"Where the hell did you come from?!"
Tanging pag ngiti ko na lang kay Mommy ang binitawan ko, wala namang magagawa kung mag panic ako dito dahil sa takot.
Lumubog na ang araw nang makauwi ako dito sa mansyon, hindi ko na rin namalayan na matagal pala ang panahon na nanatili ako sa ilalim ng mall na yun.
Umalis ako sa lugar na yun na tulala; hindi niya ako sinaktan, pero ang mga salitang lumabas sa bibig niya ang tumarak sa akin.
Inilagay ko rin ang pulsuan ko sa likuran ng katawan ko para hindi makita ni Mommy ang bakas nang pagtali sa akin.
"Asan po si Lewis?" Nagtatakang tanong ko.
Kanina ko pa siya hindi nakikita, hindi ko rin siya kasamang umuwi.
Ang sabi ni Vion, ay hindi niya daw ginalaw si Lewis dahil wala daw akong kasama kanina, kaya niya ako nakuha ng ganon ka dali.
Pero, kung hindi siya ang kumuha kay Lewis, nasaan ang babaeng yun?
"I thought, Kasama mo siya? Sabi ng Daddy mo si Lewis ang kasama mo, kasi inutusan niya si Chase." Nakakunot noong tanong nito sa akin.
Nailing ko naman ang ulo ko dahil mukhang hindi rin alam ni Mommy kung nasaan si Lewis.
"Mauna na po ako sa taas, I'll try to track her down." Pag papa alam ko.
Tinanaguan naman niya ako, mabilis na umakyat ako sa kwarto at sinara ang pinto.
Napatingin pa ako sa orasan ng makitang mag aalas nuebe na pala, wala rin dito sa Chase sa kwarto ko.
Asan na ba yung mga taong yun?
Dumiretso na ako sa harap ng salamin at bumaba sa kwarto kung nasaan ang hideout ko.
Uminom lang ako saglit ng tubig bago tiningnan ang monitor ko, nag tipa rin ako ng iba't ibang coordinates para malaman kung saan nawala si Lewis.
Sa pagkakatanda ko ay sa isang store sa mall ko siya iniwan, doon sa parte kung saan ko siya inabutan ng napakaraming laruan.
Pinagtritripan ko siya oo, pero hindi mawawala sa akin ang mag-aalala kung nasaan siya.
Alam kong kaya ni Lewis ang sarili niya, at kung magkaharap naman sila ni Vion ay alam kong kaya niyang makipag sabayan doon.
Kahit naman loko loko ang babaeng yun ay hindi maikakaila na mas magaling siya ka Chase, parang hangin ang bilis ng mga kilos niya. Kung susumain sa unang paghaharap namin ni Vion, ay masasabing kong pareho ang mga galaw nila.
Malaki ang lamang ni Lewis sa lahat ng mga tauhan namin, kaya siya rin ang pinakamataas na taga pangalaga ng seguridad namin dito.
Hindi ako nag aalala kung napahamak siya, pero ang pinag aalala ko ay kung nasaan siya.
Binalik ko ang tingin ko sa harapan, mahigit sampung monitor ang nandito.
Iba iba ang mga gamit ng mga monitor na ito. Some are used for tracking, identifying, file holding, and hacking.
Ang pinaka gamit ko talaga dito ay ang gitnang monitor kung saan nakalagay ng mga coordinates sa buong negosyo namin na siyang nagpapatakbo dito.
These monitors are custom-programmed for different generations of this family.
Habang inaantay ko na mapasok ang security system ng mall na yun ay inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto ko.
Malaki ang kwartong tinutulugan ko, pero mas malaki ang kwartong ito.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...