Medyo maulan parin pero mahina na ito. Kahit medyo malabo ang paligid at ang daan, ay alam ko na itong daan na tinatahak namin papunta itong Orphanage. Naguguluhan akong napabaling ng tingin kay Mr. Sir President.
Seryoso lang ito habang nagmamaneho. Itatanong ko sana kung saan ba kami pupunta pero hindi ko nalang tinuloy dahil baka mabigwasan lang ako ng wala sa oras. Mukha pa naman siyang mananapak ng tao kapag may kumausap o kumalabit lang sakanya.
Tumahimik nalang ako at tumingin ulit sa bintana. Makalipas ang ilang oras ay naramdaman ko na tumigil na ang pag andar ng kotse kaya binuksan ko ang aking mga mata. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Ang unang bumungad sa akin ang dalawang palapag na bahay na medyo malaki at ang malawak na bakuran nito. Sa kabilang dako naman ay may mini playground at maraming bulaklak.
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig ko. Nasa harap ako ng Orphanage! Sa nakalipas na ilang taon ay masasabi ko na may ilang nag bago rito. Mas lalong naging makulay at masigla ang paligid. Nananagilid ang mga luha ko dahil sa nakita kong mga batang naglalaro sa mawalak na bakuran at pati narin sa mini playground. Hindi na umuulan kaya laking pasalamat ko.
Nakuha lang ang atensyon ko ng may tumikhim sa gilid ko. Ang gwapong mukha ni Mr. Sir President ang bumungad sa akin. Nakatingin ito sa akin at hindi ko alam kung bakit.
Tumikhim ako. "B-Bakit tayo nandito?" Naguguluhan kong tanong.
"I don't know." Kibit balikat niya.
Napangiwi ako. Minsan ang sarap din i-untog ng ulo niya sa pader eh.
"Ano? Eh Mr. Sir President..." Uungot kong sabi.
"What?" Pa-inosenteng tanong nito.
"Eh bakit nga tayo nandito? Bakit alam mo ang lugar nato?" Nakatingin lang ako sakanya, sabik na sabik na malaman ang kanyang sagot.
"Ang dami mong tanong." Aniya saka lumabas ng kotse.
Dali-dali kong tinanggal ang seatbelt at saka sumunod na lumabas. Nauna na siyang naglakad papasok ng Orphanage kaya nagmamadaling hinabol ko siya. Agad na napatingin ang mga bata pagkapasok namin sa gate. Tumango at ngumiti ang guard kay Mr. Sir President.
Tumaas ang isang kilay ko at tumingin sakanya sa tabi ko. Bakit sila magkakilala ng guard?
Nakita ko na sumigla ang mukha ng mga bata saka nagsitakbuhan papalapit sa amin. Agad akong nataranta dahil hindi ko alam bakit sila nagsitakbuhan papunta sa amin. Nang makalapit na sila sa amin ay agad silang nagsiyakapan kay Mr. Sir President.
Napatakip ako sa bibig at napangiwi. Nako! Jusko mga bata! Baka mabigwasan kayo niyan! Pero parang hindi naman nananakit ng mga bata si Mr. Sir President siguro?
Lahat sila ay dinumog si Mr. Sir President sa tabi ko. Nasa mga higit eighteen ang mga bata sa harap ko. Halos ang mga edad ay nasa five to eleven years old sa tantya ko.
Dahil sa tangkad ni Mr. Sir President ay sa hita lang ang mga ito nakayakap. Ang iba ang medyo umabot sa beywang ni Mr. Sir President. Nang tignan ko ang mukha niya ay naka poker face lang ito. Ngunit laking gulat ko ang bigla itong ngumiti sa mga bata.
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko dahil sa nasaksihan. Totoo ba 'to? Ang damuho ay ngumiti?!
"How are you kids?" Mahinahon na tanong nito sa mga bata.
"Owkay lang, Idol!" Sagot ng isang bata na may mala asong ngiti. Pagkatapos ay pinunasan ng damit niya ang kanyang ilong ng tumulo ang sipon nito.
"Idol, why is you here?" Sabat naman ng isang bata na proud sa kanyang english.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Mr. Sir President na mas lalong nagpagulat sa akin. Kulang nalang ay atakihin ako sa puso dahil sakanya. Saka napansin ko lang, bakit 'Idol' ang tawag nila sakanya dito?
