"A...asan ka?! Clioz!"
Umiiyak na sigaw ko sa kawalan, hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Ang bigat ng nararamdaman ko, at hindi ko magawang pakinggan ang pag tawag sa akin si Chase.
Inangat ko lang siya sa kama, bago tuluyang iwan para sundan si Clioz. Hindi ko siya pwedeng hayaan, kailangan ko siyang mahanap.
Hindi niya ako iniwan nung ako ang may kailangan ng tulong, kaya hindi ko rin siyang pwedeng pabayaan.
Wala na akong ideya kung nasaan ako napadpad, at purong palayan na ang naaninag ng mata ko. Mataas na ang sinag ng buwan, na siyang sinasabayan ng panghihina ko.
Nanlalabo na rin ang mata ko dahil sa luhang sunod sunod na umaagos mula dito, ang bigat na nang mga hakbang ko.
"Clioz!" Muling sigaw ko pa, pero wala na akong ibang nakikita at naririnig sa paligid ko.
Tunog na ng mga kuliglig ang siyang kumikiliti sa tenga ko. Para na akong trumpo dito, habang paikot ikot sa paghahanap sa kanya.
Takbo dito, punas ng luha doon, ikot ng mata dito, takbo ulit doon.
Asan ka na ba Clioz?
Wala ng matinong pumapasok sa utak ko, ano ba talagang nangyari sa kanya.
Why did that scissor trigger him so much?
I know that trauma could give you different types of triggers, but that scissors provokes his past in the blink of an eye.
Napaka bilis ng pag katok nun sa utak niya, na bigla na lang siyang natulala at inakalang papatayin ko siya.
Nasabunutan ko na lang sarili ko dahil hindi ko na alam ang iisipin ko, anong pinagdaanan niya para mabuo ang takot na yun?! Ayun ba ang dahilan kung bakit may napakalaking peklat siya?!
Pero, paano?! Paano nangyari yun...
Hindi ko maisip ang impyernong pinagdaanan niya, alam kong madilim rin ang kinalakihan ko pero hindi ko maisip kung anong nangyari sa kanya para matakot siya ng ganon at hindi ako makilala.
"Clioz..." Umiiyak na bulong ko sa sarili ko, tska tuluyang napaupo na sa lupa.
Tuloy tuloy ang iyak ko, at parang bata na pinunasan ng sleeves ko ang mga mata ko.
Hindi ko siya mahahanap agad...forte nun ang pag tatago...kapag hindi siya nag pakita, hindi ko talaga siya makikita...
"Clioz ko..." Pag iyak ko.
Muli akong tumayo kahit na nanghihina at muling naglakad.
Naningkit naman ang mga lumuluha kong mata ng may makita ako sa hindi kalayuan, nakasalampak ito sa ilalim ng puno ng niyog at yakap yakap ang sarili habang nakatungo.
Wala nang kahit anong tanong, at mabilis na tumakbo sa posisyon na yun.
Muntik pa akong madapa dahil sa pagmamadali, at wala ng pake sa magiging galos ko tska dumulas sa harapan niya para agad na yakap ito.
Hindi ako nag salita, pero ramdam ko ang pagiyak nito sa ilalim ng nakatungong ulo nito.
"Val..."
"It's okay, I told you okay lang." Nakayakap na pangunguna ko sa kanya.
"Sorry...sorry nasaktan kita..."
"Shh, tahan na." Pag papakalma ko.
"I...I didn't mean to hurt you...la...lalo na si Chase...please tell him...I'm sorry." Sunod sunod na iyak niya sa akin.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...