"Ate, miss! Bili na po kayo sampaguita!"
Napabalik naman ako sa tuliro mula sa pagmumuni muni, nang may nakita akong isang batang babae sa harapan ko.
Balingkinitan ang katawan ng bata, at nakasando ito na kulay puti. Maganda ang bata, pero kita ang dungis sa buong katawan nito, dahil na rin siguro ay nasa kalsada siya ngayon.
Isinandal ko ang likod sa bango, tska ipinatong ang kabila kong binti sa kabila habang nakatingin sa kanya.
"Ayuko," Sagot ko sa kanya.
Nakita ko ang pagsalubong ng kilay nito, pero agad na binalik ang matamis na ngiti sa mga labi.
"Dali na po ate, pang kain ko lang po." Nakagusong sambit nito.
"Aanhin ko ang sampaguita, e wala naman kaming sasabitan na santo sa bahay namin."
"Ay nako ate, hindi lang po sa santo pwedeng isabit ang sampaguita!" Pag putol niya sa akin, dahilan para maiangat ko ang isang kilay ko.
Inayos ko ang upo ko, at diretsong tumingin sa batang babae.
"Saan pa ba pwedeng isabit yan?" Tanong ko sa kanya.
Kita ko ang pag lawak ng ngiti sa mukha ng bata, "Hindi lang naman po ginagamit sa pananam palataya ang sampaguita, pwede niyo rin po ito bigay sa mahal niyo sa buhay! Bulaklak po kaya ito!" Pag didiin niya.
Napangiti na lang ako dahil sa pagpapaliwanag niya, mukhang gusto niya talagang maka benta.
"Ilang taon ka na?" I asked.
"Hmm, 7 po." Agad na sagot nito sa akin.
Pag tango na lang ang nagawa ko sa kanya, tska kinuha ang wallet ko. Sinilip ko pa yun, at buti na lang ay may cash dito na mukhang si Chase ang naglagay.
"Wala po akong barya sa isang libo."
"Sayo na yan," Agad na pag putol ko sa bata.
"Po?!"
"Sayo na yan, ibenta mo pa yang mga sampaguita mo para madagdagan pera mo." I smiled as I leaned back to the bench. "Do whatever you want with that money; just use that for good." Dagdag ko pa.
Ipipikit ko na sana ang mata ko, nang may maramdaman akong sumabit sa pulsuan ko dahilan para mapaangat ako.
Nangunot ang noo ko nang makitang sinuot ng batang babae sa pulsuan ko ang sampaguita, na parang bracelet.
"Bakit mo ko sinasabitan niyan, hindi naman ako santo." Walang buhay na sambit ko.
"Pero para ka pong anghel, kasi binigyan niyo po ako ng pera na makakabili po ako ng pagkain para sa mga kapatid ko!" Nangiting sabit nito bago humiwalay sa akin, "Salamat po ulit ate!" Masayang sambit nito, tska masayang tumakbo pa alis.
Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko dahil doon, napangiti tuloy ako nang wala sa oras dahil doon.
Muli kong isinandal ang ulo sa bangko, at sandaling pinikit ang mga mata ko.
Ang sarap nang hangin sa lugar na ito, lalo na't nasa ilalim ako ng puno. Napapakalma ng lugar na ito ang buong sistema ko, na para bang isang ordinaryong mamamayan lang ako.
Parang musika sa tenga ko, ang bawat tawa nang mga bata sa paligid ko, kasama ang mga pamilya nila.
Kahit ilang beses kong hilingin sa mga diyos na magkaroon ng masayang pamilya, ay baka hindi niya ako marinig sa dami ng humihiling sa kanya. Meron pang mas nangangailangan nang tulong niya, kaysa sa akin.
Naramdaman ko ang isang presensya na umupo sa tabi ko.
Wala naman akong balak na pansinin kung may naki upo ba, dahil nasa isang pampublikong parke naman ako at hindi ko pagmamay ari ang bangko na ito.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...