CHAPTER 6

51.1K 802 171
                                    

"Chase!"

Tawag ko sa pangalan niya ng makita kong sinusubukan nitong tumayo sa kama.

"Ano ba? Anong kailangan mo, wag kana tumayo!" Nag aalalang tanong ko sa kanya, kasabay ng pag alalay ko.

"Wag kang ganyan baka ma fall ako sayo," Pag bibiro nito habang nakakapit siya sa akin.

"Matagal ka ng na fall, ayaw lang kitang saluhin." Birong balik ko sa kanya.

Tinulungan ko siyang umupo ng kama tska inabot ang tubig na siyang inaabot niya. Nanlulumo pa rin talaga ang mga mata ko sa sitwasyon ni Chase sa harapan ko.

Maliban sa natamo niyang sugat sa pakikipag laban namin, at puno ng pasa ang katawan nito dahil sa pa ngunguryenteng ginawa sa kanya ng mga tauhan ni Daddy.

"Aray ko ha!" Biglang sigaw niya dahilan para mapabalik ako sa tuliro.

Hindi ko namalayan na pinipindot ko na pala ang pasa nito sa balikat dahil sa matagal na pagtitig ko dito, agad ko namang binawi ang kamay ko sa kanya pero naningkit na lang ang mata ko ng biglang hatakin ni Chase ang pulsuan ko para manatili ang lapit ko sa kanya.

"B-bakit?" Biglang nautal na tanong ko sa kanya.

Nanlaki na lang ang mata ko ng bigla niya akong halikan sa mga labi ko kasabay ng pag kapit ng isa niyang kamay sa batok ko. Ang lalim ng bawat halik niya sa akin pero hinayaan ko lang siya, wala namang bago dito.

Lagi niya naman akong hinahalikan at walang kaso sa akin yun, lalo na hindi naman lumalampas ang mga galaw niya sa akin maliban sa mga paghalik niya.

"Chase..." Daing ko sa kanya ng maramdaman ko ang palalim na palalim na halik nito.

Dahan dahan siyang lumayo sa akin at ngumiti kasabay ng pag haplos niya ng marahan sa pisngi ko, "How I wish I can totally have you pero..." Natawa na lang siya tska muli akong hinalikan sa pisngi.

Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko dahil doon, alam ko kung ano ang tinutukoy ni Chase.

"Kainis ka," Muling sambit nito dahilan para patingin ako sa direksyon niya.

"Ano na naman?" Malambot na tanong ko sa kanya habang diretsong nakatingin dito.

"Nakakainis na andito ka sa akin kasi wala siya," Pagtawa nito. "Paanong hanggang ngayon inlove na inlove ka sa kanya kahit patay na siya?" he softly smiled.

"Ewan ko, maybe because he was someone special that I can't let go." I smiled back.

"So ako? Ano ako sayo–"

"Importante ka sa akin Chase, sobra... na tipong kaya ko itaya buhay ko para sayo pero...alam mo naman na si–"

"Ayuko na, ayuko ng marinig. It's fine with me, okay na ako sa set up natin basta kasama kita." Muling sambit niya kasabay na mahigpit na pagyakap sa akin.

Wala na akong sinabi at ibinalik na lang ang yakap sa kanya. I'll do everything to protect Chase, but not because I can return his feelings to me. It was because he's the only person that I have.

May pinanghahawakan ako sa sarili ko, alam kong nasasaktan ko siya hindi lang dahil sa trato ng mag asawang yun dahil sa akin. May isang pang dahilan kung bakit hindi ko siya magawang mahalin, at ayun ay nakakulong pa rin ako sa pagmamahal na ako lang nakaramdam.

It was my first love who still had my heart, it was still Clioz who had me. Mas tumindi ang nararamdaman ko sa kanya nung inilagtas niya kami nung araw na yun.

At first, it was just a crush because I was 11 that time but as years passed, that feeling gradually grew as a longing type of love. Imbis na makalimutan ko siya sa loob ng ilang taon, ay mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya kahit na alam kong wala na siya.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now