Nakatulala ako ngayon sa kama, habang nakataas ang mga kamay sa kisame.
Walang tumatakbo sa isip ko, at purong inis, poot, ang pagkalito ang laman nito. Walang ideya ang nasa loob, at purong emosyon lang ang nararamdaman ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto kong tumakbo at makawala na dito, pero hindi ko magawa dahil natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin nila sa akin.
Bakit ganito? Bakit ganito ang buhay ko?
Simula mag kaisip ako, ay puro pasakit na ang natatandaan ko.
Ni hindi nga sa akin pinaranas ang mga tunay na ngiti ng matagal.
Ang tanging mga panahon lang na nakaramdam ako ng saya, ay ang mga araw ko sa ampunan kung saan masaya ang buhay namin nina Chase at Clioz. Pero, ang lahat ng iyun ay nagbago nung dumating ang grupo ng demonyong mag-asawang ito.
Sa pagkakaalam ko ay, sinugod nila ang ampunan para kumuha ng mga bata na siyang gagamitin nila para sa negosyo.
Hindi pa ganon kalaki ang hawak nila noon, kaya sa mga ganung paraan sila kumikilos.
Totoo ang sinabi ni Lewis, na ako ang nagpasok ng bilyon bilyong pera sa pamilyang ito, pero wala doon ang perang totong sa akin.
Isa lang ako sa mga tauhan nila na, na binigyan ng apelyido at personal na binihisan ng dalawa.
Simula noon ay hindi ko na nahanap ang totoong pagkatao ko, wala na akong maisip na gawin at puro pag sunod na lang sa utos nila ang ginagawa ko.
Kaya ngayon, paano ako lalaban kung sa sila ang bumali sa pag-asa kong makatakas?
Ang tagal ko ng nakatali dito, ngayon pa ba ako aalis? Kung hindi ko naman sila kakalabanin ay hindi nila ako mapapahamak, lalo na si Chase.
"Valentina!"
Naputol ang iniisip ko ng may marinig akong isang bulong pero mariing tawag sa pangalan ko, iginala ko ang mga mata ko ng makita kung sino ang ulong nasa labas ng bintana ko.
"Anong...anong ginagawa mo dito?! "
Nanlaki ang mata ko ng makitang umakyat si Clioz sa bintana. Agad na napabalikwas ako sa kama at mabilis na pumunta sa direksyon niya, naningkit ang mga mata ko ng madali lang siyang naka akyat doon.
Muli kong sinilip ang labas nito, at nangunot na lang ang noo ko ng makita kung gaano ka taas ang inakyat nito.
"Paano ka nakapasok?! "Naguguluhang tanong ko.
Pinag pagan nit oang damit na suot niya, na katulad sa uniporme ng mga guards namin dito.
Alam kong si Clioz ito, kahit na iba ang itsura niya dahil mukhang nasa ibang pagkatao na naman ito.
"Pinapasok ako ni Ate," Nakangiting sambit nito tska ako biglang hinatak.
Nagulat na lang ako ng bigla ako nitong yakapin, may kung anong nag bago sa ugali niya simula ng malaman kong kapatid pala siya ni Lewis.
Mas lumambot ang presensya nito, at kita ang masayang kislap sa mga mata nito.
"M-mahuhuli ka nila, kapag nakita ka nila dito! "Agad na sambit ko at humiwalay sa pagkakayakap niya.
"So? As if they can kill me."
"That is not the point; hindi lang ikaw ang mapapahamak pati kami ni Chase! "Pag didiin ko sa kanya.
Pinaling nito ang ulo niya habang nakatingin sa akin ng diretso.
Napa atras naman ako ng dahan dahan itong tumungo sa direksyon ko.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...