CHAPTER 2

56.9K 851 96
                                    

"Pucha, bakit ka nag huhubad sa harapan ko?!"

Walang ano anong hinubad ko ang polong suot ko sa harap ni Chase dahilan para tumalikod ito sa posisyon ko. Matagal na akong walang pake sa pagkatao ko lalo na sa katawan ko, ano pa bang kailangan kong ingatan kung nakatira nga ako sa poder ng taong pumatay sa mga mahal ko sa buhay?

"Alova, I know na bata pa lang tayo mag kakilala na tayo pero...please, sabihan mo naman ako!" Mariing sambit nito na nakatalikod pa rin ngayon.

Hindi ko na inintindi ang sinabi niya, at iniwan ang polong suot ko sa lapag kasabay ng pag hubad ng pantalon ko. Ngayon, ay tanging ang underwear na lang ang suot ko patungo sa walk in closet.

"Lumapit ka dito." Walang buhay na utos ko kay Chase.

"You should wear something–"

"Read the file that guy gave, ano ang misyon na gagawin natin." Tanging sabi ko tska naghahanap ng maisusuot.

Kapag may binibigay na misyon kasi ang mag asawang yun ay hindi ako pwedeng magsayang ng oras, at gawin agad ang inuutos ila. They need everything to be done as fast as possible, and flawlessly perfect at the same time.

Sa pamilyang ito, hindi pwedeng tatanga tanga. Kailangan maayos at planado ang lahat, hindi pwedeng mag iwan ng kahit anong dumi pagkatapos ng mga trabaho dahil kung pumalpak ako ay papatayin nila ako.

"Mr. Jura from the other country paid us to have that certain dog on Jumar Pet Shop, to be on your family website," Chase stated, which made my brows furrowed.

"A dog?"

"That dog has a billion-dollar chip, which is included in all the transactions from different businessmen. It contains formulas, contracts, and secret files that they personally need." He added.

Naningkit naman ang mata ko dahil doon, "Bakit niya gusto makita ang asong yun sa website namin, if that dog carried a billion worth of files?" I asked.

"Dark pleasure." Tanging sagot niya na nag pabuga sa akin ng hangin.

Ewan ko ba sa mga mayayaman, ganun na ba karami ang mga pera nila para mag sayang ng malaking halaga para bayaran ang pamilya ko para lang mapanood nila sa website namin ang aso na yun? Mga sira ulo.

Kumuha na ako ng damit na babagay sa misyon na to. I just chose a white casual top, and a yellow cardigan. I also wear a white tennis skirt, and a white ankle boots to match the fit. Nag suot di ako ng wig na kulay itim, para maitago ang totoong kulay ng buhok ko. Ibang makeup shade rin ang ginamit ko, tska colored contact lense to fully hide my identity.

Sa negosyong to, kailangan personal kong gawin ang mga hinihingi ng kliyente namin. Wala kasi akong tiwala sa mga tauhan namin lalo na kung malaking tao ang gustong kumuha ng serbisyo namin.

Napalingon lang din ako kay Chase, na ibang iba na ang itsura kaysa kanina. Ang layo na ng malamig at seryosong aura nito, dahil nag bihis ito na parang estudyante na susunod sa akin bilang kapatid ko.

Walang buhay akong naka sandal sa headrest ng kotse habang si Chase ang nagmamaneho, may mga nakabuntot din sa aming tauhan ng mag asawang yun para na lang din sa kaligtasan namin.

Hindi nila kakayanin kapag may nangyaring masama sa amin, lalo na sa akin. Takot silang mamatay ako dahil sa trabahong ito, pero takot akong patayin nila.

They told me that I should let our people do the mission, but I can't just sit around and relax when everything that may have gone bad will be my responsibility. Ayukong umako ng kapalpakan ng iba, kaya mas mabuti na rin na ako ang umaasikaso nito.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now