"Fuck..."
Dahan dahan kong minulat ang mata ko, na sinabayan ng biglang pitik ng ulo ko sa sakit.
Akmang aabutin ko na sana ang ulo ko ng mapansin kong nakatali ang mga kamay ko.
"What the hell?" Natatawang sambit ko sa sarili ko.
Walang bahid ng takot sa katawan ko at parang timang na inangat ang ulo habang mahinang tumatawa.
Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid ng mapansin na nasa parehong lugar pa rin ako kung saan ako nawalan ng malay.
Nasa mall pa rin ako kung saan niya ako tinurukan ng kung ano sa leeg.
Wala akong nakitang kasama sa paligid ko, at ako lang ang mag-isa sa buong lugar na ito. Ang kina ibahan lang, ay ang posisyon ko lang ang may liwanag dito.
Binabalot na ng dilim ang buong palaigid, pero wala kabang gumuguhit sa akin. Napanguso na lang ako ng makita ko ang baboy na bibilhin ko sana.
Kawawa naman yung nagbabantay sa store na yun, baka isipin nila na magnanakaw ako.
Sa lahat ng pwedeng ibintang sa akin, ang pag nanakaw ang pinaka iniiwasan ko. Tunog mahirap kasi kapag sinabing magnanakaw ka, e hindi naman ako mahirap kaya bakit magnanakaw ako?
Dahan dahan kong tinapik na may ritmo sa sahig ang heels na suot ko, kasabay ng pag galaw ko sa ulo ko.
Ano kaya ang kailangan sa akin ng Vion na yun?
Pag iling na lang ng ulo ko ng ang nagawa ng maramdaman na may tumulong pawis mula sa ulo ko.
"Ang init ah," Bulong ko sa sarili ko, at pilit inabot ng balikat ang noo para punasan. "Kumain na kaya si Chase?" Tanong ko pa sa sarili ko.
Nagugutom na kasi ako, ano kayang ulam sa bahay?
"Alam kong nasa paligid ka lang," Walang buhay na sambit ko, habang tuloy ang pagtapik sa heels na suot ko.
Sobrang tahimik kasi ng lugar na ito, kaya kailangan ko gumawa ng mahinang tunog para hindi ako mawala sa sarili.
Sa lahat pwedeng katakutan ko maliban sa mawala si Chase si akin, ay ang lugar na tahimik.
Pakiramdamn ko, kasi kapag tahimik ang paligid ay naririnig ko ang mga putok ng baril na pilit ko ng kinakalimutan.
Hindi na mabilang sa daliri ko ang dalas ng pagputok ng baril na naririnig ko sa negosyong ito, pero ang sunod sunod na putok ng baril ilang taon na ang nakakalipas ang iniiwasan kong maalala.
"Can we finish this thing as fast as we can? Nagugutom na ako." Muling pagsasalita ko ng wala akong marinig na kahit ano.
Bigla ko tuloy na isip kung nasaan si Lewis—wait, a goddamn minute.
"Did you kidnap Lewis too?!" Halos mapasinghap ako sa ideyang yun.
Napakit pikit ko pa ang mga mata ko dahil doon. Inangat ko naman ang ulo ko ng may marinig akong naglalakad. It was the same guy earlier.
He slowly walked in my direction with his hands behind him.
"Is that your girl bodyguard?"
"Totoo ba? Napabagsak mo rin si Lewis?!" Manghang tanong ko sa kanya. "Ang galing mo naman."
Imbis na sagutin ako nito ay nagsalubong ang mga kilay nito tska dahan dahan na inuyuko ang postura niya sa akin.
"It seems that you saved the person; you're trying to save that night." Malamig na sambit nito.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...