CHAPTER 46

29.2K 486 69
                                    

"Iha!"

Napalingon naman ako nang marinig kung sino ang tumatawag sa direksyon ko, ipinaling ko ang ulo sa taong yun at nakita si Nanay Salome na may kasamang babae.

"Harper!"

Bungad ko nang makita ang babae sa harapan nang pintuan ng bahay na tinutuluyan namin.

Napangiti naman ako sa magandang postura nito na para bang pinaghandaan ang araw na ito, at ang sarap sa pakiramdam nun.

"H-hello po." Nahihiyang sambit nito.

"Omg! Magkakilala po kayo?" Excited na sambit ko tska lumapit sa kanila.

Hawak hawak kasi ni Nanay Salome si Harper sa parehong balikat habang nakatingin sa amin, naningkit naman ang mga mata ko dahil doon.

"Nabanggit kasi sa akin nitong apo ko na may nangyaya daw sa kanyang kumain, akala ko nga ay mga aswang!" Pag lalahad ng matanda. "Pero, nung nabanggit niya na kasama ang magandang babae pati yung lalaki daw na matangkad na siyang kulay pula ang buhok, ay alam ko na agad na kayo ang tinutukoy niya!"

"Opo, gusto ko sana siyang ipakilala kay Chase. Baka lang naman po mag match sila." I smiled.

"Ay si Chase ba ang ipapakilala mo?" Mas lalong lumaki ang ngiti nito sabay hampas sa braso ng apo. "Tamang tama! Ang gwapo nung batang iyun, bagay kayo–"

"Lola naman...makikipag kaibigan lang naman ako." Pagputol sa kanya ni Harper.

"Na baka mauwi sa pagkaka ibigan." I teased as I wrapped my arms towards her.

"Sige na makipagkaibigan ka na! At ipag luluto ko pa ang kapatid mo, iha ikaw na bahala sa apo ko ah!" Pag iwan sa amin ni Nanay Salome na siyang ikinangiti ko.

"Let's go?" I asked her, as I saw her nod.

Iginayak ko na siya sa loob nang bahay, mas matangkad ako sa babaeng ito at halos tenga ko lang ang kapantay nito. Napangiti naman ako habang iniisip ang height difference nila kapag nagkataon.

"Don't worry mabait yun–"

Napaawang naman ang bunganga ko nang makitang nag salubong ang dalawang lalaking ito na walang pang itaas. Agad naman tinakpan ni Clioz ang sarili niya at umakyat sa taas.

Pero, ang umagaw ng atensyon ko ay ang itsura ni Chase dahilan para umangat ang kilay ko. Walang buhay naman sumunod kay Clioz, tska umakyat sa taas.

"Bumaba ka ulit ha!" Sigaw ko dito, pero kinawayan lang ako patalikod. "Kailan pa nagluto yun nang naka apron lang at walang damit sa loob?"

"Close po talaga kayo nang kapatid niyo no?" She softly asked.

Ngumiti naman ako ng malambot kay Harper, "Sobra, sa sobrang close namin ay ayaw niyang humiwalay sa amin ni Clioz."

"Cute."

Tumango naman ito, bago kami pumunta sa kusina. Pag ngisi na lang ang lumabas sa labi ko nang makita kung gaano kaayos ang lamesa, kung saan nakahain ang kaninang niluluto ang dalawa.

Dahil nga hindi ako marunong magluto, ay ang dalawang yun ang nag aasikaso sa kusina.

"Sorry ha, kasi niyaya agad kita dito sa bahay nung nakita kita kahapon–"

"Okay lang po! Gusto ko rin naman pong makasalamuha ng ibang tao, bago bumalik sa manila." She cut me off with a smile.

Ang gaan ng pakiramdam ko sa babaeng ito, at napakahinhin niya gumalaw sa mga mata ko.

"So, how old you na pala?" I asked as I sat on the table.

Sinenyasan ko rin naman siyang umupo na siyang ginawa niya.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now