"Bwisit!"
Pagdadabog ko nang makauwi sa bahay.
Kahit si Chase ay hindi ko pinansin dahil sa init ng ulo ko.
Napa salampa na lang ako sa kama ko, at binaon nag sarili ko tska sumigaw nang malakas.
Bwini bwisit talaga ako nang araw na ito, na pati pag padyak sa kama ay nagawa ko na mawala lang ang inis sa katawan ko.
Kung kanina ay natutuwa pa ako dahil nalaman kong buhay siya, ngayon ay unting tulak pa sa akin ay baka hilingin ko na lang na sana ay hindi ko na nalaman na buhay siya-joke lang.
Pero kasi e! Oo, alam kong mahirap ipaliwanag ang sitwasyon niya kung sakali, pero bakit ang mix signal niya?!
Nakakainis lang kasi umaakto siya na ayaw niya akong paalisin, pero biglang itutulak niya ako palayo.
"Ginagawa niya ba yun, kasi alam niyang may gusto ako sa kanya?! "Tanong ko sa sarili ko.
Inikot ko pa ang sarili ko, at napatayo sa kama.
"Pero hindi ko naman sinabi? Baka nag assume siya dahils doon sa sinabi kong type ko sana siya, pero bulag siya? "Pagtatanong ko sa sarili ko, "Pero kung iisipin, hindi naman talaga siya ang sinabihan ko nun kasi...hindi naman yung ang totoong itsura niya-TEKA NGA! "Pag putol ko sa sarili ko.
Ang kaninang pagupo ko, ay bigla akong napatayo ng may mapagtanto.
Agad na bumaba ako sa hideout ko, at binuksan ang monitor. I played back all the footage from my room since the day I thought Chase was the one who was sleeping beside me.
"I knew it." Bulong ko sarili ko.
May isang lalaking tumabi sa akin nang araw na yun, at hindi ko lang yun guni guni. Sa bintana ito ng kwarto ko dumaan, at pasikretong tumabi sa akin.
Napangisi pa ako nang makita kong tinititigan niya ako, habang pinaglalaruan ang buhok ko. Malalim ang tulog ko sa mga oras na ito.
Patuloy ko lang pinanood ang footage na yun habang umiinom ng kape, naningkit naman ang mata ko na ng makita ang taong yun na tumayo mula sa kama.
Dahan dahan itong naglakad sa direksyon nang CCTV ng kwarto ko, naitaas ko naman ang kilay nang makitang inangat nito ang mask niya hanggang ilong at tanging ang bibig lang ang kita.
Bigla naman akong napa buga nang kape nang makitang dinilaan ako nito sa camera, at parang inaasar ako.
Imbis na mangitngit sa inis, ay natawa na lang ako.
"Inaasar mo ba ako? "Seryosong tanong ko sa monitor.
May kung anong pumitik sa utak ko sa pumasok na ideya.
"Nakikipaglaro ka ba sa akin, Clioz? "I grinned. "You want to play with me? Then it's an honor to be your playmate." I hissed.
Mabilis na na gumalaw ang mga daliri ko sa keyboard ng monitor, at sinundan ang lahat nang coordinates na pwedeng magturo sa akin kung nasaan ang lalaking yun.
Kahit na siya ang taong pinaka hinihintay ko, hindi ako magdadalawang isip na makipaglaro sa kanya ng habulan kung ayun ang gusto niya.
Sunod sunod ang footage na nakuha ko mula sa parke, tska nakita ang pag buhat niya sa akin nang mawalan ako nang malay.
Nawala sa parke ang presensya nito, kaya naman ay kinabit ko rin ang system ko sa mga kalapit na establisyimento rito para makita kong nahagip ba ng camera nila si Clioz.
Uminom ulit ako ng kape habang sinusundan ang bawat galaw nito, hanggang nakita kong nawalan nang access ang mga camera sa isang kalsada kung saan lumiko ang kotse na ginamit niya.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...