"Binibisita kayo." Nakangiting sagot nito.
"Idol, Sino po siya?" Turo sa akin ng isang bata.
"Dyowa niyo po 'dol?"
"Ayieeeeee!"
Nagsi ingay ang mga bata at pinagtutulakan kaming dalawa. Nako, sana nga totoo 'yang mga sinasabi niyo kids!
"Kiss na 'yan!"
"I-kiss mo na Idol!"
"Mwah!"
At dahil sa kakatulak ng mga bata sa amin para magkalapit ay medyo na out of balance ako at hindi sinasadyang napakapit ako sa biceps ni Mr. Sir President. Grabe, ang tigas pala nito, lihim ko itong pinisil at saka humagikik. Nang mag angat ako ng tingin ay naka yuko si Mr. Sir President habang nakatingin sa akin.
Naka taas ang isang kilay at parang alam niya na pinisil ko ng bahagya ang biceps niya. Agad akong umabante at tumikhim.
"Hindi ko sinasadya yun ah? Aksidente yun, huwag kang assuming." Nag iwas ako ng tingin.
"Hala, bakit ang pula po ng pisngi niyo?" Sabat ng bata habang nakatitig sa mukha ko.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa kahihiyan. Hindi pwede makita 'to ni Mr. Sir President. Baka akala niya kinikilig ako sakanya kahit totoo naman. Pero dahil ako 'to, dapat lowkey lang tayo.
"blush on 'yan, Mikoy." Sabi naman ng isang batang babae sa gilid. Nasa mga six years old na ito.
"Ano yung blush on? Laruan ba 'yan?"
Napailing nalang ako dahil sa kulit ng mga bata dito sa Orphanage. Kasing kulit nito ng mga kasama ko noon. Nasaan na kaya sila ngayon? May kanya kanya na siguro silang pamilya.
"Let's go inside?" Tanong ni Mr. Sir President sa mga bata. Agad naman sumangayon ito at sumunod sakanya papasok sa loob.
Naiwan akong nakatunganga sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam bakit alam ni Mr. Sir President ang lugar nato at kung bakit parang kilalang kilala na siya ng mga tao dito na parang matagal ng pumupunta dito.
Inilibot ko ang paningin sa paligid at tumigil ito sa isang batang babae na naka upo sa swing habang nakayuko. Kumunot ang noo ko at nilapitan ito. Mukhang four years old palang ito.
"Hi, anong ginagawa mo dito? Bakit mag-isa ka lang?" Tanong ko dito.
Nag angat ito ng tingin ngunit hindi sumagot. Nakatitig lang ito sa akin kaya nag taka ako. Kita kasi ang lungkot sa mukha niya.
"Bakit malungkot ka? May umaway ba sayo? Inaway ka ba nila?" Ang squat ako para mag pantay kami.
Hindi siya sumagot at tanging iling lang ang kanyang ginawa. Mukha rin siyang mahiyain dahil hindi masayadong pala salita.
"Halika, tara sa loob." Yaya ko sakanya at inilahad ang kamay ko sa harap niya.
Tinignan niya ito at parang nag aalangan. Pero hindi kalaunan ay tinanggap niya ito kaya hinila ko siya. Nakangiti ako habang hinihila siya patungo sa loob.
Pagpasok namin ay nakita ko sa living room ang mga bata saka si Mr. Sir President. Nagkukwentuhan ito. Napunta ang tingin ko sa matandang babae na nakasuot ng pang madre. Nanlaki ang mga ko nang makilala ko ito. Simula nang mapunta ako dito ay siya na ang nag alaga sa akin. At saka ang bait rin niyang tao! Siya si Sister Ann. Biyuda na ito at walang sariling anak pero may inampon itong bata na naging kalaro ko noon.
Sunod na napunta ang tingin ko sa lalaking katabi nito. Magkasing edad lang kami at kilalang kilala ko kung sino ito. May malaking ngiti ito sa kanyang mukha dahilan para sumingkit ang kanyang mata. Matangkad ito at saka moreno, singkit ang mga mata at may charming na ngiti. Napangiti ako dahil kilala ko ito.
Si Lukas...

YOU ARE READING
The Devil's Maid
مصاص دماءHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...