"Mga lamok ba kayo?"
Nakataas na kilay na tanong sa aminni Chase ng makalabas kami sa kwarto.
Narating na rin kasi namin ang lugar kung saan kami baba, inabot rin ata kami ng mahigit buong araw sa barko bago kami nakababa.
"Lamok?" Nag tatakang tanong ko.
"Grabe sipsipan niyo ng dugo sa isa't isa e." Walang buhay na sambit nito tska tumalikod.
Napaawang naman ang bibig ko dahil doon, at agad na napagtanto ang tinutukoy ni Chase.
Agad na tinakpan ko ang leegan ko gamit ang kamay niya, tska nilingon ang direksyon ni Clioz.
Nagkibit balikat lang ito, habang halatang halata sa lagukan nito ang mga kagat ko sa kanya.
Fuck, this is embarrassing!
"Chase!" Agad na pag habol ko sa kanya.
"Alam ko na sasabihin mo, Alova." He hissed why walking.
"I'm sorry–"
"You don't have to say sorry, I told you long ago na okay lang sa akin basta si Clioz ang kasama mo." He smiled, "Don't worry about me, I can find my way out to unlove you. Lalo na...nandito na yung taong matagal mo ng hinihintay."
"Chase..."
"Wag mo akong kaawaan, mas lalo akong maiinis sayo kapag ginawa mo yan." He grinned.
Nakangiti siya pero kita ko sa mga mata niya, ang guhit ng sakit nito.
Ilang taong si Chase ang nasa tabi ko, at alam ko yun. Alam na alam ko kung gaano ko siya nasasaktan, pero ilang beses ko na rin naman sinabi sa kanya yun.
"Don't feel guilty about your feelings; it was your choice, and it was my choice to love you." He assured, "I'm more than happy that we're now out of that hell. This is the right to make yourself happy, Alova."
Ginulo niya pa ang buhok ko dahil doon, at may kung anong sumipa sa dibdib ko tska nangilid ang mga luha sa mata.
"Chase," Naiiyak na tawag ko sa kanya.
"Don't cry, I'm fine...after all magkaibigan naman talaga tayo." Nakangiting sambit nito tska niya ako niyakap sa gilid ko.
Tumango na lang ako sa kanya, wala na rin naman akong magagawa at siya na mismo ang nagsabi sa akin na wag na intindihan ang nararamdaman niya tungkol sa akin.
I need to trust him, and I really hope that he will find peace after he lets go of me.
I genuinely want him to find a person who can love him more than he loves me. Gusto ko naman maranasan niya na siya naman ang mamahalin ng sobra sobra, dahil kapag ginawa yun ng tamang tao sa kanya ay alam kong doble nag ibabalik niya dito.
"Don't worry, kami mag sasala ng date mo Chase to find the right person for you." I heard Clioz's voice as he wrapped his arms around my waist.
Sinamaan lang ito ni Chase ng tingin tska lumayo sa amin.
Natawa na lang ako dahil doon, dahil kita ko naman ang pag ngisi niya na alam ko nang nangaasar na.
Sumakay na ulit kami sa kotse, dahil malayo pa dito ang mismong lugar kung saan kami tutuloy. Kailangan din daw namin lumipat sa isa pang bangka, para makarating sa isla na yun.
I think this is really a new type of adventure for all of us, and it's quite exciting.
Hindi ko na nasundan ang tanggal ng byahe namin, dahil nakatulog din ako sa sobrang layo nun.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...