CHAPTER 37

35.4K 560 87
                                    

Nagising ako ng nakayakap sa akin si Clioz.

Nakapasok din ang kamay nito sa dibdib ko, at mahigpit na naka hapit sa bewang ko. Kala mo naman ay mawawala ako sa kanya, at binaon pa ang ulo sa leegan ko.

Kinusot ko pa ang mata ko dahil sa sinag ng araw na tumama dito galing sa bintana ng kwarto kung nasaan kami ngayon.

Nasa dulong kwarto kasi si Chase, dahil ayaw niya raw kami katabi ng kwarto.

Hinayaan ko na lang siya, dahil tatlo naman ang kwarto ng bahay na ito. Andito kami ngayon sa kanang kwarto, mula sa hagdan.

Inilibot ko pa ang mata ko, tska bumungad sa akin ang hindi ako sanay na mga gamit.

Wala ang napaka laking larawan ko dito, wala rin ang aircon na sumasakop sa buong kwarto ko. Hindi rin gaano kalambot ang kamang hini higaan ko, hindi katulad ng nasa mansyon.

Purong kahoy ang nakikita ko, at malayong malayo sa kwartong kinalakihan ko na gawa sa marmol.

Napalingon na lang ako sa direksyon ni Clioz, na mahimbing na natutulog habang nakayakap sa akin.

Inihawi ko ang katawan ko para harapin siya, tska tinggal ang buhok na siyang humarang sa mata niya. Mukha talaga siyang anghel, kapag natutulog pero maiinis ka na lang sa sobrang kulit kapag gising.

Animo'y batang nakawala sa kural, lalo na kapag magkadikit sila ni Chase.

Ipinadaan ko ang mga daliri ko sa pisngi niya kung nasaan ang peklat niyang nakaangat sa balat nito, halatang halata dito na hindi lang ito daplis o kung anong bagay na hindi sadya.

Sa dami kong nakitang pinahirapan sa harap ng mata ko dahil sa trabaho ko sa mag asawang yun, ay alam kong ginupit o kaya naman ay hiniwa ang bunganga nito para umabot sa ganito ang itsura ng peklat nito.

Napakahaba nito na halos ay umabot na sa may tenga niya, at sa magkabilang parte pa ito ng pisngi niya.

I wonder what happened to him. I really want to know what his past was like, but I won't ask him about that.

Hahayaan ko na lang siyang mag sabi sa akin kapag handa na siya, dahil alam kong mahirap din ikwento ang bagay na katulad nito.

Marahan kong hinalikan iyun, tska muli siyang tinitigan.

I really love this man.

Ramdam ko ang mas lalong paghihigpit ng kapit nito sa balakang ko dahil sa ginawa ko, ilang saglit pa ay nakita ko na ang dahan dahan na pagbuka ng mga mata nito.

"P-patay na ba ako?" He asked in his raspy voice.

"What?" Nangungunot noong tanong ko sa kanya.

"There was an angel in front of me e." He smiled with his morning voice.

Agad ko namang nakagat ang pang ibabang labi ko dahil sa lalim ng boses nito, na kala mo ay lulunod sa akin.

"Dummy," I chuckled as I flicked his nose. "Tumayo ka na, wala tayong pang almusal. We need to buy our food and stocks na rin." I hissed.

Akmang tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinatak pabalik sa kama dahilan para masubsob naman ako sa dibdib nito.

"5 minutes," He whispered, wrapping his whole body around me.

Pati ang mga binti nito ay pinulupot niya sa akin, para ilapit niya ako sa katawan niya.

"Ang landi mo!" Pag pupumiglas ko sa kanya.

"Alam ko," Sagot niya sa akin, tska hinalikan ako sa leegan ko. "Gusto mo landiin kita ngayong umaga?" Nang aakit na tanong nito, tska ako muling hinalikan.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now