"Umuwi ka na."
Walang buhay na utos niya sa akin, habang nakayakap pa rin.
Pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil sinusubukan ko nang bumitaw sa kanya, pero siya ang hindi ako pinapaalis sa pwesto.
"Umalis ka na." Ulit pa nito.
"Do you really mean that? "
"No." He hissed as he tightened his hug on me.
Hindi ko na nasundan ang oras sa tagal namin sa posisyon nang hindi gumagalaw. Dahan dahan kong nilayo ang ulo ko sa kanya, kasabay naman ng dahan dahan niyang pag angat ng tingin sa akin.
Sumalubong sa mga mata ko, ang mapupungay na mata nito. May kung ano pa akong napansin sa kanya, pero hindi ko gustong sabihin at linawin.
I know for a fact that that was the reason why he was hiding his look.
There was a huge cut from his mouth, going to both parts of his cheeks. It was a scar that could tell a story about how devilish his life was when he got away from us.
Pareho kong hinawakan ang pisngi niya, at nakangiting tumitig sa mga mata niya.
"I missed you," I whispered.
Hindi ito nagsalita at dahan dahan akong binitawan kasabay nang pagtayo nito. May inabot din siyang tuwalya tska binalot sa akin dahil na rin sa pag-talsik ng butones ng polo ko.
"I'll drop you off somewhere." Malamig na usal na naman nito, "Mag pasundo ka kay Chase, at umuwi ka na." Walang buhay na sambit nito, tska ako tinalikuran.
Iniling ko ang ulo ko sa posisyon niya, nang makitang pumunta ito sa may kusina at may kung anong niluto doon.
Lumapit ako sa posiyon niya, tska walang ano anong lumapit sa kanya niya at niyakap siya habang nagluluto ako.
Nanaginip ba ako? Baka panaginip ang lahat nang ito dahil nga nawalan ako ng malay kanina.
Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko, nalilito ako sa lahat ng naalala ko.
Ang sabi niya sa akin ay misyon niyang patayin ako, pero bakit hindi ako lumalayo sa kanya?
"Kung panaginip to, please...wag mo na ako iwan." Muling bulong ko dito, habang nagluluto siya nang kung ano.
"Eat before you leave, kailangan mong umuwi." Malamig na sambit nito, "Alam kong sinasaktan nang mga umampon sayo si Chase kapag nawawala ka, kaya umuwi ka na.".
Humiwalay ako sa pagkakayap sa kanya, at sinilip ang seryosong mukha nito.
"Binabantayan mo lang ba kami? "Tanong ko sa kanya.
Wala na naman lumabas sa bibig niya, at hinango ang cornbeef na siyang niluluto niya pala.
"Kailan ko lang din nalaman," Hindi nakatingin na sambit nito tska inihain ang niluto niya. "Umupo ka na dito." Utos niya sa akin.
Napanguso naman akong sumunod sa kanya na parang bata. Nakatingin lang ako sa mukha nito, na para bang pinagsisilbihan ako.
Nilagyan niya ako ng kanin ang plato ko, tska nilagyan ng tubig ang basong iinuman ko.
Pagkatapos niyang mag hain, ay umupo siya sa harapan ko tska sinandal ang siko niya sa lamesa kasabay nang pagpahinga ng ulo sa kamay nito.
Hindi ako nagpatalo sa mga tingin niya, at nakipag laban sa kung paano niya ako batuhan ng bawat kislap na meron siya.
"Kumain ka na," he decreed.
Tiningnan ko pa ang plato ko bago muling binalik ang mga mata ko sa kanya. Nagsimula na rin akong kumain, dahil kanina pang umaga ang huling kain ko.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...