CHAPTER 10

43.8K 825 91
                                    

"It took you too long to come back."

Daddy quoted as he leaned towards his swivel chair while smoking his expensive cigar.

"I'm sorry." I apologize without looking directly into his direction.

Ginabi na ako ng uwi dahil malayo ang probinsyang sinabi ni Vion na siyang pinalalagian ng aso, dinaan ko pa ito sa isang doctor ng pamilya namin na siyang nagbalik sa chip sa loob ng aso.

Malaki ang tiwala ko sa doctor na yun, kaya alam kong hindi niya sasabihin ang pinagawa ko sa kanya.

Kung may isang bagay ng kayang panghawakan ng mga tao sa mundong ito, yun ay ang utang na loob. If you owe someone, you need to repay them in every way possible.

Isang napalaking usapan sa mundo ng mga sindikato ang salitang utang na loob, na kahit anong gawin sayong masama ng isang tao kapag nagka utang siya sayo ay hahayaan mo itong makapag bayad ng matiwasay.

Kaya wala akong takas kundi bayaran ang utang na loob ko kay Vion sa kahit anong paraan.

Doon na bubuo ang mga samahan, hindi naman mahirap gumalaw sa negosyo na ito kailangan mo lang ng mga tamang kakampi dahil kung mali ang grupong sasamahan mo baka hindi ka na sinagan ng araw.

"Allow our men to work on that piece so that you can rest." He uttered as I nodded at him.

Tinawag ko na ang tauhan namin at binigay sa kanya ang aso, gaya ng sabi ni Daddy ay sila na ang bahala doon at ang kailangan ko na lang gawin ay magpahinga.

Ganon naman sila lagi tuwing may misyon ako, kapag natapos ko iyun ay pag papahingahin nila ako at ipapasa sa mga tauhan namin ang trabaho.

Walang buhay akong umakyat sa hagdan at tumugo sa kwarto ko, gusto ko na lang humilata at ipahinga ang buong katawan ko. Ang daming nangyari ngayong araw na talagang pumagod sa akin.

Patay ang mga mata ko ng binuksan ko ang pintuan, nilibot ko pa ang paningin ko pero hindi ko na nakita si Chase. Wala na rin ang dextrose na nakasabit doon, at malinis ang kama ko.

Maliligo muna ako bago hanapin kung nasaan siya, panigurado naman akong hindi na siya sasaktan nila Daddy dahil naibalik ko ang hinihingi nila. Lagi naman silang sumusunod sa pinag uusapan, kaya kahit paano ay nawala na ang kaba sa katawan ko.

Dumiretso ako sa banyo kasabay ng pag hubad ko sa damit na suot ko, pati ang wig ko ay hinubad ko na rin tska ang pagtanggal ng contact lense ko.

Hindi ko na yun binalik sa lalagyan at diretsong tinapon na sa basurahan bago sumampa sa bathtub para mag babad.

I put my favourite galaxy bath bomb on, as I let myself relax. Nilublob ko ang sarili ko at pinaglaruan ang tubig sa bibig. Inangat ko ang kamay ko tska bumungad sa akin ang pasa na natamo ko kanina sa marahas na galaw sa akin ni Vion.

Kailangan kong itago ito at hindi ipakita kanila Mommy, dahil paniguardong hindi na naman nila magugustuhan ang balita na nasaktan ako.

I rested my nape onto the head rest as I tried to remember the encounter between me, and Vion. Naningkit na naman ang mata ko ng maalala ko ang pagbabago ng itsura ng lalaking yun.

Mukhang ito ang sinasabi ni Yuan na walang nakakaalam sa tunay na itsura ni Vion. Para siyang isang salamangkero na kayang mag palit palit ng iba't ibang itsura sa mabilis na panahon.

Siguro ay dahil na rin sa trabaho niya kaya kailangan niyang itago ang totoo niyang pagkatao.

Pero ang malaking tanong sa utak ko, ay kung sa paanong paraan niya ako sisingilin sa utang ko sa kanya.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now