"Mag tago kayo dito!" He hissed as he pushed us in.Ang lakas ng mga sigawan, at putukan sa paligid. I don't know what is happening but I know that the noise was from a gunshot.
"I'll distract them, wag kayong lalabas dito hanggat hindi tuma tahimik–"
"What do you think you're doing? Just hide with us!" I whined without letting his sleeves go.
"Valentina, listen to me." He needled. "Chase and you needs to hide, kailangan niyo makaligtas–"
"Don't act like you're a hero, and hide with us! Antayin na lang natin sila mawala, umakyat kana dito please..." I cried as I begged him not to go.
Nanginginig ang mga kamay ko, hindi ko alam ano ang mararamdaman ko. Natatakot ako sa mga posibilidad na mangyari.
"Chase." He called for the boy who's beside me. "Makinig ka sa akin, wag na wag kayong lalabas dito hanggang hindi kayo nakakapag bilang hanggang 100. If you heard a gunshot after quite some time, ulitin niyo ang pagbibilang hanggang sa tuloy tuloy na tumahimik, and that is the cue for both of you to run away." He exclaimed.
Hindi nagsalita ang batang lalaki sa gilid ko pero tumango siya sa binilin ng lalaking hawak hawak ko ngayon. I cried my eyes out when he forced me to let go of him.
"Stay here, kailangan ko silang iligaw–"
"They will eventually caught up to you, hindi porket mabilis kang tumakbo ay makakatakas ka sa kanila. They are all grown ups, and your just a kid–"
"Pero kaya ko silang ilayo sa inyo, so just listen to me." Mariing sambit niya tska marahas na tinulak ako sa kisame, bago niya yun sinarahan.
Napatakip na lang ako sa bibig at niyakap ang lalaki sa gilid ko na ngayon ay umiiyak na, wala akong naiintindihan sa nangyayari pero kailangan kong pakalmahin ang sarili ko at ang katabi ko.
Kita ko sa butas ng kisame sa paglabas niya sa kwarto kung saan niya kami tinago.
Pagtakip nalang din sa tenga ko at mahigpit napagyakap sa kasama ko ang nagawa ko ng marinig ang sunod sunod na naman na putok ng baril, dito sa ampunan na tinitirahan namin.
Masaya lang naman kami kumakain ng pananghalian ng biglang may pumasok dito, at sunod sunod na pinagbabaril ang tao sa paligid. Kahit ang mga nagbabantay sa amin ay pinatay nila sa harap namin.
This happy and lovely orphanage becomes a bloodbath in just a second.
Humigpit na lang ang kapit ko kay Chase ng isang malakas sigaw na sinundan ng isang putok ng baril ang narinig ko.
"Si Kuya Clioz..." Bulong niya sa akin.
Hindi ako nakapag salita at nagpatuloy ang pag agos ng mga luha sa mata ko. Kilala ko ang sigaw na yun, ayun nag unang beses na narinig ko ang malakas na boses niya pero kilala ko na siya yun.
Marahas na paglunok na lang ang nagawa ko, at mariin na lang na pinikit ang mata ko.
"1...2...3...4...5...6..." Shot! "1...2...3..." Shot! "1...2...3...4...5...6...7...8" Shot! "1...2...3...4" Shot!
Halos ma sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa takot. Hindi namin maituloy tuloy ang pagbibilang gaya ng sinabi niya dahil sa sunod sunod na putok ng baril.
Sigurado ako ngayon na binabaha na ang ampunan ang dugo lalo na at hindi tumitigil ang tunog na kinatatakutan ng tenga ko.
"Wala na bang bata dito?" Huminto ang paghinga ko at mahigpit na tinakpan ang bibig, pati na rin ang bibig ng kasama ko ng marinig ang isang boses ng kung sino.
"Wala na siguro, tara na baka hinahanap na tayo ni boss—"
Tinakasan ng init ang katawan ko na pinalitan ng lamig ng dugo ng mahinang umubo si Chase sa tabi ko, nanlaki din ang mata niya dahil doon.
"May tao pa dito—fuck!" Sigaw ng kung sino.
"I got pictures of you." Matapang na sabi ng kung sino.
Hindi ko nakikita kung sino yun pero alam kong boses ni Kuya Clioz yun.
"Habulin niyo ko, kung ayaw niyong isumbong ko kayo." Huling sabi nito bago narinig ang pagkaripas nito ng takbo.
"Lintik na bata ka, lagot ka sa akin!" Sigaw ng mga lalake tska hinabol siya.
Ang bigat ng paghinga ko, walang ng pumapasok sa isip ko. Ilang sandali pa ang nakalipas at tuluyan ng nawala ang ingay sa paligid, pero hindi pa rin kami lumalabas sa kisame sa kung saan kami nakatago.
"Umalis na tayo dito." Bulong ni Chase sa akin na halata pa rin ang takot sa boses.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at inayos ang postura ko, akmang mauuna na sana ako bumaba ng makarinig ako ng isang ingay.
"Shh!" Agad na pag takip ko sa bunganga ni Chase.
Dahan dahan akong sumilip sa butas ng pinagtataguan namin, na sana ay hindi ko ginawa.
"Si k-kuya Clioz..." Nanginginig na pagtukoy ni Chase.
Wala ng lumabas sa bibig ko at tuluyan ng bumigay ang katawan ko ng makita kong hatak hatak ng lalaki ang ulo ni Clioz at kinakaladkad. Wala na itong buhay...
Clioz.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...