CHAPTER 27

36K 618 156
                                    

"Hindi pa ba sapat sayong laruan si Chase, at pati tauhan natin dito ginapang mo?"

Kalmado pero seryosong tanong sa akin ni Daddy.

Nakatayo na kami ngayon sa harapan niya, kita ko ang malaking pag tataka sa mukha niChase, at ang malamig na titig naman ni Lewis sa kapatid niya.

Pero, ang nag papakilabot sa buong katawan ko ay hindi dahil sa kanilang dalawa kundi sa patay na tingin sa akin ni Daddy.

Nagulat ako ng biglang binato ni Daddy ng sandamakmak na pera ang direksyon ni Clioz. That money is amouting thousands.

"Take that and leave. Don't you dare talk about what happened between you and my daughter," he hissed as Lewis guided her younger brother out.

Nakita ko pang sinipa ni Lewis si Clioz sa may paahan na agad naman kinamot ni Clioz, dahil sa lakas.

Matatawa na sana ako kaso biglang hinalbot ng lalaking ito ang leeg ko.

"Once one of your nonsense acts goes public, you know what will happen." He fumed as he aggressively threw me back in bed before turning his back from me.

Imbis na mapako sa kina bagsakan ko ay may kung anong nag utos sa mga labi kong ngumisi ng tuluyang makalabas ito sa kwarto ko.

Muli kong hinawakan ang leeg ko na marahas niyang sinakal at parang baliw na natawa sa kung gaano ako katakot sa naging presensya niya.

But on the other hand, at least he believed the scene that he saw.

Marumi rin naman ang tingin nila sa akin, kaya wala na sa kanila kung makikita nila akong ganon sa ibabaw ng lalaki.

Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ng dalawang yun, at inakalang laruan ko si Chase at kung sino sino pa sa mansyon na ito, kung hindi nga ako nakikipag usap sa iba. Tsk.

"Who the hell is that?" Seryosong tanong ni Chase sa akin.

Napalingon ako sa direksyon niya at may kung anong pagtataka at sakit sa mga mata niya simula kanina ng makita niya ako sa ibabaw ni Clioz.

"It was just an act so that he won't get caught–"

"You don't even dare to kiss me back, and I'll see you with another man's top?" He whined.

May kung anong kumurot sa puso ko na makita ang sakit sa mga mata nito.

Napagapang naman ako sa pagkakabagsak ko sa kama at agad na humarap sa kanya.

"That...that is not what you think–"

"I know that you can't love me because of Kuya Clioz, and I understand that...pero kung gusto mo makipag laro gamit ang ibang katawan ng lalaki...Alo...Alova, handa akong makipag laro sayo Alova."

Masakit na sambit nito.

Kita ko ang pa nginginig ng labi nito habang binibitawan ang mga salita.

Hindi niya rin tinanggal ang tingin nito sa mga mata ko, at kita ko na unti na lang ay may bumagsak na luha na sa mga mata niya dahil sa pamumuo nito.

"If...if you want to do that thing with another man...I would gladly give myself to you–"

"I won't use you for my own gain!" Pag putol ko sa kanya.

Ang bigat ng nararamdaman ko, alam kong may paliwanag ako sa nadatnan niya pero hindi ko agad mapaliwanag dahil sa emosyong binibigay ni Chase sa akin.

"Pero gagamit ka ng ibang lalaki para lang mapunan ang gusto ng katawan mo?!" Malakas na sigaw nito sa akin na ikinagulat ko, "Una palang ako na promo protekta sayo, cause I don't want you to get hurt by anyone...You know that I like...no, I love you...ang sakit kaya, nandito naman ako...kaya ko naman ibigay sayo yun." Tumulo na ng tuluyan ang luha nito.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now