Valentina's POV
"Sigurado ka bang ayos ka na?" Clioz asked.
Wala na kasi kami ngayon sa isla, at kinuha na kami nila Lewis para ibalik sa mansyon at tapusin na ang lahat ng ito.
Nandito kami ngayon sa chopper, patungo sa lugar kung saan muna namin ihahanda ang lahat bago tuluyang magpakita sa mag asawa.
Sa poder nila Cloud kami aakyat, dahil mas ligtas naman kami doon kaysa sa pananatili namin sa isla.
Patay mata akong nakatingin sa direksyon ni Hermaine na ngayon ay walang malay dahil sa tinurok ni Lewis.
Nasapo ko na lang talaga ang ulo ko nang malaman kung ano ang ginawa sa kanya nang dalawa, oo galit ako sa kanya pero ang gawin nila yun....well, I can't blame them.
Malaki rin naman talaga ang kasalanan ng babaeng ito sa kanila, lalo na kay Clioz.
Hindi matanggap ng sistema ko na pareho ang dugong umaagos sa katawan namin, naikwento kasi sa akin ni Clioz ang tungkol sa nalaman niya.
Nasusuka ako na kamukha ako ng babaeng ito, lalo na nang malamang pinsan ko pala ang demonyong ito na ang ibig sabihin ay kamag anak ko ang nanay niya.
"Princess?" Napabalik ako sa tuliro ng maramdaman ang kamay ni Clioz.
Dahan dahan kong inangat ang mga mata ko sa kanya, at isang malambot na ngiti ang siyang binitawan ko.
"I'm fine, ayos na ako." I assured him.
Hindi pa, masakit pa ang buong katawan ko.
Nanghihina, at nanginginig pa ang katawan ko dahil sa ginawa sa akin ng babaeng ito pero hindi ko na maatim ang magsayang ng oras.
Gusto ko na matahimik, gusto ko na matapos ang takot na nararamdaman ko, at tuluyang lumayo na sa lugar kung nasaan ang puno't dulo ng mga problema ko.
And, I can only do that if I can finish them.
Ilang sandali pa ang lumipas, at bumaba na ang chopper na sinasakyan namin sa isang helipod ng napakalaking masnyon. Mas malaki ang lugar na ito, kaysa sa kung anong mansyon ang meron ang mag asawang yun.
Nakapulupot ang braso ni Clioz sa bewang ko habang naglalakad, nilingon ko naman ang direksyon ni Chase na hinahatak sa buhok si Hermaine habang kinakaladkad.
Napabuntong hininga naman ako dahil doon.
"Buhatin mo naman yan–"
"Ayuko!" Agad na pag putol niya sa akin.
Nailing ko na lang ang ulo ko, hanggang sa ilan sa mga tauhan ni Cloud ang siyang kumuha kay Hermaine.
Hindi namin nakita ang lalaking yun, pero ang sabi ni Yuan ay busy daw sa negosyo kaya sinigurado niya naman ang kaligtasan naming lahat dito. Sa parehong mansyon din kasi na ito nakatira si Yuan.
Ewan ko ba sa lalaking ito, alam ko namang kaya niya rin makipagyabangan pagdating sa perang meron siya pero nakikitira sa bahay ni Cloud.
Cloud's residence was a sprawling Victorian mansion, a testament to opulence and architectural grandeur. The estate was encircled by meticulously manicured hedges and centuries-old trees, their lush canopies creating an impressive natural screen.
At the fore of this majestic abode, an elaborate Victorian fountain stood as a centerpiece, its marble statues and crystal-clear waters sparkling in the sunlight.
The intricate mosaic tiles and gilded accents of the fountain hinted at the lavish interiors that awaited beyond the towering, ornately carved oak doors.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...