Nakapikit ang isa sa mga mata ko dahil sa antok.
Gusto ko pa matulog, pero inutusan kami ni Daddy na dumalo sa isang kasal ng kasyosyo namin sa negosyo.
"Sinong tanga ang ikakasal ng gabi?!" Naiiritang sambit ko.
Mag aalas dose na kasi ng hating gabi ng tawagan kami na imbetado daw kami sa isang kasalanan, ang sarap sarap na ng tulog ko ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Kung ayun ang gusto nila e-"
"Pangit ng gusto nila," Pag putol ko sa kanya bago sinilip ang itsura ko sa salamin dito sa kotse.
Simple lang ayos ko at nilugay ko lang din ang buhok ko, wala naman akong pakialam kung sino ang ikakasal dahil hindi ko naman close yun.
Ka negosyo nila Daddy ang taong yun, ayaw daw kasi siya paalisin ni Mommy sa tabi niya kaya ako na lang ang inutusan.
"Sa tingin mo, sino ang gumawa kay Lewis nun?" Tanong ko kay Chase.
"Kasama mo siya diba?" Balik nito sa akin, tska ako tumango.
"Sinubukan kong sundan ang mga footage na pwedeng mahagip siya nung nawala ko pero biglang nag jammed-"
"Nawala ka?" Pag putol nito sa akin, kahit nag mamaneho ay sandali niya akong tinapunan ng tingin.
Bumaba ang mga mata niya sa pulsuan ko na agad kong ibinaba para maitago ang kulay pulang markang nasa kamay ko.
"Who did that to you?" Serysong sambit nito sa akin.
Isang buntong hininga ang binitawan ko bago siya sinagot, "Si Lewis ang hinihingian ko ng opisyon sayo, wag mong ibahin ang usapan."
"Ikaw, ang wag ibahin ang usapan Alova." Mariing pag putol nito sa akin, "Ayan ba yung rason kung bakit ka hinabol ni Lewis? Sino ang may gawa niyan sayo?" Muling tanong nito sa akin,
"Andito na tayo," Walang buhay na sambit ko nang saktong dumating kami sa lugar kung saan gaganapin ang kasalan.
Wala akong balak na sabihin sa kanya ang muling pagkikita namin ni Vion, hindi ko sasabihin sa kanya kung anong napag usapan namin bago kami mag hiwalay.
Kung ako ang laging pinoprotektahan ni Chase, ako naman ang proprotekata sa kanya ngayon.
Inayos ko ang sarili ko at hinawi ang buhok para isabit sa tenga ko, patay mata akong tumingin sa hikaw na meron ako.
Maliit lang ito, pero rinig nang taong suotang kapareha nito ang lahat ng nasa paligid ko.
Napagkasunduan kasi namin ni Vion na lima sa mga misyon ko ay kailangan kong ipaalam sa kanya, hindi naman ako nag aalala na marinig niya ang lahat.
Hindi ako basta basta magtitiwala sa kanya na suutin ang hikaw na ito kung hindi ko pinasadahan ang program na nakakabit dito.
Maririnig niya lang ang mga transaksyon namin tuwing may papasok na misyon sa computer ko, gaya ng pag-ilaw ng kwarto ko ay siyang panahon rin na maririnig niya ako.
He won't hear anything unless a mission goes through my system.
Walang buhay akong bumaba sa kotse at hindi na hinintay si Chase na pag buksan ng pintuan.
"I'm still talking to you." Mariing pagtawag sa akin ni Chase, kasabay ng paghawak niya sa pulsuan ko.
"Bitawan mo ako." Walang emosyong utos ko.
"I just want to know who did this to you."
"It's none of your business, Chase." I spit.
Kita ko ang pagsalubong ng mga kilay nito, "None of my business?" He scoffs, "I'm your bodyguard, and it's your safety that I always need to prioritize."
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...