"Argh!"
Napatakip na lang ako sa bibig ko ng marinig ang malakas na sigaw ni Chase.
"Daddy please! Tama na, tama na please!" Pagmamakaawa ko habang nakaluhod sa harapan niya.
Walang buhay ang mata nito, at diretsong nakatingin lang sa salaming na naghihiwalay sa isang kwarto at sa lugar kung nasaan nakatali Chase habang...kinukuryente.
"Argh!" Muling sigaw nito ng ilapat ng isang tauhan namin sa balat ni Chase ang isang metal bar kung saan nanggaling ang malakas na volt na yun.
"Daddy please!" Malakas na pag iyak ko sa kanya.
Kinuha ko na rin ang kamay nito para mag makaawa, bumibigat na ang dibdib ko. Ang sakit sa pakiramdam na sunod sunod na sigaw ni Chase ang naririnig ko. Bumibigat ang paghiga ko, at wala ng pumapasok sa utak ko.
"Argh!"
"Daddy please, tama na! Nakikiusap ako, tama na please!" Muling pag iyak ko, pero walang bumabasag sa tigas ng itsura nito at lamig na siyang pagtitig sa harapan nito.
"Hugo." Narinig kong pagtawag ng kung sino.
Marahas akong napatingin sa direksyon ng boses ng makita ko si Mommy, agad na bumitaw ako sa pagkakahawak kay Daddy at dumiretso sa direksyon ng babae.
"Mommy please, sabihinan niyo po sya na tama na." Umiiyak na pagmamakaawa ko sa kanya.
Dahan dahan niya naman akong inalalayan sa pagtayo, tska pinunansan ang luha sa mga mata ko. Mas matangkad din kasi sa akin ang babaeng ito, kaya nakayuko siya sa direksyon ko habang marahan na hinahawakan ang pisngi ko.
"I'll tell him to stop, but in one condition–"
"Anything! I'll do everything, just ask him to stop!" Pagputol ko sa kanya.
Wala na akong pake kung ano na naman ang gusto nilang kapalit sa akin, basta tama na tong pang t-torture nila kay Chase! Hindi ko na kaya marinig mga hiyaw niya dahil sa akin.
"Okay, now stop crying, my dear." She softly smiled at me, as she lastly caressed my tears.
Hinalikan niya pa ako sa noo, tska nakita kong lumapit siya sa asawa niya tska may binulong ito. Inabot niya ito, kasabay ng paghawak sa kamay niya at pagkapit nito dito ng mahigpit.
Isang malaking buntong hininga ang binitawan ni Daddy, pagkatapos siyang halikan ni Mommy at sinenyasan ang mga tauhan namin na ihinto ang ginagawa kay Chase. Hindi na ako nag sayang ng oras, at agad na tumakbo na kay Chase na hinang hina na.
Madadapa pa sa ako, sa pag abot sa kanya kasabay sabay ng mahigpit na pagyakap ko dito ng mahawakan siya ng braso ko.
Nanlumo ang katawan ko ng maramdaman ang malakas na panginginig ng katawan niya, at malamig na pawis na siyang tumatakas dito.
"I'm sorry...I'm sorry..." Sundo sunod na bulong ko.
Walang lumabas na kung ano sa bibig niya pero ramdam ko ang nanghihinang pag hawak niya sa akin, na sinabayan ng sunod sunod na pagluha sa mga mata ko.
"C-chase? Chase?!" Natatarantang sigaw ko ng makita kong tuluyang bumagsak na ang mga kamay niyang humawak sa akin.
"D-dalhin niyo si Chase kwarto ko!" Malakas na sigaw ko sa mga tauhan namin, pero nag titigan lang ang mga ito.
Halos masabunutan ko na ang sarili ko dahil sa hindi pagkilos ng mga tao sa paligid ko.
"For the heavens sake! Dalhin niyo si Chase sa kwarto ko o ako ang papatay sa inyo dito kung hindi niyo ko susundin!" Pagbabago ko pa sa kanila.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...