasa kabilang parte banda ang kanyang mukha.

Anong nangyari?! Bakit katabi ko to natulog? Sinubukan kong tumayo ngunit agad din akong napa upo sa kama at napadaing dahil ang sakit ng nasa ibabang parte ng katawan ko. Napatakip ako sa bibig ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. Napabaling ako tingin ko kay Cane na tulog parin.

Ibig sabihin ba, may nangyari samin?! Napatingin ako sa shirt na suot ko. Malaki ito kaya umabot hanggang tuhod ko. Bukod sa shirt na suot ko wala na akong suot na kahit ano. Napasampal ako sa noo dahil sa nangyari. Hindi to pwede, may pamilya na siya tapos may nangyari samin.

Kahit masakit ay tumayo ako at naglakad palabas. Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na naligo. Pagkatapos ko maligo ay lumabas ako ng kwarto ko para bumaba. Napatingin ako sa wall clock na nadaanan ko at hindi ako makapaniwala na madaling araw pa pala. Mukha na kasing maaga kung tignan doon sa kwarto ni Cane.

Napailing nalang ako dahil bumalik na naman sa ala-ala ko ang nangyari. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa paligid. Pagbaba ko ay dumiretso ako sa kusina. May narinig akong kaluskos banda doon kaya napakunot ang noo ko. Habang palapit ako ng palapit ay mas lalong lumalakas ang kaluskos. Patay ang ilaw sa kusina kaya hindi ko makita kung ano ang nangyayari doon.

Nang nasa bandang pinto na ako ay may naramdaman akong presensya sa likod ko. Lilingon na sana ako ngunit may isang bagay na tumakip sa bibig ko dahilan para unti-unti akong mahilo. Bago pa ako mawalan ng malay ay may narinig akong boses na nagsalita.

"Boss, nakuha ko na sila."

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now