CHAPTER 11

43K 787 82
                                    

WARNING: This chapter contains disturbing situations that may not be suitable for all readers. (Please, READ AT YOUR OWN RISK)

------------------

"Kainis!"

Sigaw ko sa kama ng biglang umilaw ang buong kwarto ko ng pula.

Isa lang ang ibig sabihin nun, at ayun ay may bagong misyon na kailangan naming gawin.

Padabog akong bumangon sa kama at humarap sa salamin para makita kung ano ang bagong misyon, sa kwarto kung nasaan ang mga monitor na meron ako.

"Kanina ka pa gising?" Bungad ko kay Chase.

Nang makitang may hawak itong kape habang naka sandal sa isa billiard table na andito sa baba ng kwarto ko.

"Sakto lang, do you want coffee?" Pag aalok niya sa akin.

Tinanguan ko lang siya tska umupo sa harap ng monitor ko, kinukusot ko pa ang mata ko ng pumunta sa isang tab kung saan pumapasok ang lahat ng transaksyon na meron kami.

Sa dami ng gustong makapasok sa website, ang tanging mga pinakamalaking misyon lang ang hinahawakan ko, at hinahayaan na lang ang mga tauhan namin na asikasuhin ang hindi naman ganun ka bigat na mga transaksyon.

Isang pag buga sa hangin ang binitawan ko ng may makitang nag order ng kung anong robot sa website namin.

"Chase, may stock pa ba sa factory nung full-size body machine?" I asked.

"Madami, kakarating lang nung nakaraang araw." Sagot niya naman sa akin tska binigay ang isang Stanley kung nasaan ang kape.

I opened the order ID, and I could see an old lady on the camera. I scoffed when I saw that this lady had ordered a human replica of a famous actor.

Bawat taong pumapasok kasi sa website namin ay nagkakaroon kami ng access sa mga camera ng hindi nila alam, lalo na tong umorder na matanda.

"Chase, tingnan mo ito." Natatawang sambit ko kay Chase, "I bet this woman was nearly 80s pero umorder ng human doll, when we all know that doll was a sex machine." Nakangising sambit ko.

"Baka naman napindot lang."

"I don't think so; naka input buong details niya pati address. Siya rin ang gumawang selection ng gusto niyang itsura ng inorder niya, naghahanap ata ng kapiling." Naiiling na sambit ko.

Inayos ko na nag order na yun, at pinadala sa mga tauhan namin. Sila na ang bahala na mag deliver sa matanda yun at baka di ko mapigilan ang sarili kong matawa sa harap niya.

Muli akong nag scroll sa order tab; napakaraming transaksyon ang nakita ko, pero isa ang pumukaw sa atensyon ko.

"Hera Jace Salviano..."

"Oh? Ayan yung magandang bata na baliw na baliw sa mga mata diba? Yung kapatid ni Cloud?" Pag silip ni Chase sa monitor ko.

"Pang ilang beses niya na ito dito, ano na naman kaya ang kolokohan ng batang ito." Sambit ko kasabay ng pagbukas ng order tab.

"Gagi, alam ba ng kuya niya mga pinag bibilini niya sa inyo?" Nakataas kilay na tanong ni Chase.

"Well, even though hindi yan alam ni Cloud, wala tayong magagawa." Tanging sagot ko kasabay ng pag-accept ng order nito.

Iba't ibang uri ng mata na naman kasi ng tao ang gusto niya, mukhang nanahimik na ang batang yun at bumibili na lang. Hindi na kinuha gamit ang sarili niyang mga kamay.

Natuloy tuloy pa ang pagtingin ko sa mga order, at isa na namang bagay ang bumugad ng atensyon ko.

May kulay pulang highlight sa taas ng order na yun na ang ibig sabihin, ay kailangan namin yun pagtuunan ng pansin.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now