Magkakalahating oras na at nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi parin kasi mag sink in sa utak ko na naka higa mismo sa hita ko si Mr. Sir President. Tulog na tulog ito at sobrang amo ng mukha. Sabi niya kanina galit pa naman daw siya sa'kin. Pero bakit siya naka higa ngayon sa hita ko?
Tinignan ko ulit siya. Ang cute niya naman. Kitang kita ko ang ilong niyang matangos at ang mahahabang pilik mata. Saka yung labi niya na mapula ay naka awang ng kaunti. Ang cute naman, pwede na maging baby ko. Napahagikhik ako. Pinaglalaruan ko ang kanyang malambot na buhok. Ano kaya shampoo niya?
Umaayos siya ng pagkakahiga na mukhang nagustuhan ang paglalaro ko sa buhok niya. Para siyang isang WWE player na nakahiga sa hita ko. Tinignan ko ang maamo niyang mukha. Kung sakalin ko kaya 'to? Tutal tulog naman, hindi makakalaban.
Napangiwi ako. Huwag nalang siguro? Dahil baka kapag sinakal ko at magising, isang hampas lang ng kamao nito sa mukha ko siguradong tanggal ulo ko.
At dahil hindi ko nalang siya sasakalin. Napag isipan ko nalang na i-kiss siya sa pisngi. Tulog naman siya at sigurado akong hindi niya malalaman. Napangisi ako sa naisip. Ang talino ko talaga!
Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sakanyang mukha. Pumikit ako at agad siyang ninakawan ng halik sa pisngi. Dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko at laking gulat ko dahil nag tama ang mata namin ni Mr. Sir President. Gising na pala ito at nakaharap na sa'kin ang mukha.
Puno ito ng pagtataka at parang na alimpungatan sa pag tulog.
"What's that thing?" Aniya.
Kinabahan ako dahil baka nahuli niya akong hinalikan ang pisngi niya kaya umiwas ako ng tingin at tumikhim.
"Ang alin?"
"May kung anong dumapo sa pisngi ko. Mabalahibo. Parang nguso ng aso." Nagugulohan sabi nito.
Umasim ang mukha ko ng wala sa oras. Tangna! Sa dinami dami ng pwede ikumpara sa lips ko, nguso pa talaga ng aso?! Nasaan ang hustisya? Hindi niya ba alam na ang pisngi niya ang first kiss ko?
"Grabe ka naman sa nguso ng aso. Ano lang yun..." Nag isip ako. Dumapo ang mga mata ko sa kesame at may nakita akong butiki doon.
Napangiti ako. "Tae yun ng butiki! Nakita ko na tumatae yung bitiki at nahulog yung tae sa pisngi mo. Kadiri nga eh dahil napunta sa lips mo at hindi sinasadyang napasok sa bibig mo." Pagkukwento ko at umaktong nag-aalala.
Nanlaki ang kanyang mga mata at napahawak sa bibig niya. "R-Really?" Napalunok siya.
Tumango ako. "Oo. Siguro nga nanguya mo 'yon. Ewww ka!" Nandidiri kong sabi.
"Shit!" Agad siyang napa upo at natataranta tumayo at tumakbo sa isang pinto na sigurado akong Cr.
Nung mawala na siya sa paningin ko ay tumawa ako ng walang tunog. Halos mamatay ako kakatawa ng walang tunog. Paano ba naman eh siya pala itong tanga at madaling mauto.
---
Matapos ang nangyari kanina ay bumalik na ulit siya sa dati. Balik sa pagiging depungal kumbaga. Tahimik ko siyang sinusundan ng tingin kanina pa. Hindi ko parin nasabi sakanya na hindi totoo yung tae ng butiki, kiss ko kasi yun. At wala akong balak na sabihin sakanya dahil baka masapok ako ng wala sa oras.
Dalawa ang kuwarto ng rest house kaya nandito ako sa isang kuwarto. Nakasimangot akong lumapit sa king size bed at umupo. Paano ba 'to? Ako lang mag-isa ang matutulog? Nakakatakot naman. Sanay naman ako na mag-isa lang matulog pero ngayon, mukha kasing nakakatakot. Tinignan ko yung bintana, bukas ito at hinahangin ang kurtina.
