"Let's go." Clioz offered.
Hindi ko na nasundan ang oras ng byahe namin papunta sa port.
Malalim na ang gabi ng nakarating kami sa barko, hindi na rin ako nagsalita at nagsimula na lang mag lakad papasok dahil inaantok na ako.
Gusto ko man matulog sa kotse, ay hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko dahil may kung anong pinagtatalunan itong si Chase at Clioz na hindi ko maintindihan.
Tinulungan naman akong sumampa ni Clioz sa malaking habang sa pagtungtong sa barko.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, hanggang sa napagtanto ko na walang ibang pasahero dito maliban sa amin.
"Did you guys rent the whole ship?" I asked Clioz.
"No."
"Then, why are we the only people on board?"
"Cause' Ate owned this, which I payed for...pero sa kanya nakapangalan, kasi nagtatago ako." Inosenteng sabi nito.
Tumango na lang ako dito.
Hindi naman ako magugulat na may kaya rin sila, dahil una palang ay halata mo naman kay Lewis ang pag ka arogante niya, lalo na kay Clioz noong nasa ampunan palang kami.
Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko, tska sinapat ang buong paligid.
Agad naman sinara ang siyang pinasukan namin, at alam kong anumang oras ay aandar na ito.
May kalakasan ang simoy ng hangin dito, at kita ko rin ang lakas ng alon.
Mukhang masama ang panahon ng pag alis namin, sana lang ay walang aberya sa pag sakay namin dito.
Dumiretso kami sa pinaka taas ng barko, tska ko nakita ang mga pintuan dito.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Chase ng humiwalay ito ng daan sa amin.
"Ayuko kayong kasama, bahala kayo sa buhay niyo." Walang pake sabi niya, tska pumasok sa isang kwarto.
"Chase!" Tawag ko pa dito, pero pinag bagsakan lang ako ng pintuan.
Narinig ko namang tumawa si Clioz sa tabi ko. "Hayaan mo na, broken lang yun." He hissed.
Kahit siya, ay hindi ko pinansin at nag tungo lang sa dulong parte ng barko para lasapin ang simoy ng dagat.
Nawala na kasi ang antok ko, kaya naman ay gusto ko munang mapag isa habang iniisip ang mga bagay bagay sa paligid ko.
Ang sarap sa pakiramdam yakapin ng hangin sa lugar na ito.
Ito na ata ang pinaka magaan kong pag labas na kung saan ay wala akong iniisip sa kung sino at anong demonyong nag aantay sa akin pag uwi sa bahay.
Maraming tanong sa isipan ko pero hindi ko naman maikakaila na talagang masaya ako ngayon.
Parang gumaan ang lahat sa paligid ko, at may kung ano sa akin ang tuwang tuwa sa kalayaan na meron kami ni Chase.
Ang daming taon kaming nakakulong, at nakadena sa lahat ng gusto ng mag asawang iyun.
Pero, sa mga oras na ito magsisimula ang totoong laban.
Alam kong marami kaming haharapin dahil sa hindi pa naman tuluyang nawala ang lahat ng kalaban namin. Pero, sa kabilang banda ay dito mahahasa namin ang totoong kaya naming gawin.
Malayo ang buhay na pupuntahan namin, sa buhay na siyang kinasanayan ko.
Oo, sa impyerno ang mansyon na yun kung saan ako nakatira pero pinalasap rin naman nila sa akin ang marangyang buhay na siyang lahat ng gusto ay nakukuha ko.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...