"Sino ba ang mga batang ito?"
Muling tanong ng matanda, at tuluyan ng pumasok sa bahay na tinutuluyan namin. Nakakapit din sa kanya ang batang lalaki na nag bigay ng buko sa amin.
Tapos na kaming tatlo maligo, at nakapag bihis na rin ako dahil pina una na ako ng dalawa.
Katabi ko ngayon si Lewis, habang nakaupo kami sa isang sofa dito sa sala ng bahay.
"Kayo naman po, nakalimutan niyo na po ba yung kapatid kong si Ion?" Malumanay na pag kwekwento ni Lewis sa matandang babae na ang pangalan ay Salome.
"Ah oo! Yung gwapong bata na masama ang ugali, bakit anong meron?" Pag tataka nito,
Natawa naman si Lewis dahil doon, "Grabe naman po sa masang ugali, pero yung lalaking kulay pula ang buhok...siya na po yung kapatid ko–"
"Hala! Ang laki na, parang nung huling pagkikita ko sa batang yun ay hinabol ng mga barangay dito dahil tinaga ang kambing!" Hindi makapaniwalang sambit nito.
Kahit ako ay nanlaki ang mata sa sinabi ng matanda, tska lumingon sa direksyon ni Clioz na nakasandal sa may hagdan at nakatingin sa kisame.
Bakit niya naman tinaga ang kambing?!
Rinig ko ang malakas na pag tawa ni Lewis dahil doon, "Opo, siya yun."
"Pero, itong magandang babae at ang isa pang gwapong lalaki? Sino itong mga ito?" Muling tanong nito.
Kita ko ang pag lingon sa akin ni Lewis, tska ngumuso bago ibinalik ang tingin sa matanda.
"Ikakasal na po kasi si Ion, dito sa babaeng katabi ko." Panimula nito dahilan para masamid ako sa hangin.
"Hala?! Talaga ba? E kung ganon...bakit nandito ang mga iyan?"
"Gusto ko po sana iparanas sa dalawang ito yung buhay dito sa probinsya malayo sa kinalakihan nila bago sila mag isa, tapos yung isa pong lalaki na kasama nila ay kapatid po nitong katabi ko." Pag ngiti nito.
"Ay! Kaya pala hindi marunong gumamit ng poso, at muntik na hampasin dahil mga laki sa syudad pala ang mga ito." Sambit ng matanda.
"Opo, kaya...kayo na po sana ang bahala sa kanila dito, at magpakilala sa buong baryo kung gusto nila makilala sila." Malambot ang bilin ni Lewis, "Marami po kasi silang kailangan matutunan dito, kaya kayo na po sana ang bahala sa mga batang ito."
Napatango naman ang matanda dahil doon, tumayo na rin ako sa lamesa at lumapit sa dalawa.
Napag alaman ko rin na ang matandang yun, ay katiwala pala ng mga magulang nila Clioz at Lewis dati. Siya na ang pinag bilingan ni Lewis na mag tingin tingin sa amin dito, medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
Hindi na kasi namin kailangan magpanggap ng kung ano, at mag isip ng mga bagay para gawing palusot sa mga tao dito.
"Nagugutom na ako," Bulong ni Chase, na nakaupo sa hagdan.
Umupo rin ako sa babang baitang nito, mukhang mamaya pa kami makakaalis dito dahil andito nga si Lewis.
Iniisip ko kung bakit nandito ang babaeng ito.
May naramdaman naman akong humawak sa buhok ko, itingala ko ang ulo ko ng makitang tiny tirintas ni Chase ang buhok ko.
"Nakakalat sa mukha mo," Bulong nito sa akin.
I just shrugged my shoulders and let him do what he was doing.
Nagulat naman ako ng umupo rin si Clioz sa baitang sa ibaba ko, tska ipinatong ang kamay ko sa buhok niya.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...