Napangiwi ako sa takot. "Pano ba 'to?" Sabi ko sa sarili ko habang nginangatngat ang kuko ko. Dahan dahan akong lumapit sa bintana at tinitigan ito. Malakas ang hangin at nililipad nito ang kurtina kaya kita ko ang labas. Madilim. Sobrang dilim!
"Bakit naman ako matatakot sainyo? Eh love ko si Lord!" Proud na sabi ko habang sa bintana nakatingin.
Pinikit ko ang isa kong mata at dahan dahang inabot ang bintana para isira. Nagulat ako nung may nakita akong itim na pigura malapit sa gilid ng bintana kaya napasigaw ako.
"Wahhhh!! Demonyo! May Demonyo!" Natatarantang sigaw ko. May dalawa kasi itong sungay.
Hindi magkandamayaw ang pag atras ko kaya hindi sinasadyang naapakan ko ang isang bagay kaya nadulas ako. Unang bumagsak ang pang upo ko kaya sobrang daing ang pinakalawan ko.
"Aray ko..." Daing ko habang naiiyak na nakahawak sa likod ko.
Habang naiiyak dahil sa sakit, biglang bumukas ng napakalakas ang pinto at iniluwa nito si Mr. Sir President.
"What happened?!" Bungad nito.
Nag tama ang mga mata namin at bumaba ang tingin nito sa kamay na nakahawak sa likod ko. Bigla akong nakahinga ng maluwag nung makita siya.
"Demonyo! Tanginang demonyo!" Sigaw ko dito.
"you wanna die?" Aniya sa madilim na aura.
Umiling iling ako at tinuro yung bintana. "May nakita akong demonyo doon! Mr. Sir President! Sobrang itim!" Sumbong ko dito.
Kumunot ang noo niya at tinignan ang bintana. Walang takot na nilapitan niya ito. Itinaas niya ang kanyang kamay at may kinuha doon sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko nung makita ang bitbit niya.
"Ay pusa?" Nakatanga na sabi ko.
Isang maitim na pusa ang nasa bisig ni Mr. Sir President. Sa sobrang itim nito ay mata nalang na yellow green ang makikita.
"Hala malas 'yan!"
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Sino nagsabi?"
"Sabi ng mga matatanda."
He chuckled. "Tsk. Naniwala ka naman." Iling na sabi nito.
Naglakad na ito palabas kaya agad akong tumayo. Napaigik ako dahil sa sakit ng pang upo ko at balakang. "Sandali lang!" Tawag ko sakanya.
Walang gana itong lumingin habang nasa bisig ang itim pusa. "What?"
"Saan mo 'yan dadalhin?"
"he's my cat. His name is Milky."
Napangiwi ako. "Milky? Eh black naman 'yan!"
"Don't need your opinion." Aniya at tinalikuran ako.
Naiwan akong mag-isa ulit sa kuwarto. Umusbong na naman ang takot ko. Dahan dahan akong lumapit sa kama saka kinuha ang isang unan habang ang isang kamay sa likod ko.
"Aray ko... Para naman akong may arthritis nito." Mahinang daing ko.
Marahan akong naglakad palabas ng kwarto at tinungo ang kwarto ni Mr. Sir President na katapat lang din ng kwarto ko. Kumatok ako ng ilang beses ngunit hindi parin binubuksan ni Mr. Sir President ang pinto kaya pinihit ko ng dahan dahan ang pinto saka pumasok sa loob.
Walang tao sa loob at tanging ang itim na pusa kanina na si Milky ang naka upo sa kama. Nilapitan ko ito at kinausap.
"Hoy Milky! Ikaw pusa ka, tinakot mo ako kanina ah!" Asik ko sa pusa.
Tinignan lang ako nito saka ako inirapan. Napasinghap ako sa ginawa niya. Nameywang ako sa harap nito. "Aba, mana sa kupal na amo." Komento ko.
"What did you say?" A cold baritone voice echoed through the room.

YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...