"Saan ka pupunta? "
Tanong sa akin ni Chase, nang makita niya akong nagbibihis.
"Hahanapin si Clioz"
"Sasamahan kita." Agad na pag putol niya sa akin, kasabay ng pag kuha niya rin ng damit.
"Wag na, asikasuhin mo yung pinapagawa ni Yuan. We need to finish that mission first." I hissed as I walked out of my room.
Hindi na ako pwedeng mag sayang ng oras, kailangan kong makausap si Clioz tungkol dito.
If I need to play dead just to get away from them, then I'll do that.
Maayos na ng plano sa utak ko, at tanging ang tulong na lang ni Clioz ang kailangan ko para makawala kaming tatlo sa tali ng mag-asawang yun.
Sila ang kontrabida sa buhay ko, at isa lang ang pwede kong gawin para mawala na sila sa dinaraan ko. At, ayun ang tuluyang alisin sila sa buhay ko.
Akmang sasakyan na sana ako sa motor ko, nang biglang may kumuha ng helmet na dapat ay isusuot ko.
Naningkit ang mata ko ng makitang buhay na naman ang babaeng ito.
"Akin na yan," Malamig na sambit ko, habang naka lahad ang kamay para hingiin ang kinuha niya sa akin.
"Saan ka pupunta? Alam mo bang pinababantayn ka sa akin ng Daddy mo."
"Gagawin ko yung inuutos niya," Walang buhay nasambit ko, "Gusto niyang patayin ko si Vion diba? Then I'll kill him, kaya ibigay mo na sa akin yan." I lied.
Wala akong balak na sabihin sa babaeng ito ang plano ko, lalo na't alagad ito ni Daddy.
Bantay na bantay ni Lewis ang bawat galaw ko, at alam kong isang pitik niya lang sa radyo niya ay malalaman ng lalaking yun ang pinag gagawa ko.
"Bakit ka ba naka buntot sa akin, when Chase was my bodyguard? "Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
Nakita ko naman ang ngisi sa mga labi nito.
Bakas pa rin ang mga galos sa katawan niya, lalo na at nakasando lang siya ngayon, pero halatang mas maayos na ang kalagayan niya, kaysa nung araw na bumagsak siya sa mga braso ko.
May benda pa nga ito sa braso, at sa balikat nito. Imbis na kaawaan ko ang itsura niya, ay parang mas lumakas pa ang aura nito dahil sa galos.
Pinaningkitan ko siya ng mata, at lumapit sa posiyon niya para kunin ang helmet na hawak hawak niya.
Naitaas ko na lang ang kilay ko, ng itaas niya iyun sa para hindi ko maabot.
Talaga naman kasing mas matangkad sa akin si Lewis. Matangkad rin naman ako, pero tore ang babaeng ito sabayan pa ng maganda at bato bato nitong katawan.
"Akin na." Pag babanta ko sa kanya, pero imbis na ibaba ay nginitian lang ako nito.
She leaned in my direction as she left an inch between our faces.
"Ilang araw lang kitang hindi nakita, pero mas lalo kang gumanda? "Nakangising sambit nito.
Confirmed, magaling na nga siya nang mamanyak na e.
My eye twitched as I kicked her legs, and she lost her grip on my helmet.
Dahil doon, at naabot ko yun tska kinuha sa mga kamay niya. Akmang ihahampas ko pa sana ito sa kanya, ng makitang umayos na ito ng tayo, at tumingin sa akin ng nakakaloko.
Sumakay na ako sa motor para umalis, pero isang malaking buntong hininga ang binitawan ko ng maramdaman na sumakay rin ito sa likuran ko.
"Bwisit ka talaga no? "I fumed as I covered my face with a visor.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...